Press Release
May 30, 2012

DZMM transcript of interview with Sen. Escudero

DE CASTRO: Magandang umaga po Senator Chiz!

FGE: Kabayan magandang umaga sa iyo at sa lahat ng ating mga listeners magandang umaga rin!

DE CASTRO: Kanina po may naiwan kayong pahayag dito sa programa nina Anthony ano ho. Kahapon yun din ang tanong ko sa TV Patrol bago kami magtapos. Ano ang parusa kay Chief Justice Renato Corona? Sapagkat hindi nga po nabanggit ni Senate President Juan Ponce Enrile. Papaano ho ba ang pagkakaintindi nyo dyan Senator Chiz?

FGE: Gaya nang nabanggit ko Kabayan, nabanggit yan ni Atty. Romy Mac at dun ko lang napansin pagkatapos na ng botohan at pagkatapos mag adjourn sine die ng impeachment court. Dalawang pananaw siguro Kabayan, una na automatic na yun dahil nakasaad naman sa Saligang Batas na ang parusa ay removal at absolute perpetual disqualification to run public office.

DE CASTRO: Okay.

FGE: Subalit kung maaalala nyo mayroong nabiting katanungan si Senator Santiago na pwede raw bang magpataw ng parusang mas mababa dun ayon sa kanyang pananaw. Hindi po inyon pormal na naresolbahan sa korte o sa caucus.

DE CASTRO: Oho. Yun ho bang caucus ay pinag-usapan kung ano ang dapat iparusa?

FGE: Hindi po. Hindi po pormal na naaksyunan at na dispose of yung katanungan ni Senator Santiago sa caucus. Kung maaalala nyo isang araw bago kami magbotohan matapos ang summation or closing arguments ng magkabilang panig, muling tinanong ni Senator Santiago yun at sinabi ni Senator Sotto na ito raw ay tatalakayin sa isang caucus subalit hindi na po natalakay yun.

DE CASTRO: So hindi na napag-usapan. So sa akala po ninyo ay nakabitin pa ang parusa o automatic na yun?

FGE: Sa totoo lang ho dahil sa sui generis ito Kabayan mahirap pangunahan at ayaw kong pangunahan yung magiging resulta. Siguro marapat pakinggan ang opinyon ng Senado mismo, legal at mga abogado ng Senado kung ano ang dapat gawin sa mga bagay na yan.

DE CASTRO: Kasi may lumabas sa Inquirer na sinabi raw po ni Senator Vicente Sotto III na removal from office is immediately effective, yun ang binanggit nya.

FGE: Yun po ang opinyon ni Senator Sotto. Pero gaya nga nang sabi ko Kabayan dapat siguro ito'y back up ng legal ng Senado gayundin ng Senado mismo at may maliwanag na proklamasyon kaugnay nyan. Marahil Kabayan maaring ilagay yan doon sa notice of judgment na ipapadala bagaman hindi nabasa ng pormal sa impeachment court kaugnay ng hatol.

DE CASTRO: So uungkatin ba ninyo mamaya sa Senado?

FGE: May caucus kami Kabayan alam ko mamayang tanghali at pag-uusapan po ito malamang. Ang sa akin lang Kabayan, unang pagkakataon natin makapagtapos sa isang impeachment complaint sa kasaysayan ng ating bansa. So siguro kung may pagkukulang o ommission tulad nyan o mga katanungang tulad nyan na dapat pang sagutin o liwanagin, siguro bahagi yan ng karanasan na dapat nating pagdaanan para matuto tayo kung paano.

DE CASTRO: Opo. Kahapon po sa inyong pagpapaliwanag sa inyong boto ay ang napansin ko doon sa inyong boto, hindi sa, pagkat guilty ang inyong boto, kundi napansin ko sa inyong paliwanag na tungkol sa pagdideklara ng mga opisyal ng pamahalaan sapagkat sabi nyo "kung ayaw mong ideklara ang iyong saln ay wag kumandidato o pumasok sa pamahalaan" something like that. Tama ba yun?

FGE: Tama po yun. Dahil maraming nagsasabing Kabayan hindi ba, ba't ko ilalagay yan dyan baka kidnapin naman yung mga anak ko?

DE CASTRO: Opo. Opo.

FGE: Ba't ko ilalagay yan dyan baka holdapin naman kami? Para po sa akin kung yan ang concern mo at ayaw mong ideklara at ilagay yan dyan wala naman pong pumipilit kanino man na tumakbo sa anumang pwesto sa gobyerno o tumanggap ng anumang pwesto sa gobyerno.

DE CASTRO: Okay. Nabanggit din po ninyo na "mabigat man sa aking kalooban kailangan kong maggawad ng hatol laban kay Chief Justice Renato Corona." Bakit po nabanggit ninyong mabigat man sa aking kalooban?

FGE: Mabigat Kabayan dahil nakilala at nakasama ko naman si Chief Justice Renato Corona bilang miyembro ng JBC ng ilang taon. At wala naman ako mairereklamo sa kanya personally dahil mabait sya at maayos na kasama, kausap, at presiding officer ng JBC. Ang isa siguro Kabayan na pinakamabigat na gawin ng isang tao ay maghatol sa kalaban man lalo na sa kaibigan.

DE CASTRO: Opo. Pero nabanggit din po ninyo ang layunin ng R.A. 6426, ang tungkol sa foreign deposit.

FGE: Tama po kayo Kabayan. Parang secrecy of bank deposits lamang yan or R.A.1405. Ang batas na yan ay nakaaddress po kung ang pinagtutuunan ng pansin at pag utos ay ang bangko. Na wag at hindi nila pwedeng i-release yan maliban nalang kung may waiver ang depositor. Wala naman pong nakalagay dun patungkol sa depositor na hindi nya kailangan at pwedeng idekalara yan. Sa katunayan, nakalagay dun na pwede lamang i-release yan kapag pumayag ang depositor. Magkaibang obligasyon yun sa Republic Act 6713 na nagsasabing, ang pinag-uutusan naman ay ang depositor o ang filer o ang government employee na kailangan mong idekalara yan.

DE CASTRO: Kailangan ho sa ilalim ng 6713 na ideklara ang iyong yaman at pagkakautang.

FGE: Opo at yung R.A 6426 naman ay ang bangko. Hindi mo pwedeng ilabas yan maliban nalang kung may waiver ang depositor. Yun ang rason Kabayan kung bakit matagal na aksyon, ifinile ko at inaprubahan na ng komite ang isang bill na ang layunin ay i-require, sa pamamagitan ng pag amyenda ng Republic Act 6713 ang lahat ng taong required mag file ng saln na magfile din ng waiver at nabanggit ko rin kahapon na sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan mayroong opisyal sa katauhan ni Chief Justice Renato Corona na pumirma ng waiver na yan.

DE CASTRO: Oho. At Kahapon din ay nabanggit nyo na kayo rin ay pumirma na sa isang waiver?

FGE: Opo at isinumite ko na sa Senado dahil sa Senado po namin sinasubmit bilang head of agency ang aming saln na syang mag po-forward naman sa Office of the Ombudsman para po dun po itago ang lahat ng ito.

DE CASTRO: Ano po ang laman Senator Chiz ng inyong waiver?

FGE: Simpleng waiver lamang po iyon, dalawang pahina lamang sang-ayon dun sa bill na finile ko po Kabayan, na wine-waive ko ang anumang proteksyon o confidentiality ng secrecy pf bank depositis sa ilalim ng R.A. 1405 at sa ilalim ng FCDU law or R.A. 6426 pabor sa Office of the Ombudsman kaugnay ng anumang imbestigasyon o reklamo na maaaring isampa laban sa akin.

DE CASTRO: At yun din ba ho ang laman ng inyong gustong gawing batas?

FGE: Opo. Eksakto po Kabayan.

DE CASTRO: Pakiliwanag nga po uli Senator Chiz I'm sorry, kung ano ang laman ng inyong batas na gusto nyong maipasa sa Senado?

FGE: Nais po namin i-require lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan na required mag file ng saln na kalakip nung kanilang saln, di ba po Kabayan mayroong waiver sa dulo ng saln kung maaalala po ninyo.

DE CASTRO: Oho.

FGE: Inaamyendahan po namin ang waiver na yun sa dulo ng saln para isama na yung waiver sa secrecy of bank deposits at waiver sa FCDU law or R.A.6426 na naging isyu sa impeachment complaint na ito kaugnay ng dollar or foreign currency deposit.

DE CASTRO: Ibig pong sabihin nun automatic na, my waiver na kapag ka ikaw ay nag file ng iyong saln?

FGE: Tama po iyon. Hindi po ito hiwalay na papel, kasama po ito pag file ng saln, pabor tulad ng waiver sa saln, pabor sa Ombudsman para kung may iniimbestigahan man tayong opisyal. Meron man pong nagreklamao laban sa isang opisyal ay hindi na po natin kailangan pagdaanan itong haba ng pinagdaanan natin sa impeachment na may kasuhan po sa korte. Yung waiver, nandun na po para magamit at tingnan. Dahil gaya ng madalas kong sinasabi, yung wala naman tinatago, wala dapat katakutan at marapat na dapat maging bukas ang sinumang opisyal ng pamahalaan sa bagay na yan.

DE CASTRO: Opo. At inaasahan po ni Senator Chiz na sa nangyaring ito kay CJ Corona at sa impeachment hearing na ginawa ninyo na nagfocus sa saln, maaprubahan na ang inyong batas na gusto?

FGE: Well yan ang inaasahan ko Kabayan dahil matagal tagal na rin namang natutulog yan sa Senado at sa Karama de Representate. Sa katunayan, mag i-sponsorhip speech pa lamang kami at remark mamayang hapon, bagaman committee report number 2 ito sa Senado. Mga August palang o September 2010 palang nasa plenaryo na po ng Senado iyan. At ngayon lamang matatalakay at sana maaprubahan, hindi man ngayon, siguro bago kami mag adjourn.

DE CASTRO: Oho. At pipilitin ba ninyong maipasok ulit, ngayong pong tapos na ang impeachment trial?

FGE: Maipasok yung panukalang batas Kabayan?

DE CASTRO: Hindi, mapag-usapan uli.

FGE: Opo. At gaya nga ng sabi ko, naschedule for the first time for a long time Kabayan itong panukalang batas na ito.

DE CASTRO: Kailang na schedule ho?

FGE: Mamayang hapon po sa session namin.

DE CASTRO: Ah kasama na kaagad. Okay.

FGE: Ang layunin namin Kabayan para magkaroon naman ng saysay, magkarron ng rason itong kalbaryong pinagdaanan hindi lamang ni Chief Justice pero ng ating bansa. Para naman makita yung pagtrato at panukat na ginamit sa paghusga kay Corona ay sya ring gagamitin at dapat gamitin laban sa amin.

DE CASTRO: Opo. One last question. Senator Chiz, nasorpresa ho ba kayo sa 20 boto na guilty at 3 lamang ang not guilty?

FGE: Well nagkakatanung tanungan at nagpapakiramdaman naman kami Kabayan noong mga nakaraang buwan pero nagkaroon ng pagbabago o paglalayo ng bota matapos mangyari yung mga huling kaganapan sa impeachment court partikular yung pag presinta ng ebidensya ng Ombudsman. Yung pagtestigo at pag alis, bagaman humingi sya ng paumanhin dun, ni Chief Justice Corona noong una syang tumestigo. At higit sa lahat ay yung pag amin Kabayan na ginawa ni Chief Justice Corona kaugnay sa kanyang deposito. Yun siguro yung clincher o yun siguro ang nagdulot ng pagbabago sa marami sa amin dahil kahit pansinin mo Kabayan yung prosekusyon, sa kanilang summation ang ginamit nilang ebidensya at basehan ay puro mula sa pag amin na ginawa ni Chief Justice Corona. Halos wala o wala nga yata akong maalala na cinite silang ebidensya na prenisinta nila, maski na sa panghuling argumento nila sa impeachment court.

DE CASTRO: Okay. Hindi ko lang maiwasan na hindi itanong ito sapagkat nabanggit pa ho ni lead counsel Serafin Cuevas na may posibilidad na dalhin nila sa Supreme Court. Kung kayo po ay magpapayo halimbawa bilang isang abogado rin kay lead defense counsel Serafin Cuevas, ipapayo pa ba ninyo na habulin pa ito sa Supreme Court?

FGE: Bilang abogado muna Kabayan, obligasyon nya na ibigay lahat ng payo at proteksyon at pangangalaga sa karapatan ng kanyang kliyente. Hindi ko po mapupulaan si Justice Cuevas sa ganyang uri ng pananaw. Subalit bilang miyembro ng impeachment court at bilang miyembro ng Senado, napakahaba at pait na ng prosesong ito, ang huling gusto natin ay humaba pa ito at akala ng lahat ay matutuldukan na sa pagdedesisyon ng korte, subalit yan ay pananaw ko bilang miyembro ng Senado. Subalit bilang isang abogado, tulad ni Justice Cuevas, obligasyon nya na ibigay sa kanyang kliyente ang mga ganitong uri ng options. Subalit narinig ko rin Kabayan si Chief Justice Corona na nagsabing tinatanggap nya ang pasya nghusgado. Hindi ko lang rin alam kung ito pa ang magiging option po nila sa mga darating na araw.

DE CASTRO: Noong panahon rin po ninyo sa House of Representatives, tinangka rin ho ninyong i-impeach ang isang chief justice na si Chief Justice Davide. Paano nyo maikukumpara ang nangyari ngayon?

FGE: Yung impeachment complaint pong yun bamagan mayroon kaming sapat na pirma at 1/3 na ng House of Representatives, dahil tutol ang Malakanyang noon, tutol si GMA noon, eh sa Kamara pa lamang ho ay naharang na. Hindi ba't kapag may 1/3 na Kabayan diretso na pwede nang i-file yun sa Senado.

DE CASTRO: Okay. Gaya ng ginawa dito.

FGE: Hindi pinayagan yan ng House of Representatives at pinigilan at tinutulan yan ng House of Representatives that time sa ilalim ng speakership ni Speaker de Venecia. At noong napagbotohan sa plenaryo, actually hindi na nga kailangan pagbotohan sana. Kung maalala mo wala nang nangyaring botohan dito sa impeachment complaint laban kay CJ Corona, yun din ang aming paniniwala nun pero biglang pinadaan sa botohan sa Kamara at nawala bigla yung aming numero dahil isa isang nakausap at nahila. Noong magbotohan, kulang na po kami sa 1/3 sa plenaryo at hindi na nakarating sa Senado. Pangalawa Kabayan, noong panahon yun T(ni)RO ng Korte Suprema ang House of Representatives at hindi kami pinayagang ipagpatuloy ito. Yan yung malaking dagok sa impeachment complaint noon dahil nagbobotohan kami noong inisyu yung TRO at marami na pong umatras at nagbawi ng pirma matapos maisyu ang TRO na yan ng Korte Suprema.

DE CASTRO: Opo, hindi ko rin ma-kwan na hindi itanong sa iyo ito. Anong klaseng tao ang akala mo at dapat pumalit ngayon kay CJ Corona dahil may mga nababanggit na pangalan ngayon at number 1 sa report ng dyaryong Star ay si Senator Franklin Drilon, si Commissioner Kim Henares ng BIR at si Solgen Francis Jardeleza, anong klaseng tao ang dapat pumalit kay CJ Corona para naman ang taumbayan ay maniwala na ang pagkakatanggal kay CJ Corona ay malaking bagay para sa Supreme Court na talagang ang pinagbabatayan ay ang babaeng nakapiring at patas ng batas.

FGE: Well tama ka dyan Kabayan. Ika nga ang papalit ay dapat more pious than the pope lalo na sa taas ng pamantayan na inaply natin kay Chief Justice Renato Corona sa pag impeach sa kanya. Lalo na siguro sa papalit sa kanya. Wala ako at hindi ko tinatawaran Kabayan ang kakayanan nila Senator Drilon at ni Commissioner Henares na matagal ng kaibigan at kapartido ni Pangulong Aquino subalit siguro isa sa mga qualifications ay hindi identified na malapit, kasama, kapartido ni Pangulong Aquino para hindi mapulaan at mabigyan ng kulay ang pagkakatanggal kay Chief Justice Corona kung ang papalit ay kaalyado, identified, kapartido at kaibigan nang dati ni Pangulong Aquino. Hindi ko sinama Kabayan si Solicitor General Jardeleza dahil sa pagkakaalam ko ay ni hindi sila magkakilala bago sya inappoint ni Pangulong Aquino.

DE CASTRO: How about ang acting CJ ngayon?

FGE: Ang pagkakaalam ko Kabayan at hindi ko maalala kung nabanggit na ito ni Pangulong Aquino sa publiko, pero narinig ko nang mismong sinabi nya na sya ay kukuha sa labas ng Korte Suprema at hindi mula sa loob ng Korte Suprema. Yun ang mas ninanais nya depende sa listahang isasubmit ng JBC.

DE CASTRO: Okay maraming salamat po Senator Chiz Escudero at magandang umaga po.

FGE: Maraming salamat din po at magandang umaga muli Kabayan sa inyo at sa ting mga listeners.

News Latest News Feed