Press Release
May 30, 2012

Transcript of ambush interview with Sen. Escudero

How soon magko-convene ang JBC tungkol sa bagong chief justice

As soon as matanggap ng JBC and notice of judgment ng senado marahil magko-convene na agad ito kung hindi man hihilingin ko na magconvene na kaagad ito para magsimula na ang proseso sa pagpupuno ng vacancy. Sang-ayon kasi sa Constitution meron lamang kmaing 90 days, kabilang na ang pag-appoint ng Pangulo para punuan ang vacancy na nacreate ng impeachment na ito.

So ngayon ano ang status ng SC wala silang CJ?

Internal rules ng Supreme Court ang mananaig dito kung saan may tatayo, may uupo bilang acting chief justice parang pagkanababyahe ang chief justice o nagli-leave may papalit na isang acting chief justice. Usually ito an g most senior justice ng Korte Suprema subalit sa pagkakaalam ko malayang pwedeng mamili ang Korte Suprema ng sinumang isa sa kanila.

Someone from the outside daw ang iaappoint na bagong chief justice

Ang alam ko ang inclination naman talaga ni Pangulong Aquino ay pumili mula sa labas ng Korte Suprema, hindi ko lang alam kung nagbago na yon subalit sana yung papalit na chief justice ay hindi makakadagdag o makakalikha na naman ng panibagong conflict o panibago na naman bangayan o away sa loob man o sa labs ng Korte Suprema.

Pero pwede tagalabas?

By tradition or by practice palaging incumbent justice ang napipili bilang chief justice subalit waalng limitasyon, pagbabawal sa JBC man o sa Pangulo ng pagnominate o aag-appoint ng tagalabas para magign chief justice.

Hindi daw dumadaan sa JBC yung chief justice

Weel kung gaano karaming abogado ganoon karaming opinion, the law always abhors a vacuum, hindi maaaring porket nawala na ang chief justice ay hindi na magpa-function ang JBC. Kinakailangan na may mag step up o may interpetasyon tayong ibigay sa batas para punuan yung vacuum na yon.

So for you dadaan talaga sa JBC?

Yung CJ? (Yes, sir). Yung pag-appoint nga kay Chief Justice Corona dumaan nga sa JBC, at ganoon din yung ibang chief justice dumaan din lahat yon sa JBC.

Kung tagalabas pwede si Sen. Drilon?

Well sa pagkakaalam ko ayaw din nya, sabi nga nya kung yan ang kahihitnan ng boto nya rito papalit daw siya ng boto. Sa pananaw at palagay ko hindi naman siguro gagawin ng Pangulo yon dahil ayaw din naman niayng mapulaaan na malapit sa kanya o kapartido nya ang pipiliin nya bilang pamalit sa natanggal na chief justice. Gaya nga nang nasabi ko sana yugn iaappoint nya huwag pagsimulan na naman ng panibagong away at bangayan, ibig sabihin sana hindi isa sa mga bida o kontrabida sa telenobelang natapos kahapon.

Ayaw nyo kay Sen. Drilon?

Hindi naman sa ayaw pero sa pagkakaalam ko siya mismo ayaw nya. Sa JBC kilangang mag-apply at kapagka ikaw ay nanominate kailangang tanggapin mo ang nomination, walang kyeme kyeme sa JBC kung saan magpapanominate ka pagkatapos tahimik ka lang, na kung gusto nila sige, dapat tanggapin yung nominasyon.

Kunyari lang ma-appoint pwede si Sen. Drilon?

Ang qualification lang naman ay sa pagkakaalam ko natural born citizen, may age requirement, 40 yata dahil kung Presidente pwede maging 40, eh di chief justice pwede rin, 10 years na practice ng law ang requirement ng batas, of course, with proven probity, competence and integrity.

Walang problema kung senator siya?

Ayaw kong pangunahan at husgahan, miyembro kasi ako ng JBC, iba na lang siguro ang dapat sumagot baka sabihinh pini-preempt, pini-prejudge ko anumang nominasyon o application na makakaarting sa amin.

Ano yung feeling na tapos na yung telenovela?

Well hanggang ngayon kasi yun pa rin yung mga tanong nyo eh kaya parang hindi pa rin tapos. Mabigat pa rin sa dibdib, siyempre, hindi maikakaila, ito ang kaunaunahang beses sa buhay ko na may hinatulan akong tao, nagkataoon pa na, well kilala ko, kaibigan at nakatrabaho sa JBC, rason para saluduhan ko ang lahat ng mga huwes at mahistrado sa buong bansa, araw-araw nilang ginagawa ito. Ako minsan lang, sobrang bigat pa sa dibdib, so sila siguro mas matibay ang dibdib na nila kaysa sa amin kumpara sa paggawa ng ganitong uri ng bagay. Yung aming parusang ginawad ay pagtatanggal lamang sa puwesto, sila pagkakabilanggo o noon may parusang kamatayan pa nga, na mas mabigat dalhin para sa anuamng uupo bilang hukom.

Since wala ng indemnity si Corona hindi na ba siya malayang makasuhan, same as GMA?

Hindi malayong makasuhan pero gaya ng hiniling ko kahapon sa aking talumpati sana magmove on na tayo at forward-looking na sana tayo, kung gagawain man yan hayaan nating gawin yan ng mga ahensiya ng pamahalaan at hindi na pangungunahan pa ng administrasyon. Kung mangyayari man yan hayaan nating in the ordinary course affairs na laamng ng Ombudsman, ng DOJ, at hindi yan ang pangunahing kanilang pinagtutuunan ng pansin.

Sa tingin nyo magaling yung prosekusyon?

Alam mo may kasabihan "victory has many fathers but defeat is an orphan," sa pagkakapanalo ng isang panig maraming aangkin sa pagkapanalo, pero hindi maikakaila sa talumpati ng maramign senador kahapon binase nila ito sa pag-amin na ginawa ni chief justice Corona at sa ebidensiayng piniresenta ng testigo ng depensa, maski nag ang closing argument ng prosekusyon ang na-cite nila ay yung parehong ebidensiyang yon at hindi yung ebidensiya na piniresenta nila.

So hindi sila magaling?

Tapos na to huwag na nating dagdagan ng bagong away.

Yung decision daw ng mga reelectionists dahil nga tatakbo sila next elections?

Well pabor o kontra man dito palaging gagamiting rason yan, ang importante nakakatulog sa gabi ang sinumang bumoto at kaya niyang panindigan at tayuan saan man ang kanyang botong iginawad. Pinaliwanag ng lahat, walang hindi nagpaliwanag ng boto kahapon, pinapakita nito na may kanya-kanyang basehan ang bawat isa, siguro magduda tayo kapagka may senador na ni hindi nagpaliwanag ng boto dahil marahil nagtatago siya sa pagbigay lamang ng boto at ni ayaw ipaliwanag kung paano nya napagpasiyahan ang botong yon.

Kailan nyo nabuo yung desisyon nyo? Ambush interview with Sen. Chiz Escudero

Matapos ang summation ng magkabialng panig, nong Lunes ng gabi, halos wala ngang sigurong tulog ang karamihan sa amin.

Nakausap nyo na ba yung fellow senators personally tungkol don sa waiver na gusto nyong pirmahan din nila?

Well mangilan-ngilan, ngayong hapo inaasahan kong mai-sponsor ang senate Bill No. 107, sana tumuloy-tuloy ito, sana magpakita ng suporta at paninidigan ang mga kasamahan ko rito. Kung hindi man nila gustong pirmahan ang waiver ngayon, at least ipasa namin ang batas para mag-apply ito sa lahat sa amin.

Sa process sa JBC ang uupong chairman parang ex officio member ay yung acting CJ?

Yung acting CJ, unless he himself is a nominee, in which case he has to inhibit himself.

News Latest News Feed