Press Release
June 6, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the selection of the next chief justice

SP: Kung magagawan nila ng paraan na kumuha ng mga outsiders, marami naman magagaling diyan. Magagaling sa academe, may mga di ka ano diyan na magagaling, mga deans, mga professors, marami.

Q: Sir, you said na iba 'yung reading niyo sa Saligang Batas. Ano po 'yung nakikita niyong iba?

SP: 'Wag na natin guguluhin ang kaisipan ng bayan. Ipaubaya natin sa JBC.

Q: Pero, sir, hindi po ba consideration 'yung seniority sa rank?

SP: Not necessarily. Ganoon din sa military. Noong panahon namin hindi namin kino-consider 'yon. Of course, it's a point 'yung seniority but sa military, we have to uphold the vacancy rule. You can select the best and the brightest in the organization. Ganoon din sa Korte Suprema. Ngayon, kahit na politician pwede. Si Jose P. Laurel, Chief Justice 'yon sa tanda ko. Recto, magaling na mahistrado. Si Briones, marami dati. Si Chief Justice Paras, si Marcelo Fernan. I'm going back to my generation. Roberto Concepcion, magagaling 'yan. J.B.L. Reyes, Claudio Teehankee pati 'yung predecessor ko, si Iking Fernando. Kaya lamang ang kawalang-swerte kay Justice Fernando, matalino 'yun talaga, matalinong matalino 'yon, naging problema niya naging very close kay Mrs. Marcos. Alam niyo naman kung naging malapit ka sa prominent persons mababahiran ka ng, kagaya ko tuta raw ako, tuta daw. Binigyan pa ako ng tuta, ng aso.

Q: Sir, ano pong masasabi niyo na ni-require ng JBC na mag-sign ng waiver 'yung mga nominees for CJ?

SP: Ako naman, okay lang siguro 'yun. Gusto nila 'yun. Pero kung ako ang masusunod, hindi ko na huhusguhan 'yung tao na magiging chief justice para bagang hindi mo pinagkakatiwalaan. There is a presumption of innocence and honesty in favor of people unless you can prove na wala. Di kung masama naman ugali niya at gagawa ng kabaluktutan, nandyan naman 'yung sistema natin. Sa ginamit natin, sinubukan natin na epektibo yung sinaad ng taong-bayan sa kanilang Saligang Batas na gamitin upang ayusin ang sistema kung nangangailangan lang.

On signing a waiver to open his bank accounts

Q: Sir, kayo rin po hindi mag-sasign ng waiver in favor of the cause?

SP: Ako, anytime, kung gusto nila tingnan 'yung bank account ko, makikita nila na kakaunti lang pera ko sa bangko.

Q: Pero sir, mag-sasign ng waiver?

SP: Hindi. Basta I feel I have no obligation to do that. I have done the best I could to remain straightforward in my public service.

On Benjamin S. Abalos Sr.

Q: Sir, pinayagan ng RTC na makapag-bail si former Chairman Abalos kanina...

SP: Tama lang kung mahina ang ebidensiya. Mag-babail 'yon, 'yon ang Saligang Batas. People who are charged with capital punishment, like life imprisonment, could not bail unless the evidence is not strong.

On the amendments to the Anti-Money Laundering Act (AMLA)

Q: Sir, isa lang po out of three AMLA Bills ang napasa on Third Reading...

SP: Dahil 'yung main Bill requires a revision of the AMLA and maraming pag-aaralan. Ngayon, 'yung Anti-Terrorism Financing, ipinasa na namin. 'Yung isa, 'yung Unilateral Application for Examination, 'yung hindi mo na kailangan i-notify 'yung depositor. Totoo nga naman na kung 'yung depositor ay talagang may kasalanan, kung sasabihan mo siya ay tatakbo na siya at tatangayin na niya lahat 'yung deposit niya. We understood it so kailangan ang certification of Malacañang because we have no more time to comply with the three-day rule.

Q: So, papaano 'yun, sir, ma-bablacklist na tayo ng FATF?

SP: Hindi. Nakikita naman nila ang effort natin to change our system.

Q: Sir, sa tingin niyo po, enough na ang isang bill? Hindi na po kailangan ang iba?

SP: Mapapasa siguro namin 'yung pangalawa.

On the Reproductive Health Bill

Q: Sir, tapos na po 'yung period of interpellation ng RH Bill. Handa na po ba kayong tutukan ito?

SP: Pagbobotohan na siguro namin 'yan sa darating na sesyon kaya nagkakampanya sila ngayon sa mga senador. For or against, di ba?

Q: Sir, ano sa tingin niyo ang chances ng Bill to be passed? SP: Hindi ko pa alam.

Q: Mayroon na po ba kayong boto para sa RH Bill?

SP: Mayroon. Hindi ko sasabihin kasi ayokong ma-pressure.

Q: Sir, di ba dapat mag-iinterpellate kayo sa RH Bill kahapon, bakit hindi niyo tinuloy?

SP: Hindi na kailangan. Nasabi ko na 'yung position ko doon sa Bill na 'yon.

Q: Mayroon na rin ba kayong prediction ng boto sa RH Bill?

SP: Hindi pa. Gagawin ko ngayong bakasyon.

Q: Sabi ni Senator Santiago posibleng nag-suffer na 'yung mga kontrang-kontra sa Bill. Naniniwala ba kayo, sir?

SP: Alam mo, kung kalmado ang tubig, natatakot ako at baka malalim. Di ba? Ngayon, kung marinig mo 'yung ingay, alam mong mababaw. Di ba? Punta ka sa tabi ng ilog, kapag bumubula 'yung tubig, alam mo na pwede kang lumusong. Pero kung matining at hindi mo alam kung asan ang bottom n'on, mahirap lumusong kapag hindi ka marunong lumangoy baka malunod ka.

On priority bills

Q: Sir, bukod po sa RH Bill, ano pa po ang priorities sa Opening?

SP: Anti-Trust pagdating ng July. 'Yung Freedom of Information Bill, ipapasa namin 'yon para masiyahan kayo. Gusto ko happy kayo.

Q: Sir, bakit happy ka today?

SP: Kasi happy kayo. Alam mo, ako, always happy. Kung ako maging unhappy at this stage in my life, baka sabihin ng Diyos, "Tama na."

On the selection of the next chief justice

Q: Sir, reaction niyo na i-tetelevise raw ang pagpili sa next CJ ng JBC...

SP: Okay lang 'yon kung gusto nilang i-televise.

Q: Sir, if ever mangyari 'yon, this is the first time na gagawin nila. Do you think may implication 'yon o may pressure sa kahit sino man?

SP: Wala. Gusto lang nilang ipakita na ang publiko malaman kung sinu-sino ang mga kandidato parang manok. Makilatis nila kung maganda ang mga senyales sa kanilang mga paa. Di ba? Hindi ba sa sabong tinitingnan ang kaliskis ng mga manok kung may krus, doble. Akala ninyo hindi ako marunong niyan. Noong araw, topador ako. Noong bata ako, mayroon akong manok. Pupunta ako sa tupada at kung nanalo 'yung manok ko, mayroon akong isisigang o iaadobo o tinola. Noong araw, manok sa manok.

Q: Karamihan po na lumalabas na pangalan na ma-nonominate raw po for the post is not from the Supreme Court. Okay lang po ba na outsider?

SP: Kung magagawa nila 'yun, okay lang sa akin. Subukan natin naman mga outsider pero 'yung basa ko kasi sa Saligang Batas iba pero hindi ko na sasabihin para hindi na magkakagulo.

Q: Sir, si Vice President Binay tutol kay Justice Carpio para maging Chief Justice...

SP: 'Yon ang position ni Vice President sa nabasa ko pero si Tony naman ay qualified like 'yung 13 na kasama niya. Qualified din 'yon. Si Peralta, Brion, De Castro, Bersamin. Magagaling 'yan. Mauutak 'yan sa Bar. Si Reyes, Velasco, Del Castillo. Lahat pwede naman. Si Villarama.

Q: Si De Lima at Henares, sir?

SP: Si Laila kaya.

Q: Sir, si Senator Drilon at Senator Chiz lumalabas din ang pangalan...

SP: Kung gusto nila, pwede rin. Bakit si Franklin mataas ang grade sa Bar, mataas din ang ranggo niya sa UP.

Q: Sir, paano kung ikaw? Kung i-offer sa 'yo?

SP: Ako? Ako ay disqualified na. Gurang na ako. Too far from the retirement age already. 70 ang retirement age. Immediately disqualified. Alam mo, kahit na ako hindi disqualified, hindi ko trip 'yun.

Q: Bakit, sir?

SP: Matrabaho 'yung justice ng Korte Suprema. Wala kang ginagawa doon kung hindi nakaupo sa silya mo sa loob ng kwarto mo at pinag-aaralan mo 'yung mga kaso. Gusto ko 'yung nandoon ako sa husgado na nakikipag-away sa ibang abogado at testigo.

News Latest News Feed