Press Release
July 11, 2012

Statement of Sen. Manny Villar on Dolphy

Kami pong buong pamilya ay nakikiramay sa pamilya Quizon sa pagpanaw ng ating nag-iisang Comedy King, Dolphy.

Bagaman matagal nang nakaratay, nakakabigla pa rin ang paglisan ni Dolphy lalo na at nababalitaan natin na bumubuti ang kanyang kalagayan at marami ang umasa sa kanyang patuloy na pag-galing. Isa ako sa nakasaksi sa kanyang paglakas noong dalawin ko siya sa ospital kung saan nagpahayag pa siya ng kagustuhang makauwi na.

Ang panalangin ng sambayanang Filipino ang nagdugtong sa kanyang buhay. Pinagbuklod ng panalanging ito ang mga Filipino sa ibat ibang panig ng mundo.

We will never forget Dolphy. His talent and compassion for those who have less in life will always make a Filipino proud.

Ang pagdakila at pagtatangi ng ating mga kababayan kay Dolphy ngayon at maging noong siya ay nabubuhay pa ay higit pa sa karangalan na nakuha ng isang National Artist.

My family will forever be indebted to Dolphy for his friendship and for bringing laughter to our lives. He will always be our idol.

News Latest News Feed