Press Release
August 21, 2012

REVILLA EXPRESSES CONDOLENCE TO THE ROBREDO FAMILY

Sa ngalan ng buong pamilya Revilla, sinsero akong nakikiramay sa mga naulila ni Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, gayundin sa pamilya ng mga pilotong kasama niya sa trahedyang ito na sina Captain Jessup Bahinting at Kshitiz Chand. Bagaman nagkaroon na ng kalinawan ang lahat, masakit pa rin ang mawalan ng isang tunay na kaibigan sa katauhan ni Jesse.

Jesse is not only a colleague in the government service but more than that, a dear friend and a brother in faith. May isang dekada ko nang siyang kakilala. Tunay siyang makatao at maka-Diyos. Pareho kaming deboto ng Our Lady of Peñafrancia. Kaya nga taon-taon ay nagkakasama kami sa Naga City para ipagdiwang at makiisa sa Pista ng Peñafrancia. Kami mismong dalawa ay binubuhat ang imahen ng Mahal na Peñafrancia palabas ng simbahan. Nawalan ako ng tunay na kaibigan.

Sec. Robredo would be most remembered by the people of Naga City where he served as mayor and also by the DILG people for his dedication to his post and expertise in local governance. Our government had lost a valuable asset. Malaking kawalan siya sa serbisyo-publiko. Kaibigang Jesse, you will surely be missed.

News Latest News Feed