Press Release
August 29, 2012

Speech of Senator Teofisto "TG" Guingona III
Turnover Ceremony of 30KVA Generator Set
Philippine Marine Corps Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City
29 August 2012

Ladies and Gentlemen of the Philippine Marine Corps, good morning. Nag-umpisa ito noong pumunta ako sa Sulu at Tawi-Tawi. Alam niyo bago ako maging Senador, naging Congressman ako ng Bukidnon at ang aking pamilya ay galing sa Mindanao. Kaya there's a special place in my heart for Mindanao.

Pumunta ako sa Sulu at Tawi-Tawi para makita kung ano ba talaga ang nangyayari. Nakita ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa ating Philippine Marines at sa ating Philippine Navy. Nakita ko kung ano ang mga challenges na hinaharap nila. Iba talaga kapag pumunta ka mismo sa lugar nila at sa mga nababasa mo lang. Nakita ko sa maraming lugar doon sa Southern Mindanao na ang Philippine Marines at Philippine Navy are the face and soul of the government.

Tama ang sinabi ni Major General (Rustico) Guererro na in many places, you represent the government. Kayo ang mukha ng gobyerno. Lalong-lalo na sa south, alam naman natin na may kakulangan ang local government at medyo magulo.

Kaya sa maraming lugar, hindi lang sila humaharap bilang military pero humaharap minsan ang ating mga sundalo bilang customs, immigrations -everything rolled into one representing the Republic of the Philippines. Napaka-importante ng role ng Philippine Marines at Philippine Navy sa Southern Mindanao.

Noong lumapit si Col. Romy Dolojan sa akin. Nagtanong ako kung ano pa ang puwede natin gawin para suportahan ang ating mga Marines at Navy. Sinabi ni Col. Dolojan, doon sa lugar nila sa Patikol kung saan sensitive na area pa naman ay kapag may brown out malaking problema sa security pag walang kuryente. Pagbalik ko dito naisip ko na gamitin ang government funds para bumili ng generator at para ibigay sa ating Marines. Pero sinabi ko sa sarili ko na matagal pa yan. Alam niyo naman sa gobyerno, matagal ang procurement baka one and a half years later pa bago maibigay. Tapos naisip ko, sino nga ba ang pinaka malaking power companies sa Mindanao? Naalala ko ang Aboitiz Power, na dating may-ari ng Jolo-Sulu Electric Power Company. Tinawagan ko agad si Mr. Tony Moraza, my friend and I said to him that this is for our troops, this is for our marines and immediately he responded positively. Kaya maraming maraming maraming salamat sa Aboitiz Power sa inyong suporta sa ating Marines.

Dalawang bagay ang kailangan gawin ng ating Armed Forces. Yung isa ay ginagawa na at natutuwa ako sapagkat yung dapat ginawa na yung tinatawag natin na Paradigm Shift ay pinangungunahan na ng ating Philippine Marines.

Noong pumunta ako sa Jolo, andoon ako bilang guest sa graduation rites ng Philippine Marines ng Community Relations Training. Doon ko nakita na napaka-importante ng Community Relations Training dahil pinag-aaralan talaga nila ang kultura , customs at mga problema ng mga communities doon ng sa ganoon ay maintindihan nila at maka-responde sila sa lahat ng problema hindi lang sa security problems.

Nakita ko din na nagbago na ang pananaw ng mga communities doon sa mga Military. Ibang-iba na. Nagbago, malaking pagbabago. Nakakausap ko yung mga mayors na dating MNLF Commanders. Sabi nila sakin na malaki ang pagbabago ng military noong pag-deklara ng Martial Law at ang military ngayon at lalong lalo na ang Philippine Marines.

Congratulations, sapagkat you are fulfilling the often quoted phrases that the Marines lead the way and today you are leading the way showing the example of community relations.

But the bigger paradigm shift ay kailangan maghanda tayo sa pagbabago ng Armed Forces natin . From being an Armed Forces that is emphasizing on internal defense, babaguhin na natin sapagkat nagbabago ang nagyayari sa mundo.

Kailangan magbago tayo para mag emphasize sa external defense. Ano ibig sabihin niyan? Kung titingnan ang mapa ng Pilipinas, makikita na napapalibutan tayo ng tubig at mga isla. Kailangan magshift ang ating Armed Forces from being land based Armed Forces to a naval or sea based power. We have to shift our emphasis from the land to the sea and a vital component of that will always be the Philippine Marines.

Ngayon umagang ito, hindi lang ito simpleng pagbibigay ng isang generator set sa isang unit ng Philippine Marines sapagkat nakita ko ang kalagayan ng Navy at Marines noong andoon ako sa Sulu at Tawi-Tawi. At bilang opisyal ng ating pamahalaan nakita ko kung anong hinaharap ng ating Marines at Navy. Tinanong ko sa sarili ko kung ano ba ang puwede magawa para makapagbigay ng suporta para sa ating mga sundalo? Grabe ang hinaharap nila. Ano ba ang suporta ang ginagawa natin? Ngayon umagang ito, ito ay symbolic at itutuloy-tuloy natin ang pagsuporta natin sa ating Armed Forces of the Philippines. Mabuhay ang Philippine Marines, Mabuhay ang Philippine Navy, Mabuhay ang Armed Forces of the Philippines- the true protector of the Filipino people.

News Latest News Feed