Press Release
September 3, 2012

Transcript ambush interview with Senate media

On Pulse Asia survey, you topped the senatorial race

Kasabay nang pasasalamat namin sa patuloy na tiwala at paniniwala ng ating mga kababayan, at siyempre ang pagtanggap din na boto pa rin sa araw ng halalan at hindi survey ang pinagbabasehan kaya sinuman ang mataas hindi dapat magmalaki, sino man ang mababa hindi dapat maiinis, dapat lamang patuloy na magtrabaho lahat para makita at mapatunayan na karapat-dapat kami sa aming ginagampanang tungkulin sa ngayon.

With the result of the survey, kampante na kayo?

Hindi, isang tinuro sa akin nang maaga yan ng tatay ko, walang laban na dapat maging kampante ka, dapat tumatakbo ka pa rin nang takot sa anumang labang pinapasukan mo.

But it somehow nagdagdag sa confidence mo knowing ilang months na lang election na, kahit kaunti sa confidence nyo?

Hindi, in fact dapat yun ang bantayan ng bawat isa o sinuman na tumatakabo, na huwag hayaang mangyari yon na maging kumpiyansa dahil lamang sa maganda o malaking pangakong mga numero sa ngayon dahil malayo pa ang halalan at hindi kami nagsisiguro at hindi rin kami nagmamalaki.

Kaya ba hanggang ngayon nasa Kris TV ka pa rin?

Nagkataon lamang yon at hindi rin naman namin plinano yon pero hanggang October 5 na lamang yon dahil may policy, internal policy ang istasyon na nagbabawal sa sinuman na mag-appear nang ganoon kapagka nag-file na. Hindi ba?

May news na si Justice Brion daw is asking for the result of his psychiatric test pero ayaw i-release ng JBC, ganoon ba yung rule na...

Hindi diniscuss ng JBC, I think initially that is a matter for the Supreme Court to decide, hindi muna sa amin, hindi pa nakarating sa amin yung isyu at topic na yon at wala yan sa agenda ng JBC kanina. Sa pagkakaalam ko marahil nasa level pa lamang ng Korte Suprema yon at wala pa sa amin.

Nadecide nyo na ba kung LP or UNA kayo?

Gaya nang nasabi ko noon hindi para sa akin ang magpasya at ayaw kong pangunahan ang kanilang pasya, sinumang tumatakbo sa anumang puwesto siyempre ninanais marami ang sumusuporta o hindi man lahat sumusuporta sa kanya dahil politics at the end of the day is addition. Hindi ako bahagi ng governing body ng LP o ng UNA, at ayaw ko ring pangunahan ang kanilang magiging pasya kaugnay ng final list na mabibilang sa coalition ng magkabilang grupo.

So unahan lang kung sino ang unang magsabi na kasama ka sa slate nila?

Hindi kuwesiyon ng unahan yon kasi nasa unique na situation ako dahil malay ko ba na magkakaroon ng magkaibang slate ang dalawang kandidatong sinuportahan ko nong nagdaang election, nong nagNoyBi ako hindi ko naman alam na magkakaroon sila ng hiwalay o magkahiwalay na slate.

Between Samar at Balay daw paano makakaapekto yung power in between Samar and Balay don sa pagiging DILG secretary ni Secretary Roxas?

Tingin ko irrelevant na sa puntong ito yung Samar at Balay, matagal nang hindi nababanggit yan at wala nang bangayan at kung makikita natin yung nangyaring pagkakaisa na mga miyembro ng gabinete sa pagpanaw ni Secretary Robredo siguro anumang duda o alanganin na mayroon pang hidwaan o faction sa gabinete ni Pangulong Aquino dapat mawala na yon. Nakita naman kung gaano nagkakaisa at nagtutulungan ang mga miyembro ng gabinete lalong lalo na nong panahong may matinding pagsubok na humarap sa bawat isa sa kanila.

Do you agree that Secretary Roxas should resign as LP president before assuming the DILG post?

I don't think it has anything to do with it. Kung may gagawin man siguro kahit na sinong secretary na miyembro ng anumang partido nandyan ang mata ng media, nandyan ang mata ng publiko para paalalahanan siya, pero sa ngayon wala akong nakikitang rason o dahilan para bitawan nya anumang puwesto meron sya sa partido, basta't tulad din nang nasabi din nya hindi nya hahayaang makaapekto yon sa kanyang function o trabaho bilang bagong kalihim ng DILG.

Going back to CJ Sereno should she assure the public na yung religion nya won't affect the decision, born again Christian yata siya, lagi nya kasing binabanggit si God

That she is a religious person should not impinge upon her functionaries and function as a chief justice, na may matinding pananampalataya, may mabigat na pananampalataya ang sinumang opisyal ng gobyerno, hindi naman dahilan yon para makaapekto sa kanyang trabaho. Kanina nagpreside siya sa kauna-unahang meeting ng JBC matapos siyang ma-appoint bilang chief justice, at wala naman akong nakikitang problema at hadlang na magampanan nya ang kanyang tungkulin. In fact marami kaming napunuang korte kanina, humigi't kumulang 20 korte, RTC, MTC at MTCC ang napunuaan naming ng mga nominasyon na isusumite kay Pangulong Aquino.

Roxas being the president of LP hindi ba yon edge sa Liberal knowing na malapit na yung election?

Hindi dahil marami naman tayong batas kaugnay sa pagtatanggal o paglalagay ng OIC, kung yan man ay ang pangamba ng ilan, na hindi pwedeng gawin at hindi pwedeng mangyari yan sa panahon ng halalan. Nakatali ang kamay, in fact, ng executive branch sa panahon ng election kung saan ni hindi sila pwedeng maglipat ng empleyado mula sa isang departamento, pabalik sa ibang departamento, at magsuspinde ng sinumang opisyal habang may halalan.

What will make you decide to be part of UNA or LP?

Pareho ko silang kaibigan at pareho kong mga kasamahan yan nong nagdaang election, gaya nga nang nasabi ko ang sinuportahan ko ay NoyBi nong nagdaang election. Binigay ko na ang bola sa kanila kaugnay sa pagpasya, sana, siyempre lahat naman umaasa na mapapabilang at madadala ng lahat ng partido pero kung hindi man mangyari yon gagalangin ko anumang pasya meron ang magkabilang grupo o ang mga partidong nagpi-field ng candidate sa ngayon.

Ano ba yung SOP ng JBC pagdating sa mga records, psychiatric...

Psychiatric records should be strictly confidential, for the consumption only of members of the JBC. Kaya nga hindi nilalabas yan. Nasa kamay ng JBC at ni Chief Justice Sereno kung ano ang gagawin kaugnay dito sa lumabas na report, either bago siya na-appoint o kaka-appoint pa lamang niya noon. Again that is for the matter for the executive committee and the chief justice herself to decide.

So even the person himself who underwent the interview cannot request the record?

First time nangyari yan at wala pa sa level ng JBC yang request na yan kung meron man, as I've said I think that is still at the level of the justices and not yet at the level of the JBC.

So wala kayong guiding rule on that if the person himself requested?

Wala, ang rule lang namin ay confidential and only for the consumption of the members of the JBC.

Sir papaano makakaapekto sa confirmation sa CA ng isang publc official like that of a DILG secretary na hindi pa nakakaupo sa puwesto ay nagpapaalis na ng isang Usec?

Hindi ko alam kung siya ang dahilan kung bakit malilipat o maaalis ang isang undersecretary, everything is under and with the prerogative of the President, of course, desisyon ni Pangulong Aquino yan at hindi lamang desisyon ng kalihim dahil hindi naman yung kalihim ang nag-aappoint sa Usec kundi ang Pangulo mismo. Pangalawa na kay Secretary Roxas, gayundin kay Secretary Abaya ang aking suporta bilangmiyembro ng Commission on Appointments bagaman hindi ako makakapagsalita sa ngalan ng iba kong kasamahan sa CA, in so far as I'm concerned they have my support because I'm confident that they are competent and can do the job well in so far as being DILG and DOTC secretary is concerned, respectively.

News Latest News Feed