Press Release
September 23, 2012

Transcript of Interview of Senator
Franklin M. Drilon DZBB with Nimfa Ravelo

On the 2013 Budget

Unang-una, hindi pa aakyat sa Senado dahil ang approval ng Kongreso ay nasa 2nd reading pa lang. Siguro sa kanilang pagbabalik ay tatalakayin nila ang mga amendments. Sa October 8, 9, o 10, iyan po ay kanilang ipapasa on 3rd reading. Ibig sabihi,n ang mga amendments na tatanggapin ng Committee on Appropriations ay kanilang dadalhin sa Plenaryo. Siguro makakarating iyan sa amin ng mga Oktubre 10 o 15, after ng 3rd reading. Naka-schedule po iyan ay simula Oktubre 15, amin na pong titingnan kung ano ang pagbabagong ginawa ng Kamara sa National Expenditures Program na sinumite ng Presidente. Mga 2nd week of November po kami ay nasa Plenaryo na kaya kailangan din naming matapos kaagad ang budget para mapirmahan bago matapos ang taon.

Sa pagbabalik namin sa Oktubre 8, inaasahan namin na ang report ng Committee on Ways and Means sa anti-cancer bill na sin tax bill ay maisusumite na; at aming pagdedebatehan sa Oktubre 9 o 10. Mga middle of November, bago umpisahan ang budget sa Plenaryo kailangang matapos namin iyan.

Kapag hindi natapos by December 31, yung kasalukuyang budget ay iiral pa rin sa susunod na taon ang kasalukuyang budget. Kapag nangyari iyin, masyadong malawak ang discretion ng Pangulo dahil lahat ng items ay pwedeng gamitin. Iyan po ang inabuso noong nakaraang taon at tila sinasadya ng dating administrasyon na huwag maipasa upang magkaroon ng malaking discretion ang dating Pangulong Arroyo.

On the budget spending

Mas masigla ang spending sa kasalukuyang taon. Kung and budget deficit ay hindi matamo, dahil lang ito sa mas malaki ang koleksyon ng pamahalaan. Ang spending ay mas maayos ngayon kumpara sa naunang dalawang taon dahil natapos na at nailagay na sa tama ang mga repormang pinairal.

On Sin Tax bill

Kung maipasa ang sin tax bago ang taong ito, naka-factor in na iyong kikitain diyan sa 2013 budget. Sana maipasa iyang anti-cancer sin tax bill dahil makakatulong sa ating kalulusugan, madadagdagan ang budget sa kalusugan tulad ng budget sa Philhealth, mababawasan ang gastos sa ospital, at finally, malaki ang magiging contribution niyan para maabot natin ang investment grade na kailangan natin para yung mga utang natin ay bumaba ang interest. Kapag naabot natin iyang investment grade sa pamamagitan ng pagdadagdag ng kita ng ating bayan sa pamamgitan ng mga reporma sa buwis tulad ng sin tax, bababa ang interest ng mga utang natin at maidadagdag natin ang matitipid natin sa mga sociall services programs tulad ng 4Ps at Philhealth ng ating mga kababayan.

Sa tamang schedule, dapat lahat ng sigarilyo ay parehas ang excise tax rate. Hindi lang rates, kundi ang schedule. Una, isa lang dapat ang rate ng buwis mahal man o mura ang sigarilyo upang maiangat natin ang ating collection. Nasa P32 bilyon ang ating makokolekta. Yung buwis sa alak, may question sa World Trade Organization diyan. Ang ating excise tax rate sa alak ay discriminatory na ang ibig sabihin ay pinapaboran ang local products, may discrimination sa foreign brand. Kailangan ayusin natin ito at masegurado na ang schedule ng excise tax sa liquor o alcohol ay dapat maiayos ayon sa WTO. Kung hindi, pangunahing maapektuhan diyan ang ating mga exporters ng tuna. Dahil yung mga bansa kung saan dinadala ang ating tuna ay posibleng magpataw ng retaliatory measure na ang ibig sabihin ay papatawan din nila ng malaking tax ang ating tuna products. Tatamaan din ang ating mga mangingisda doon sa General Santos City.

Ang importante lang ay ang sinasabi ng WTO na ang buwis natin sa alak ay dapat non-discriminatory. We must be compliant with WTO standard.

Ang kabuuan pong madadagdag sa ating kaban both on cigarette and alcohol ay P32 billion.

(Q: Maipapsa ba?) Dito naman, lahat ay sumasang-ayon na dapat itaas natin ang buwis. Ang pag-uusapan na lang ay kung magkano at ilang klase ng rate ang ipapataw. Ako ay tutol sa dalawang classification ng sigarilyo. Dapat isa lang po dahil nakita natin na yung murang sigarilyo ay mas marami ang bumibili kaysa sa mahal. Mahigit sa kalakahati ng bumibili ng sigarilyo ay ang mga mahihirap, at sila ang mga nagkakasakit at walang panggastos. Isa pa, ang mga kabataan ay naeengganyong bumili dahil mura kaya iyan din po ay kailangan nating pigilin.

Bawat taon 10% ng kabataan ay nag-uumpisang magsigarilyo. Sang-ayon naman sa statistics ng Philippine Heart Center, mahigit 200 Pilipino ang namamatay kada araw dahil sa paninigarilyo.

Dapat gawin natin ang lahat para mabawasan ang nagsisigarilyo sa ating bansa. Ang gastos ng pamahalaan sa mga sakit na dulot ng sigarilyo ay umaabot sa P188 bilyon.

Ang presyo ng ating sigarilyo kahit ilagay natin ang bagong tax rate, mas mura pa rin sa buong Asya.

(Q: Bababa ang mga bibili ng sigarilyo at hindi maabot ang targe revenue) Kahit itaas ang presyo ng sigarilyo, bibili pa rin ang mga tao kasi iyan ay bisyo nga mga mahihirap at mayaman. Unang-una, hindi po iyan ang experience sa ibang bansa. That is borne out of experience in other countries like Thailand and Singapore. That argument has no basis in actual data from countries that have consistently raise their rates on cigarettes. Mayroong livelihood para sa mga magsasaka ng tobacco doon sa sin tax bill. Pangalawa, imported po ang ginagamit natin dito sa ating bansa para sa mga higher-priced cigarettes.

May social purpose. The purpose in to prevent the occurrence of ailments dahil sa paninigarilyo.

On tax rate increase vis---vis smuggling

Ang smuggling po, pinatunayan ni Professor Winnie Monsod, ay walang kinalaman sa pagtaas ng presyo. Ngunit, ang logic ng smuggling kung mahal ang sigarilyo mo, papasok ang smuggling na galing sa ibang bansa. Pero kahit naman itaas nating ang buwis, mas mura pa rin ang presyo sa ating bansa. Pangatlo, mag-succeed lang iyanng smuggling kung mayroong kang distribution network.

Ang Simabahang Katoliko ay hindi naman oppose dito.

On PDEA hearing tomorrow Kapag may drug raid sa isang den, maraming nakukuhang shabu. Sa batas, matapos makumpiska ito at masampahan ng kaso, ang PDEA, prosecutor ay dapat humingi ng pahintulot sa Husgado, sa presensya ng Husgado, ng nasampahan ng kaso at prosecutor, dapat kumuha lamang nga sample at ise-certify na ito ay sample mula sa nakumpiska at ang iba ay huhulihin. Every time na mag-prosecute kami ng drug cases, kapag tinanong mo yung may hawak ng shabu, ang sasabihin, "Sir kinain ng daga." Na-re-recycle.

Noong tinanong ko si PDEA Director Gutierez kung ilan ang hawak nilang sagot, hindi niya masagot at maipaliwanag. Maliwanag sa akung pagsusuri na hindi niya nagawa ang kanyang trabaho. Absolutely, wala akong nakikitang maayos na pagpapatakbo ng PDEA. Hindi ko pa ina-approve ang budget ng PDEA dahil hindi ako natutuwa sa kanilang mga paliwanag sa akin.

Ako ay natutuwa dito sa imbestigasyon sa PDEA.

On back channeling

Unang-una, ang conduct ng foreign relations ay ang Pangulo ang may kapangyarihan diyan. The conduct of foreign policy is basically a function of the executive, of the President, kami sa Senado ay treaty concurring body. Ang foreign policy ay nanggagaling sa Pangulo at i-implement ng DFA. Walang masama sa back channeling, ang importante ay iisa lamang ang mensahe, many messengers, one message. Kailangan natin para ang ating pangkalahatang interest ay mapangalagaan natin. Back channel is not an unusual process. May karapatan ang Pangulo na sabihin kung sino ang magdadala ng mensahe sa kausap natin at kung ilang ang mensahero. Kahit saang bansa may back channel. In any instances, ito ay dapat may authority ng pinuno ng bansa at ang tumatanggap ng polisiya sa kabilang bansa ay makakasa na kung anuman ang sinasabi ng back channeler ay nanggagaling sa Pangulo. Kaya importante na iisa lang ang mensahe.

Nakakalungkot na pangyayari at hindi ko alam ang behind the scenes. Siguro medyo mainit lang ang ulo ni SJPE kaya yung Brady notes ay nailabas. Nangyari't nangyari na iyan, ang pagdedebatehan na lang natin ay kung tama o hindi, pero sana hindi na mangyari ulit.

News Latest News Feed