Press Release
September 27, 2012

Transcript of Kapihan sa Senado
Guest: Sen. Chiz Escudero
First part

Since next week start na ng filing ng mga sasabak sa 2013 midterm election, our guest for today is one of the reelectionists, Senator Chiz Escudero.

Good morning. Maraming salamat maski na sinumilan ng kantyaw.

Filing season na nga next week so how and when are you going to file your certificate of candidacy?

Plano namin mag-file sa darating na Martes, October 2 para sa pagkasenador muli, pangalawang termino bilang isang independent na kandidato. Hindi ko alam kung ano pang usapan na pinag-uusapan sa pagitan ng mga myembro ng LP coalition at UNA coalition at kung anong style o gimik ang planong gawin ng mga magkabilang grupo. Pero malamang individual filing ang mangyayari.

So by Tuesday will you be alone or there is somebody to accompany you?

Mag-isa lang. Mag-isa lang.

Hindi ninyo bibitbitin ang mga chikiting mo? Di ba usually may mga gimik ang mga..

Tsikiting, parang ansama pakinggan. Ang mga anak ko? Hindi. May pasok ang mga anak ko. Mag-isa lang. Hindi naman namin balak gawing malaking okasyon iyon. Kailangan lang gawin as part of the process of running for office.

Once and for all can you tell us kung ano ba talaga ang status ninyo sa UNA and LP coalition kasi sinasabi na magiging guest candidate ka ng dalawang coalition.

Hindi para sa akin na sabihin with finality iyon at hindi pa rin naman para sa akin na sabihin with formality ang bagay na iyon. Nsa kamay ng UNA at LP ang pagsabi kaugnay ng desisyon na iyan. Baka mamaya may sabihin ako na i-deny pa ako. O baka mamaya sabihin ko na ganito ganyan pero iba naman pala ang kalalabasan na desisyon. Mas nais kong respetuhin at ayokong pangunahan ang kanilang mga magiging desisyon bagaman meron na kaming informal na usapan kaugnay ng bagay na iyan, mas pipiliin ko siguro na sila at mas bagay at dapat naman siguro na sila ang mag-anunsyo ng kanilang slate at hindi manggaling sa akin. Pero syempre umaasa ako na madadala ako ng mas maraming grupo at partido sa pagtakbo ko muli sa Senado.

So kelan daw ang formal announcement ng UNA at LP?

Hindi ko rin alam. Wala pa akong balita. Presumably it should be done before the last day of filing pero dahil computerized ito at kaya lang naman maaga mag-file dahil computerized ito, i think malaya ang mga coalition na mag-announce kahit pagkatapos na ng last day of filing.

So you will be adopted as guest candidate ng LP at bng UNA coalition paano nyo dadalhin ang inyong kampanya? Saan kayo sasama?

Hindi naman ito ang unang pagkakataon. Nangyari na rin iyan sa mga nagdaang pagkakataon kung tama ang pagkakaalala ko sa ilang mga naging senador din katulad nina Senator Revilla noon at Senator Santiago sa magkaibang election. Pangalawa, hindi tulad ng dati na na traditional na pamamaraan ng pangangampanya kung saan sa pamamagitan lamang ng rally at sortie nangangampanya ang mga kandidato, sa pagpasok ng new media at pagpapalaganap ng traditional na media - ibig sabihin dyaryo , radyo at telebisyon - ang pinakamagandang paraan para makarating sa ating mga kababayan ang mensahe ay sa pamamagitan pa rin ninyo ng media.

Pero kung magkakataon this will be the first time na tatakbo kayo as independent?

Yes kasi ang huling takbo ko bilang myembro ng Senado ay myembro ang ako ng Nationalist People's Coalition.

Kung sa personal na buhay mahirap mag-isa, mahirap din ba pagdating sa kampanya?

Sa pulitika mas maraming sumusuporta bakit hindi at mas maganda iyon. Kaugnay ng pagtakbo mas madaling gumalaw palagi ang kaunti kaysa marami dahil malamang maghihintayan kayo kung marami kayong magkakasabay. I've talked to some of the campaign leaders of both UNA and LP informally, maski sila ang balak ata nila bagaman hindi pa pormal ay masa maliliit na team at grupo ang pangangampanya at hindi naman buong 90 days ang may schedule. Maski noong nagdaang election halimbawa. Noong 2007 ang campaign sortie namin ay only 30 days out of 90 days. Ang 90 days ay bahala ang kada kandidato. Sa election na ito baka mas kaunti pa kasi may kaugnay na gastos ang sabay-sabay na pag-ikot ng isang slate.

As former NPC member, may offer ba silang tulong sa inyo sa kampanya ninyo financially?

Wala pa. hindi pa namain pinag-uusapan pero ang financial o kung ano pa mang klaseng tulong pero ang pag-uusap namin sa president at chairperson ng partido ay isa ako sana sa iaanunsyo nila at dadalhin din sa darating na election. Pero kung mapapsama ako sa LP coalition dahil ang NPC ay bahagi ng LP coalition, automatic na siguro iyon.

Speaking of coalition, pumasok sa partnership agreement ang LP with NP, NPC at ang crineate na NUP. Ano ang tingin mo doon?

Politics is always addition. Mas marami ang nagkakampihan para suportahan ang kandidatura ng sinumang nagkakandidato palaging mas maganda iyon para sa mga kandidato. Maganda na rin siguro tawagin na partnership iyon kaysa coalition kasi minsan nagkakamali ng spelling at napo-pronounce na collision. So at least ang partnership walang duda na ito ay pagtutulungan ng mga partido.

Ang NUP na launched yesterday parang sinabi ata nila na ang kanilang susuportahan ay mga true blooded administration candidates. Parang kasama doon si Executive Secretary Jojo Ochoa?

Ang balita ko nga nandoon si Executive Secretary Jojo Ochoa. Hindi ko pa siya nakakausap kaugnay niyon. Pero kung bahagi na ang NUP ng coalition o ng partnership ng LP sa coalition, maganda iyon para sa mga kakandidato sa ilalim ng banner ng LP coalition.

Considering ng composition ng UNA at LP coalition senatorial candidates, ano ang nakikita ninyo na magiging laban? Friendly ba ito? Kasi parang sinasabi na hindi raw tunay na opposition ang UNA.

Well, tingin ko magiging friendly ang laban dahil magkakakilala, magkakasama na dati sa Senado pa ang ilan at wala akong nakikitang rason o dahilan maski magkagalit o tunay na oposisyon pa ang isang grupo na magpersonalan sa anumang bagay. Sana panatilihin natin na mataas ang kalidad at lebel ng pangangampanya ng bawat kumakandidato gaano man ka-close o kainit ang laban. Siguro mas pupunahin natin ito sa lokal na laban dahil by tradition and traditionally mas mainit palagi ang labanan sa lokal: gobernador, congresman, at mayor.

Doon sa NUP ang mga myembro ata ay mga myembro ng dating adminsitrasyon?

Mga dating kaalyado ng dating administrasyon.

Ah hindi na ngayon kaalyado?

Ang palagay kong opisyal na kaalyado lamang ay ang naiwan sa Lakas sa House of Representatives.

So kung doon sasama si Executive Secretary Jojo Ochoa, ano ang ibig sabihin nito, iyon bang NUP ay talagang supportive na sa administrasyong Aquino at hindi na sa Arroyo administration?

Sa palagay ko dati pa namang sumusuporta ang NUP sa administrasyon ni PAngulong Aquino. Ngayon lang siguro naisapormal iyon. Ayoko talaga magsalita masyado dito dahil hindi ako bahagi ng negosasyon o kasunduan nila pero sa nababasa at napapansin ko lamang ay ang NUP ay ni minsan hindi ko nakitang humarang sa anumang panukalang batas na isnulong sa House of Representatives ni Pangulong Aquino at ng kanyang administrasyon.

Ano ang fearless forecast mo, number 1 or 2?

Ang importante ay pumasok sa top 12 dahil ang sweldo at term ng Senador, number 1 man o 12, ay pareho lang. Pagalingan na lang siguro pagdating dito sa loob ng Senado.

Paano kung papiliin kayo between UNA and Liberal sino ang pipiliin ninyo kasi ang balita ko ay magkakaroon ng polisiya ang Liberal na mamili kung UNA o LP?

Ayoko mag-react sa balita dahila ng balita ko ay hindi ganoon. Maliban sa akin, ang nasa parehong sitwasyon malamang ay si Sen. Legarada at si MTRCB Chair Grace Poe. Sa palagay ko hindi darating sa puntong iyon dahil nag-anunsyo na rin sila ng magkaibang polisiya sa mga nauna nila na mga pronoucements. Unique din siguro ang kalagayan ko dahil noong nakaraang electiona ng sinuportahan ay NoyBi. Siguro sa lahat ng tumatakbo ngayon, ako lamang ang sumuporta at opisyal na nagdala ng tandem na NoyBi. Malay ko ba na magkakaroon sila ng hiwalay na coalition at grupo sa darating nahalalan sa 2013 kung saan magkakaroon ng grupo si PNoy at si VP Binay.

Pero this according to one of the top leaders of LP. Ang sabi niya kailangan na mamili kayo. Pwede kayong i-adopt ng UNA pero per se sa Liberal kayo. Parang ganoon ata ang mangyayari.

Kung iyan ang pag-uusapan namin ni Sen. Drilon, wala naman ata problema doon dahil maski ang UNA nag-announce na rin na si Grace Poe na nauna nang na-announce sa Liberal party ay ia-adopt nila. Sana ganoon din ang mangyari sa akin pero ayokong pangunahan. Babalik ako. In 2007, ang slate sortie ay kauni lamang. Ngayon baka mas kaunti pa dahil mas mahirap ang pera sa eleksyong ito. Madalas out of the 90-day campaign period halos solo o kung sino ang magkakaibigan iyon ang magsasama-sama sa pag-iikot sa election na ito dahil nbga madalang at mahirap ang pera sa parating na election.

So pag nagkataon ang posibleng maging common candidates ng LP colaition at ng UNA coalition ay kayo nina Sen. Loren at si Grace Poe.

Hindi galing sa akin iyan. Kino-quote ko rin ang media reports na galing sa kampo ng UNA at LP sa mga pahayag nila nutong mga nagdaang araw at linggo. Huwag nyong ituring na announcement ito galing sa akin. Pinagbabasehan ko lamang din ang mga pahayag na ibinigay either ng tagapagsalita ng UNA at ng tagapagsalita ng LP o ni Vice President Binay mismo o ni Sec. Abad na nagsasalita kaugnay sa slate. Hindi ito impormasyon na galing sa akin. Media reports din ang pinagbabasehan ko.

Pagka ganoon na maraming nagdadala sa inyo na coalition o partido hindi ba naguguluhan ang mga botante?

Hindi dahil sa tingin ko hindi naman bumoboto ang botante base sa partidong kinabibilangan ng isang kandidato. Bumuboto palagi ang botante base sa kandidatom mismo at kung ano ang pinaghahawakan niyang mga prinsipyo at paniniwala at plataporma at hindi kung ano ang partidong dinadala niya o kasalukuyang kinabibilangan niya.

Kilala nga kayong malapit kay VP Binay dahil sa NoyBi at kay Pangulong Aquino. Hindi ka ba ngayon torn between two lovers?

Hindi kasi hindi ko naman sila lover. Hindi nga e.

Parang lang. E sinong lover mo?

Oy nakahanap ng opening o. Hindi dahil hindi naman tumatayo via juxtaposition opposite si Vice President Binay kay President Aquino. In fact, makailang ulit sinuportahan at nagpahayag ng suporta si Vice President Binay sa mga plataporma, layunin, at adhikain ni President Aquino. Sa huling interview pa nga ni Vice President Binay ay pinuri niya at binati at naghayag muli ng suporta sa adhikain ni President Aquino. Hindi kailangan pagpilian ng parehong indibidwal na pareho ang paniniwala at sinusulong na plataporma.

Kamusta kayo ni VP Binay?

Okay naman. Huli kaming nagkita mga two weeks ago.

Are you still in good terms with the Vice President?

Sa aking pagkakaalam oo at wala naman akong nakitang rason bakit hindi. Wala akong nakikitang dahilan para magkaroon ng hidwaan.

May constant communication pa kayo ng Bise President?

Constant. Mas gusto kong sabihin ang regular kaysa constant dahilo hindi ko ugali ang manghimasok sa trabaho ng iba lalo na pagkatapos ng halalan anuman ang ginampanan mong papel sa pagkakahalal o halalang nagdaan.

News Latest News Feed