Press Release
October 30, 2012

TRANSCRIPT OF BILIB I.T. LAUNCH PRESS CONFERENCE

Reporter: Na-consider po ba na baka magkaroon ng cybercrime activities?

Senator Alan Peter Cayetano (ASC): Sa ngayon, 'yung module na ginawa nila ay hindi kailangan ng internet connection. Nakakulong man o nakalaya, wala namang assurances talaga na 100% na walang cybercime o other crimes na mangyayari. Even if you have a cyberlab at a highschool, college, or private home, there's always a possibility of that because of the nature of the medium and technology. But Informatics, TESDA, together with the BJMP, has made all major precautions to ensure that the program will not be used for anything other than to learn.

'Yung pinakamatindi diyan ay 'yung monitoring nila, at kung kailangan lagyan ng CCTV 'yung classroom, lalagyan natin. At walang internet connection ito. So kapag dumating 'yung time na pwedeng magkaroon ng mga call center sa loob ng mga kulungan, maging sa national penitentiary o maging dito sa BJMP, we will have to look at the technology that they are using in the western countries kung paano nila namomonitor ang mga call centers doon para hindi magkaroon hindi lang ng cybercrime, kung hindi ng kahit anong crime.

Kasi, hindi ba, nababalitaan ninyo dati, 'yung ibang mga drug lords o ibang mafia ay nakakapagtuloy ng kanilang crimes through use of technology like use of cellphones from inside the jail. Napapanood din ninyo sa sinehan ito na nangyayari in western countries.

'Yung BJMP, nagbabago nang nagbabago ang kanilang policies.

Ito rin ang dahilan kung bakit six students lang muna ang kinuha natin sa kabila ng standards ng TESDA para masiguro ang security. Kaya din nag-appeal din ako sa ating mga inmates na magkaroon ng self-regulation. Magbantayan sila. Kasi once na may mangyaring masama, kahit na sabihin mo na isolated, baka maapektuhan 'yung buong programa. Ako'y naniniwala na ang pinakamalaking assurance dito, sa awa ng Diyos, ay ang i-self-regulate nila, ibig sabihin 'yung inmates ay babantayan ang kapwa inmates kasi malaki talaga ang magiging pag-asa o future nila dito kung seseryosohin nila ito.

Reporter: Bakit po inmates ang napili ninyo at hindi ibang sector like the less fortunate, children, o poor families?

ASC: Mayroon din tayo 'non through other agencies. Ang LGUs at ang TESDA mayroon din 'non. Marami tayong projects na ganoon. It's just that everytime ako nagbi-birthday, usually, dito. Kasi ilan ang sectors natin na talagang kailangan na kailangan ng tulong? 'Yun pong elderly o may sakit at 'yun pong nakakulong din. Kumbaga, ito 'yung mga helpless or unless bigyan mo ng extra help, parang nawawalan ng pag-asa.

But having said that, marami tayong projects outside the Bilib I.T. Si Sec. Joel, actually, has trained many inmates and detainees in programs other than IT. It's really part of the rehabilitation aspect of incarceration. You imprison someone not only for punishment, but also for rehabilitation. Hindi ko alam ang exact figures ngayon, pero marami sa inmates ang bumabalik sa society. Pero napakalaki ng rate ng nakukulong ulit . 'Yon ang kailangan nating i-address.

Let me assure you that there are many, many more projects that we are undertaking. Katulad ng dalawang weeks leading to my birthday, nagkaroon ng medical missions, may mga livelihood projects, may seminars, may ipinamimigay na scholarships. Mayroong ibang programa.

Isa ding rason kung bakit gusto kong pumupunta sa kulungan ay dahil nare-remind ako kung gaano tayo ka-blessed na nasa labas tayo. Minsan kasi, napakaraming blessings na sabay-sabay, napakarami din na problema, you lose your self. Pero dito, nagkakaroon ka ng perspective na maraming kababayan natin, nagnakaw lang ng pandesal o ng gamot, nakulong, lalong napagrabe ang sitwasyon ng kanilang pamilya.

For me, it serves as a reminder not only to help them. It also helps me be well-grounded.

Reporter: Paano masisiguro na magkakaroon sila ng trabaho after?

ASC: 'Yung doon sa guarantee na magkatrabaho sila, mahirap ibigay per se kasi maraming passports para magkaroon ng employment. Ang sinasabi lang namin, sa experience namin sa City of Taguig, madalas humingi ang Fort Bonifacio ng mga magtatrabaho. Pero kapag may kailangan, hindi din makapagbigay ng mga tao na may enough skills. So nasa labas man o nasa loob ay puspusan ang training ngayon. Ang sinasabi lang namin, at least 'yung matanggal 'yung isang obstacle�'yung kakulangan ng skills. As soon as may certificate sila at skill katulad ng sinabi ni Sec. Joel na ISO certified na sila, pwede na.

Halimbawa, 'yung sinabi nga ni Sec. Joel sa akin, 'yung Monarc, dati, hindi sila tumatanggap ng mga empleyado na walang five years na experience. Pero ngayon, na-negotiate nila na basta may TESDA certificate ka, it's already proof na kaya mong gawin ang trabaho.

Gusto nating makaabot sa ganoong level na hindi bibigyan ng certificate ang inmate just because natapos nila ang required hours. They have to pass the course. And if you pass a course and you have a certificate the assessment is it's guaranteed that you're good. So kapag may humingi sa ating mga preso na kailangan ng ganito o ng ganyan, o 'yung ating mga parole officers pwede na halimbawa, when they push for employment para sa kanilang mga alaga, at least may skill na.

Gusto kasi nating ma-create ang idea sa mga mamamayan natin na kung ang inmates nga nakakulong, natuto sila at nagtatrabaho, paano pa kaya kapag sa kanila na nasa labas. Kasi in one sense marami tayong tambay. Minsan kapag ininterview mo sila, ang sasabihin wala naman kasi talagang trabaho, wala namang gagawin. Pero sa totoo, wala din silang skills.

It's like a vicious cycle. Like, which came first, the chicken or the egg? Hindi ba? Ano ba ang mauuna, mag-aaral ka muna bago magkatrabaho, o magkatrabaho ka muna saka ka mag-aral? It's such a vicious cycle and in here they have no choice. It's either you just sit around or you make yourself productive.

Doon sa economic briefeing na binigay sa akin ni former NEDA secretary Ciel Habito, sabi niya malaking malaki ang pag-asa ng Pilipinas na maka-recover o magkaroon ng manufacturing sector dahil nagmamahal na sa China. The V.I.P that's being touted now, that's Vietnam, Indonesia, and the Philippines.

Ten years to fifteen years ago ang binantayan ay ang tinawag na BRICs--Brazil, Russia, India, at China. Pero ngayon, ang binabantayan ng mundo ay ang VIP. Pero ang problema sa workforce natin, hindi trained. Magaling ang Pinoy, magaling mag-adjust, pero hindi trained.

So I'm hoping that even though this is being done inside a prison, the influence and the inspiration from this will flow out through the relatives of the inmates and through social media.

Naiisip niyo ba na anim na buwan o isang taon ang makalipas, na-media, na-TV, o na-radyo ang success ng isang nakakulong na malungkot ang buhay pero noong nakalabas ay nakapag-hanapbuhay para sa pamilya, baka ma-inspire ang iba na mag-aral na rin at magbagong buhay talaga.

Reporter: Bakit anim lang po ang kasama sa class ngayon samantalang ang sa scholarship ay para sa 200?

ASC: Anim lang per class ang regulation nila. Symbolically, nagbigay lang tayo ng anim na scholarship ngayon pero imu-multiply natin ito. Ang allotment natin is for 200 pero ang binigay muna natin ngayon ay anim lang.

Ang target natin, lahat ng gusto ay ma-accommodate. But we have to start somewhere and their class size is really small. Pero maging successful lang ang mga nauna, madali na nating i-multiply ito. Pero for 200 ang ating initial funding.

News Latest News Feed