Press Release
November 20, 2012

Transcript of interview with Sen. Manny Villar (Toy Kingdom ocular visit)

On toxic-testing at Toy Kingdom

Villar: Ngayon ay nakapag-conduct tayo ng eksaminasyon dito sa Toy Kingdom. Nagpapasalamat ako sa namamahala, namumuno ng Toy Kingdom, ng SM. Nandito po sila ngayon ang mga opisyales. Ako po ay nagpapasalamat sa kooperasyon na ibinigay nila sa Senado, sa Committee on Trade and Commerce. Nagpapasalamat din ako sa pinuno ng Department of Health, ng Department of Trade at ng mga kasamahan natin sa Eco-Waste Coalition. Ito po ang grupo na kasama natin sa pangangalaga ng safety ng ating mga kabataan sa pagbili ng mga laruan. Mahalaga po ito dahil sa ngayong kapaskuhan, marami na naman ang bumibili ng laruan at hindi alam ng mga magulang kung safe ang mga laruan na binibigay sa kanilang mga anak. Alam natin na maraming nangyayari sa ating kapaligiran na may lead content ang mga laruan na ini-import mula sa ibang bansa o ginagawa dito. Ito ay hindi nalalaman ng mga magulang kaya ako po ay nagpanukala at ngayon ay malapit nang maging batas, naipasa na sa Senado at sa Mababang Kapulungan. Magkakaroon na kami ng bicameral conference sa lalong madaling panahon at magiging batas na ito. Natutuwa po ako at ito po ay pumasa. Ito po ay maghihigpit sa paglalagay ng label sa mga laruan para magkaroon ng proteksyon ang ating mga kababayan at ating mga magulang na bumibili ng laruan para sa kanilang mga anak. Ngayon at least, meron nang magbabantay sa mga laruan na pumapasok at sa mga itinitinda at magagarantiyahan nila na walang masamang substances doon na makakasama sa ating kabataan. Kaya ako ay natutuwa na magiging batas na po ito. Muli, nagpapasalamat ako sa mga kasamahan natin dito, sa mga kasamahan natin sa media. Napakahalaga na ngayong kapaskuhan tayo ay magsama-sama sa pangangalaga ng ating mga kabataan.

Ano po ang findings ng inspection?

Villar: Natutuwa ako na dito sa Toy Kingdom ay maayos ang kanilang mga tinda. Nag-random check kami ng mga laruan at wala kaming nakitang problema. Binabati ko ang namumuno ng Toy Kingdom at maayos itong bilihan ng mga laruan.

Kumusta naman ang prices?

Villar: Palagay ko resonable naman ang presyo dito dahil kung hindi, hindi naman mabibili iyan. Maganda naman ang mga presyo dito bagaman wala na akong anak na ibinibilhan ng laruan kaya hindi na ako pamilyar.

Iyong mga big malls, nagko-comply sila?

Villar: Karamihan. Hindi natin masasabing lahat. Huwag nating lahatin pero palagay ko karamihan naman nagko-comply.

Paano naman po iyong maliliit na tindahan sa Tutuban...

Villar: Iyan ang problema natin. Maraming dumarating mula sa ibang bansa na mga laruan at hindi natin nakikita. Meron pang ang label ay banyaga ang salita. Hindi natin nauunawaan kung ano ang nakalagay doon. Hindi lamang sa toy labeling, hindi lamang sa masasamang substances ang problema. Meron ding problema na nakakasama sa bata, iyong baril na parang totoong-totoo, masama din iyan. So maraming bagay ang iko-cover nitong labeling act na ito na hopefully ay magiging batas sa lalong madaling panahon o bago dumating ang pasko.

Kailan po ang bicam?

Villar: Next week magkakaroon tayo ng bicameral conference. Umaasa ako na sa bicameral conference na iyan ay matatapos na sa lower house at sa Senate.

Magkakaroon ba kayo ng surprise inspections?

Villar: Hopefully wala kaming makitang surprises pero magugulat ako kung wala kaming makikita.

Ano ang penalty under that bill?

Villar: Imprisonment and fine. Nilagyan ko ng imprisonment para maghigpit at maging alisto ang mga gumagawa ng ganyan. Kawawa naman ang mga bata. Syempre kukumpiskahin din ang mga produkto.

On sin tax bill

Villar: Mukhang nagkakaayos naman ang Senado. Ang mahalaga ay magkaayos tayo at maaprubahan na ang isang panukala na sa tingin ko ay siyang pinakatutugon sa maraming sector. Mahalaga ang kalusugan ng ating mga mamamayan. Mahalaga rin ang industriya. Natutuwa ako na mukhang magkakaroon tayo ng produkto na balansyado ang interes ng magkabilang panig.

You will vote in favor?

Villar: Sa tingin ko magkakasundo kami sa isang panukala lamang sa sin tax para hindi na magkaroon ng maraming bersyon. Sa palagay ko ito ay masusuportahan naming lahat, iyong bersyon na napagkasunduan kahapon.

Sa RH bill, may posisyon na po kayo?

Villar: Matagal na akong may posisyon sa RH bill. Tayo ay laban diyan.

Kaguluhan sa Gaza

Villar: Sa nangyayari sa Israel at Gaza Strip, tayo po ay nalulungkot diyan pero gaya ng dati ko nang panawagan, sana ay meron na tayong permanenteng Department of OFW nang sa ganon ay merong permanenteng umaaksyon sa mga ganitong problema. Itong problemang ganito kagaya ng nangyayari sa Israel ay hindi naman bago. Nangyayari ito sa Syria, nangyayari sa Egypt, nangyayari sa Libya, at ito ay pauli-ulit na magyayari sa iba't ibang panig ng mundo. Napakahalaga sa atin na napakarami nating kababayan sa labas ng bansa, magkaroon ng isang Department of OFW o isang bureau na walang gagawin kundi ganito lamang na mangangalaga sa ating mga kababayan sa ibang lugar na nagkakaroon ng gulo, gaya nang nangyayari ngayon sa Israel.

Hindi ba kailangan ng legislation para doon?

Villar: Kailangan ng legislation sa paggawa ng Department of OFW subalit iyong paggawa ng isang unit para diyan ay kaya na within the Executive Department na gumawa. Ako po ay nananawagan sa ating Department of Budget na bigyan ng budget itong ganitong klaseng bureau.

On tax on text

Villar: Mahirap iyon. Ginagawa natin itong sin tax para makatulong sa pananalapi ng ating bansa. Tama na siguro iyon. Mahirap naman na pati iyong text ay i-tax pa natin. Ito ay ginagamit ng mga kababayan natin, hindi natin dapat galawin ito.

Karapatan ba ng IMF chief na magdikta?

Villar: Siguro hindi natin masyadong seseryosohin iyan. Syempre ang IMF, medyo mahilig iyan na nagkokomenta dahil noong nakaraang mga taon parang bantay ng mga bansa iyan. Subalit ngayon ay hindi na ganyan ang kalagayan at tayo nga ang nagpapautang na riyan pero minsan nasasanay pa rin silang magbigay ng mga ganyang advice. Wala namang masama diyan. Hindi naman natin kailangang sundin ang IMF.

Kung may mag-pursue nito sa House?

Villar: Hindi siguro papasa iyan kung may mag-pursue sa House. Napakahirap niyan. Tama na itong sin tax. Palagay ko tapos na ito na karagdagang buwis at kung meron man siguro iyong rationalization of fiscal incentive. Ito iyong para sa mga malalaking kumpanya na kailangang ayusin ang mga insentibo.

Bakit marami pa ring nakakapag-operate na pyramiding scam?

Villar: Ang tao talaga maghahanap parati ng malaking pagkakakitaan, nangyayari naman iyan sa buong mundo, hindi lamang sa Pilipinas. Lalo na dito napakababa ng interes sa bangko kaya kapag may dumating na ganyang proposal, talagang kinakagat agad. Pero dapat mag-iingat tayo diyan. Walang madaling pera sa mundo. At kapag ganyan ang interest ay dapat pagdudahan na agad. Dapat naman iyong iba kapag nararamdaman nyo na ang mga kaibigan ninyo na naglalagay ng pera sa mga ganyan na sobrang taas ng interes, dapat payuhan nyo na na huwag nang ituloy. Talagang scam iyang mga ganyan.

Paano mape-prevent iyan? May enough laws na daw tayo.

Villar: Hindi mo mape-prevent iyan. Mahirap namang sabihing greed. May mga taong ganyan. Minsan talagang maa-attract ka nga. Kapag meron talagang nagsasamantala sa kahirapan ng tao, merong nagsasamantala sa kagustuhan ng tao na kumita ng higit kaya nakakaawa din ang mga biktima. Kaya kailangan bantayan natin na huwag lumaki, kapag may ganyang lumilitaw dapat handa tayo.

Ano ang dapat gawin ng gobyerno para ma-encourage ang tao na maglagay na lang ng pera sa banko?

Villar: Mababa kasi ang interes ng banko dapat taasan siguro. Dapat gumawa ng mga instruments na magagamit ng mahihirap iyong maliliit ang denomination para pati sila ay tumaas nang konti ang interest. Sa ngayon kapag malaki lang ang pera mo doon ka lang nakakakuha ng medyo disenteng interes. Kapag maliit ang deposito mo, masyadong maliit ang interest mo kaya dapat ay gumawa ang ating BSP nang magkaroon ng pagkakataon ang maliliit na depositor na tumaas din ang kanilang interes para hind imaging biktima ng mga ganito.

Pwede ba nating sabihin na mauulit ulit ito, ganito ang ugali ng mga tao.

Villar: Siguradong mauulit iyan kaya kailangang bantayan nating mabuti para tuwing may lilitaw na ganyan, maaga pa ay pinapara na natin. Meron palaging maga-attempt nyan maski na bawal at sinasakyan nila ang kagustuhan ng mga tao na kumita ng mas malaki. Mas maganda pa rin iyong balik muna tayo sa sipag at tiyaga. Iyan pa rin ang sikreto.

Hindi kaya iyong existing law ay masyadong mababa ang penalty?

Villar: Iyong iba katulad niyan tumatakbo, nagtatago, kapag kumita. Talagang iyong iba balak nang magtago after a while. Kaya talagang may gagawa pa nyan.

Pwede kaya itong economic sabotage?

Villar: Sa tingin ko economic sabotage talaga iyan. Dapat ganyan ang kaso. Kaya nga lamang talagang sasakyan niyan ang kagustuhan nating kumita ng mas malaki, ng easy money. Marami pa rin sa mga kababayan natin ang gusto ay easy money. Wala ho talagang ganyan.

May reports na pati local official nabiktima, iyong IRA ininvest doon. May violation ba sa ganoon?

Villar: Maraming magpo-problema kung totoo iyan dahil pera ng gobyerno ang ginamit ng iba wala silang magagawa kundi panagutan iyan.

Saan papasok iyan, graft and corruption?

Villar: Hindi, kapag ginastos mo ang pera ng gobyerno ay pagnanakaw iyan. Malversation iyan.

Paano kung ang gamiting rason ay para kumita ng malaki kaysa sa banko?

Villar: Well, iyon nga. You have to moderate your greed.

Sabi noong iba dapat isama sa kaso iyong mga tumatangkilik?

Villar: Ang problema kasi, kawawa naman sila. Minsan gusto nating magsalita nang hindi maganda pero kawawa naman din ang mga nabiktima. Huwag na lang nating pintasan dahil nawalan na nga ng pera, huwag na lang tayong kumibo at magbigay na lamang tayo ng babala. Parating may mag-ooffer ng napakagandang interes, huwag kayong papasok diyan.

Dapat ST wag easy money?

Villar: Huwag easy money, dapat sipag at tiyaga na lang.

News Latest News Feed