Press Release
January 7, 2013

Transcript of Interview of Senator Franklin M. Drilon

Korina: Kamusta Senador? Ano ang ginawa ninyo noong holiday?

Drilon: Nagbasa ng mga libro na hindi ko nabasa noong kasagsagan ng RH Bill, Sin Tax Bill at 2013 Budget. Nagpahinga rin ako dito sa Manila, although may tatlong araw akong nagpunta sa Bangkok. Nag-shopping lang si misis. It was a good break for all of us.

Korina: It was a good year also.

Drilon: It was a good year. 2012 ay isa po sa pinaka-significant in terms of economy, governance, and in terms even of Congress. Marami pong nangyari sa Kongreso noong nakaraang taon.

Korina: Masaya kayo sa nangyari noong 2012?

Drilon: Marami tayong contribution sa pamamalakad sa pamahalaan, sa mga polisiya noong 2012. Kung iyong maalaala, 2012 started with the impeachment of then Chief Justice Corona - the first time in our history. Halos kalahati ng taon impeachment po yung ating hinarap. Naantala siyempre yung mga panukalang batas na aming hinarap pagkatapos ng impeachment. 2012 was a very busy year for the House and the Senate.

Korina: Nagulat naman kayo na pumasa ang RH Bill?

Drilon: Tama iyan. Ako mismo hindi ako sigurado hanggang sa maipasa sa House. Kung iyong maalaala, there was just nine-votes difference on second reading na ibig sabihin lima lang sa mga bumoto ay bumalgitad, natalo sana. Ganoon din ang ratification ng Sin Tax, 10-9 sa Senado.

Korina: Ang lakas pala ng lobbyist?

Drilon: Ang sabi nga ni Pangulong Noynoy, malalim daw ang bulsa nila, eh. Iyan yung sinabi niya sa speech niya: "the lobbyists have very deep pockets."

Korina: In the end, tama po ba na yung gusto talaga ng tao ang masusunod?

Drilon: Maliwanag na ito pa lang ang Pangulo na nagpakita na gawin talaga ang tama. yung pong sin tax at RH bill, 15 at 16 na taon pong hinihintay iyan na maipasa, sa panahon lang ni PNoy nagkaroon ng lakas na ipasa iyan dahil sa paningin niya ay iyon ang tama at kailangang maipasa. Hindi natin akalain dahil 15 at 16 na taon hinihintay iyon.

Korina: Correct me if I'm wrong, hindi lahat ng tao sa Kongreso ay bumoboto ayon sa kagustuhan ng kanilang mga constituents?

Drilon: No comment (laughs).

Korina: Tayo po lamang ay nakaoobserba lang dahil lumalabas po sa survey iyan.

Drilon: Malakas din, for the first time, ang Simbahang Katoliko ay pumosisyon at nagpakita ng lakas kaya hindi mo rin masisisi yung ating mga kasamahan sa Kongreso na talagang--ang pressure sa kanila ay ganoon na lamang. Doon naman sa Sin Tax sa Senado, ang pressure sa Senado ay ganoon na lamang katindi dahilan sa iilan lang ang Senador na bumoto kaya ganoon din ang nangyari.

Ganito iyan, sa aming estimate ay may 17 milyon Pilipino ang naninigarilyo. Sa 10 sticks per day, kung iko-compute iyan, mga 4 billion pakete ang mina-manufacture kada taon. That is 4 billion or 1 billion per quarter. Hindi ako magugulat kung ang produksiyon ng Philip Morris ngayon ay aabot ng limang bilyon sa 2012. Bakit po? Kasi hinabol na mababa pa yung buwis noong 2012. Alam nilang tataas ang buwis kaya ang ginawa nila, I will not be surprised, ay frontloading na ibig sabihin ay for the first quarter of 2013, ginawa na nila ang pangangailangan ng mga naninigarilyo noong 2012. Dinagdagan nila ang kanilang production line. Ang tax noon, luma pa, old rate pa. ngayon, ibebenta sa first quarter of 2013. Ngayon, may tubo roon. Hindi mo alam kung sino ang tumubo. Either ang Philip Morris na may control ng 95% ng merkado o yung mga traders na may hawak ng sigarilyong ito. In fact, marami akong nabasa sa mga pahayagan, halimbawa sa Davao, biglang nawalan ng supply pero alam namin na nag-frontload ito.

Korina: Ano ang ibig sabihin non? Ibebenta pa rin nila nang mataas?

Drilon: Pwedeng ibebenta pa rin nila nang mataas kasi sinabi nila na tumaas na ang buwis although, yung mga sigarilyong na-i-produced noong 2012 ay old rate pa yun.

Dalawang bagay po iyan. From the health sector's point of view, tumaas na ang buwis kaya sana bumaba na ang bilang ng mga naninigarilyo dahilan sa mataas na ang presyo ng sigarilyo effective January 1. Although the tax bite, hindi pa po effective yung mataas ng buwis dahil binayaran itong excise tax noong ni-manufactured ang sigarilyo noong last quarter of 2012. Okay lang po iyan dahil magbabayad din sila ng income tax.

Korina: They have to declare it.

Drilon: They have to declare it. But from the health sector's point of view, sakin, kung tinaasan nila noong January 1 kahit yung mga produkto nila ay stocked na lang, okay lang iyon dahil nabawasan din yung mga naninigarilyo dahil sa tumaas na yung presyo.

Korina: Paano po ninyo babantayan?

Drilon: Hindi po natin mababantayan dahil that's all over the Philippines. Paano mo mababantayan?

Korina: Ibig sabihin hindi kaagad tataas ang presyo ng sigarilyo? Drilon: Tataas ang presyo.

Korina: Hindi po bawal iyon?

Drilon: Hindi.

Korina: Yung kailangan lang bantayan ni BIR Comm. Kim Henares yung...

Drilon: Yung kita nila. Kasi ang estimate ko diyan, uulitin ko lang, ang estimated production at 4 billion packs or a billion per quarter, but I suspect, for the last quarter, nagkaroon sila ng frontloading o dinagdagan nila ang production on the last quarter pero ang labas noon sa merkado ay 2013. Mga Abril, iyon talaga ay hindi nila mapipigil dahil mauubos na yung stock nila at yung bagong production ay papasok na yung new excise tax rate.

Drilon: Sa aspeto ng kalusugan, yun iba, baka tumigil na magsigarilyo; o at the very least, yung ating mga kabataan ay hindi na pumasok sa bisyo ng paninigarilyo.

Korina: Pagdating sa RH Bill, ano na po ang estado?

Drilon: Na-published na po iyan and I think it will be effective at the middle of the month kasi 15 days ang reglamento diyan mula sa publication, 15 araw bago maging effective. I think na-published iyan about third week of December so by this week iyan.

Korina: Paano po yung sa IRR na may kailangan pang pag-usapan?

Drilon: Meron, but the law is already effective at may mga provision naman diyan na hindi na kailangan ng IRR. Yung IRR lang naman ay kailangan kapag hindi maliwanang o may mga gap sa batas na siyang dapat punuin ng rules and regulations on the implementation of the law.

Korina: Yung FOI?

Drilon: Pasado na po sa Senado iyan. Hindi ko lang alam sa HoR. We have nine session days remaining. Pagbalik po namin sa Kongreso ng January 21, we have three weeks at pagtapos noon kampanya na. An gaming trabaho ay hanggang mga middle of February kaya hindi ko alam ang status ng FOI sa HoR.

Well, we will continue to do the best of what we can. Talaga pong noong 2012 marami kaming trabahong nagawa. Pati po yung sa budget na naipasa natin on time for the three years. Doon naman sa mga airlines, kung inyong maalala, wala ng foreign airlines na pumupunta satin, yung KLM ay tumigil na dahilan sa mabigat na common carrier tax na tayo lang ang bansang nagpapataw nito. Naaperktuhan po ang turismo nito sa atin kaya mababa ang tourism arrival. Iyan po ay naipasa natin sa Senado yung pag-alis ng common carriers' tax para bumalik yung mga foreign airlines. Ang pangako po nila ay kapag naalis itong mabigat na buwis, magbabalikan po sila.

Korina: Ano po yung priyoridad?

Marami pang nasa legislative agenda ng Pangulo na hindi pa nagagalaw ng Kongreso. I'm not just prepared to mention these.

News Latest News Feed