Press Release
February 6, 2013

TRANSCRIPT OF INTERVIEW
Cayetano: "Aim for a glitch-free, fraud-proof 2013 automated polls"
(After JCOC-AES hearing)

REPORTER: What is your take on the report by Comelec kung bakit nagkaroon ng glitches nung mock elections?

ASC: Siyempre ang ineexpect ng ating mamamayan ay 100% glitch free. Although walang perpekto sa mundo ang iniisip natin ay ang automation ay reresolbahin ang mga problema ng dayaan sa eleksyon at mga problema bago, habang, at pagkatapos ng pagboto tulad ng hindi mahanap ang pangalan o di mabilang ang boto.

Itong mock election ay maganda dahil naexpose yung mga weaknesses. Pero sinabi ko officially and unofficially sa chairman: we have to have confidence building measures. Hindi pwedeng tumigil na tayo after mock elections at ang perception ng tao ay mas marami pang gulo dito at di mabibilang ang boto nila.

Minomonitor ko ang preparations nila but so far I'm not satisfied. Hindi naman pwede na kapag pumunta ka doon, labas pasok ang balota mo sa makina at di gusto tanggapin o kaya sasabihin na may problema sa papel o sa makina mismo. Ineeexpect ng tao ay pumila ka ng napakahaba at naghintay, dapat lang na mabilang ang boto nila.

We're giving Comelec enough time but it is important that the mock elections be given a take 2. Napakaimportante na ipakita na nearer to 100 percent glitch free na ito.

REPORTER: Pagdating sa security concerns, paano kaya nila mas maaddress ito?

ASC: Maganda kasi dito sa automated it is either 100 percent fraud free or 100 percent fraud proof. Hindi mo pwede sabihin na dahil ang 2010 ay naging tagumpay, tagumpay na rin ang 2013. Marami nang mga tao ang napag-aralan ito.

Ang sinasabi ko ay bakit hindi magbigay ng reward sa mga tao na makakapaghack sa sistema. Kung napaka-confident nila na di mahhack o i-manipulate ang sistema, mag offer sila ng reward sa kung sino mang makakayang manipulahin ito.

Kung may nagsasabi na kaya nilang manipulahin for P5 million, bakit hindi natin sila bigyan ng P5-10 million kung maipakita nila na kaya nilang manipulahin ang sistema. Di na nila kailangan ng kliyente, Comelec na magbibigay ng P5-10million. Tutal P10 billion mahigit ang ginastos nila, what's P10 million to test the fraud-prooof measures of the machines?

Sa Amerika, gumagamit na sila ng magnanakaw para hulihin ang kapwa magnanakaw. Ginagamit ang forgers para hulihin ang magaling magforge. Why not use the so-called syndicates against themselves?

Rather than us saying that this is mere supposition or nanloloko lang ito, manigurado na tayo. Paano? Imbitahin sila na kung maipakita nila sa COmelec at sa tao na kaya nilang dayain ang makina, babayaran na kayo sa sinisingil sa inyo. Kung wala namang may kaya then it will give us 100 percent confidence that the machines are ready for the 2013 elections.

REPORTER: Wala daw silang mahanap na marunong.

ASC: Hindi naman lalabas ang marunong magmanipula ng automated na balota dahil hanap buhay nila itong illegal na operasyon na ito eh. Pero kapag inofferan mo ng reward, pwede na silang lumabas. As I said, usual law enforcement technique na ito: Gamitin mo ang marunong sa kapwa marunong.

Sa akin, di pa basehan ngayon na wala silang makitang maghack nito sapagkat walang reward na inoffer. Kailangan may gain yung makakahack dito. Kung wala, okay lang. Kung meron, kakayanin natin malaman at itigil operasyon nila.

REPORTER: Ano yung dapat ayusin ng Comelec bago sila magsagawa ng bagong mock election?

ASC: Well napakahirap kasi na napakatechnical ng lahat ng usapin. For me, simple lang yan. You show in the mock elections that it works. Kaya maganda ang mock elections kasi sinisimulate yung tunay na pangyayari: kung gaano kadaming botante, may mga kandidato kahit sabihin mong celebrity ang mga sinusulat nila.

What I'd like to see is 3-5 areas in Luzon, Visayas and Mindanao sabay sabay na nagmmock electons, yung balota tinatanggap, trinatransmit, binibilang. Ganoon lang kasimple ang hinahanap ng tao. Sa dami ng mali na nangyari kahapon, it causes people to doubt na magiging maayos ang eleksyon natin.

REPORTER: Too late ba if we just rely sa testing 10 days before the elections?

ASC: Ang problema doon sa testing 10 days before the elections na May 6-10 ay 10 balota lang ang gagamitin. Tapos walang transmission yun. Parang zeroing of the machine lang yun to make sure that it isn't loaded or bibilangin yung sa kalaban mo lang.

Pero yung sa nationwide na sasabihin na orderly at maganda ang takbo ng election, we have to the do the simulation or mock election mga 45-50 days before the election para they have enough time to adjust if needed.

Sana hindi matrauma ang Comelec na dahil napagbintangan silang baka pumalpak pa ito. Precisely maganda nga na maraming nakita kahapon para maayos nila kaysa sa election day pa ito makita at magkaproblema. Kaya yun ang hamon sa Comelec. Konting tiis ngayon pero ayusin niyo para ma-perfect ang sistema.

News Latest News Feed