Press Release
February 7, 2013

Closing Statement of Senator TG Guingona
during the hearing of Malampaya Fund Mess

Bago natin pansamantalang isara ang hearing na ito ay nais ko muna magbigay ng ilang pahayag ayon sa ating mga nadinig nitong nakaraang 3 linggo.

Malinaw ang deklarasyon ni DPWH Sec. Rogelio Singson na hindi katanggap tanggap ang kalidad ng mga proyekto na pinondohan ng Malampaya Funds. Kapansin pansin din ang tila alanganing pili ng lugar para lagyan ng proyekto at tila pagkakapatong patong ng mga pondo at proyekto sa parehong lugar.

Napag-alaman din natin mula kay Sec. Singson na maliban sa P3.9B na pondo galing sa Malampaya ay nabigyan din ang Palawan ng P6 bilyon mula sa tinatawag na SONA funds. Lumalabas po na mula 2008 hanggang 2009 ay mahigit P12 bilyon ang dumaang pera sa Palawan.

Malinaw din ang pahayag ng COA na disallowed ang mga proyektong pinondohan ng Malampaya Funds dahil sa paglabag sa bidding process, particular ang hindi ng mga proyekto sa Philgeps.

Ang mga naturang pahayag ng DPWH at COA ay tila nagbibigay patunay sa mga sinasabing katiwalian sa paggamit ng perang Malampaya na ipinahayag ni Bishop Arigo at ibat't ibang NGOS/POs mula sa Palawan.

Inamin din ng mga taga DPWH sa Palawan na wala pang plano ang mga proyekto nang maglabas ng pondo para sa mga ito. Tila nauna ang karitela sa kabayo sa sitwasyong iyon...

Maging ang ilang independent groups na nagsasagawa ng inspeksyon sa ilang mga proyekto na pinondohan ng Malapaya Funds ay nagpahayag na hindi sinunod ang proseso ng bidding at napakababa ng kalidad ng proyekto, kung meron man. Kabilang sa mga nag-inspeksyon ang Social Watch at Kaakbay na pinangungunahan ni UP NCPAG Prof. Liling Briones at ang National Secretariat for Social Action (NASSA) ng CBCP.

Malinaw din ang pahayag ng mga taga Palawan sa paniwalang ang patuloy na pagbatikos sa korapsyon sa Palawan ang naging dahilan ng pagpapatay kay Doc Gerry Ortega, isang mamamahayag, anti-corruption crusader at environmentalist.

Narinig natin kanina ang patuloy na hinagpis at paglaban ng pamilya Ortega at mga taga Palawan upang makamit ang hustisya sa pagpatay kay Doc Gerry Ortega.

Nakita din natin ang butas ukol sa pag-isyu ng pasaporte ng DFA at napakalaking bukas sa lambat ng BI sa pagsala sa paglabas-masok ng mga tao sa bansa. Ang mga butas na ito ang naging daanan ng mga pinagbibintangang mastermind sa pagpatay kay Doc Gerry . Ang pagkamatay ng isang testigo sa kaso ni Dok Gerry ay nakababahala. Tila may butas din na ginagamit para mailabas sa witness protection program ang mga testigo. Malinaw ang pag aalala ng pamilya na aka maging ang pangunahing testigo ay sapitin ang nangyari sa testigong si Dennis Aranas na natagpuang patay sa kulungan.

Napakarami ng dapat gawing rekomendasyon para sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan na nakita natin sa tatlong linggong ito. Napakaraming dokumento pa an gating hinihintay.

Para masiguro na magiging masinop ang rmga rekomendasyomng ng komiteng ito, hindi po muna natin isasara ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa mga isyung bumabalot sa paggamit ng pondo ng Malampaya na tinitignan bilang dahilan ng pagpapapatay kay Doc Gerry.

Maaari nating ipagpapatuloy ang pagdinig matapos na masuri ang lahat ng dokumento na atin pang hinihintay. Aantabayanan din po natin ang mga gagawing hakbang ng mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng COA, Ombudsman, DPWH, NBI, DOJ, BI at maging ng Court of Appeals at iba pa. This is a case of primary importance, just like the case of the Maguindanao- Ampatuan massacre, this is a case about a grave injustice done to one man, Doc Jerry who spoke the truth.

I challenge the justices of the CA, to make the proper discernment in upholding the law and dispencing justice for everyone.

News Latest News Feed