Press Release
February 14, 2013

Transcript: iBalita Online interview

iBalita Online (Net25)
Interview Transcription
13 February 2013
Anchor: Arlyn dela Cruz

Arlyn: Naging matagumpay at makasaysayan ang naging pagbisita ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front. Ito ay para sa kapakanan ng prosesong pangkapayapaan na isinulong ng pamahalaan sa Bangsamoro. Pero pag pinag-usapan natin angBangsamoro, mayroong isang mambabatas na ito talaga'y masasabi nating expertise kasi ever since she's a journalist, isa ito sa mga paksa o mga issues na kanyang tinutukan lalong-lalo na dyan sa bahagi ng ka-Mindanaoan. Kasama po natin ngayon, si Senator Loren Legarda. Senator, magandang gabi po sa inyo.

Senator Loren Legarda: Arlyn, magandang gabi sa'yo at sa lahat ng nakikinig at nanunuod ng inyong programa, magandang gabi po.

A: Unang-una, nasabi kong makasaysayan yung pagbisita ng pangulo. Noong unang may dumalaw na pangulo dito, si Erap, tapos that time that the military and the Philippine government is taking over Kab Abu Bakr of the MILF. This time, it's about peace. Your thoughts on this.

SLL: Ako'y nagagalak na nagkaroon ng isang mapayapa at maayos na pagbisita si Pangulong Aquino at ito'y panimula lamang ng napakahabang proseso at napakaraming hamon na dapat nating tunghayan dahil bagama't maayos ang pagpirma ng peace agreement, peace cannot be bought on parchment or on paper. Ang ibig kong sabihin ay hindi sapat ang sinseridad ng isang pangulo o ang mga nagnanais ng kapayapaan. Dapat tumulong tayong lahat. Let's unify our country to help push for the peace process for the MILF and other sectors to be completed. Kailangan nating ipatupad ang lahat ng pangako natin sa ating mga kapatid sa Bangsamoro at ang pagbibigay ng basic needs sa kanila ay isang hakbang sa tamang direksyon. Maskiba may lagda ng kapayapaan, ay kung hindi tayo magbibigay ng pagkain, ng nutrisyon sa mga bata, kung hindi natin maibaba ang infant mortality at maternal deaths; pag hindi tayo makapagbigay ng eskwelahan at pati ng scholarship sa mga nagnanais na batang Muslim; pag walang trabaho tayong mabigay sa kanila ay magiging walang kabuluhan ang kapayapaang ito. So along with the peace process and the peace package is an economic package that we should all endeavor to work towards doing that.

A: Sinabi niyo kanina na ito ay sasailalim sa isang proseso. Ito rin ang sinasabi ng pamahalaan na peace panel on the side of the government and the peace panel on the side of the MILF because ang agreement ay isang parang interim agreement lang at di pinal at kailangan pang dumaan sa Kongreso, tama po ba Ma'am? Pero ang tanong dito ay kung ano ang kulang o malakas sa kasunduang ito na sa tingin nyo ay puntos na dapat palutangin sa pag-usad ng proseso?

SLL: Unang-una, na ang gobyerno ay sincere, na ang MILF ay nag-agree at merong meeting of the minds, mayroong meeting of the hearts. Yun ang mahalaga. A big step on the right direction. Pangalawa, napapanahon na dahil pagod na rin lahat ng tao at napakalaking oportunidad at potensyal ng ekonomiya ng Mindanao na uusad dahil sa napakayaman na resources. Pangatlo, we have a leadership but he really make sure na bago matapos ang termino nya ay mapapatupad ito. Kaya dapat nating tulungan sa tamang prosesong susundan; at saka nagkaroon ng transparency ang consultation mula pa sa simula -- hindi lang hinain o nagkaroon ng lagdaan na walang konsultasyon sa iba't ibang sektor, pero marami 'tong hindi magagawa overnight, so we need the continued cooperation of everybody.

A: Ang key dito ay the President himself. Kasi sya yung gumawa, nagtimon nito.

SLL: The President and all of us. The Senate is so important because marami pang consultations dyan. There may even be certain laws that need to be enacted, laws na kailangan isabatas, mayroong mga existing na na batas, o programa o polisiya na kailangan suportahan. May mga proyekto na kailangan pondohan. Marami yan.

A: Pero kasama o kabahagi ng nilagdaan nitong nagdaang taon between the Moro Islamic Liberation Front and the Government ay yung usapin ng teritoryo, kung paano ito ima-manage na magiging pabor sa pamahalaan na pabor din sa Bangsamoro. Ano ang mga puntos na kailangan nating bantayan dito Senator para hindi makompromiso ang ating Saligang Batas?

SLL: Unang-una po ay dapat maging maayos ang ating pagaaral sa legalidad at constitutionality ng agreement. Pangalawa ay di natin dapat ibigay o ipamigay ang ating soberanya bilang isang buo na estado at pumayag naman ang MILF doon, no.

A: Walang paghihiwalay�

SLL: Walang paghihiwalay, no separatism. There is no independence. It's just autonomy, genuine autonomy. At pangalawa ay dapat din matutunan natin lahat ang pagrespeto sa isat isa. Hindi nagsisimula pa lamang and then pagkatapos may sasabutahe, magkakaroon ng pag-aaway pagkatalikod natin, so there must be mutual respect .

A: You talked about sincerity. Kayo na laging naglilibot, especially sa bahagi ng ka-Mindanaoan, halimbawa nilapitan kayo ng kababaihang muslim, ano yung sinasabi nila sa'yo na patungkol dito at pwedeng magpalakas dito sa isinusulong na prosesong pangkapayapaan?

SLL: Ang mga sinasabi ng mga kababaihan ay palaging naghahanap ng trabaho, humihingi ng kapital sa kanilang mga negosyong maliliit, nagpupunta ako sa mga weaving centers, at sinasabi nila, ito ang aming mga tela, ang aming mga gawa, ito ang mga beadwork namin, tulungan mo kami sa disenyo, sa marketing. Ganun ka-basic . They don't even talk about the peace process in general, it's really the tradition of jobs, ang kailangan namin trabaho, ang kailangan namin mapagkakakitaan, ilalapit mga anak nila, may sakit ito, gamot, pang-opera ng bata, access sa public services, kailangan namin dito ospital, kailangan namin health care. Ganun e. Hindi man lang sinasabi sana magkaroon ng peace agreement. Ganun e. I feel the needs on the ground, needs for basic services.

A: Yung mismong sitwasyon sa Mindanao, may mga opinyon na nagsasabing parang tulad nga ng sinabi nyo marami nang pagod. Pero yung sitwasyon ng kawalan ng katatagan, yon ang parang nagagamit din sa pamomosisyon naman sa pulitika. Itong isinusulong na ito ng pangulo, this is a different kind, hindi ito yung postura lamang kundi sinserong hakbang towards a genuine and lasting peace sa Mindanao.

SLL: Ito'y hindi postura lamang. Maliwanag na ito'y isang konkretong pamamaraan para matuldukan na ang deka-dekadang pagpaslang, sigalot, kaguluhan na nakakaretard o nakakasagabal sa ating pag-asenso bilang sambayanan. Ah, habang may kaguluhan sa Mindanao, hindi mananahimik ang Luzon, hindi magkakaroon ng economic progress ang Kabisayaan dahil tayo'y isang bansa, tayo'y isang Republika, dapat nating bigyan ng pansin ang pangangailangan ng bawat lugar. Hindi ba sa isang katawan, kapag masakit ang ulo, hindi makakagalaw masyado ang kamay. Pag masakit ang paa, ay hindi makakalakad nang mahusay at maski magaling ang ulo. Ganyan e. Isang buo yan e. Kaya kailangan pangalagaan natin ang bawat parte ng katawan, at pangalagaan natin ang bawat parte ng Pilipinas.

A: Binanggit 'to kanina na halos lahat tayo dito, we are stakeholders. Di lamang ang Pangulo, what about on the side of the military? Kasi may kausap ako, mga enlisted personnel. Marami ang ano, gusto ang kapayapaan. Pagod na rin sila. Pero 'pag ganitong may prosesong pangkapayapaan, ano naman ang bahagi ng mga sundalo? Baka naman sila ang mapag-iwanan. Lahat ng bentahan ay nasa bahagi naman ng Bangsamoro.

SLL: Hindi dapat. Napakahalagang component, napakahalagang sektor ang ating mga kaibigang militar dahil sila ang frontliners natin na nagdedepensa ng ating estado. At sila dapat ay kinokonsulta at alamin din kung ano ang inputs nila sa proseso dahil kung hindi nila alam, how do they comply? Diba? O kung may ceasefire man, ano ang dapat gawin para ipagpatuloy ang ceasefire and yung mga benepisyong ibibigay sa ating mga kapatid sa Bangsamoro ay kailangan din ng benespisyo ng ating mga kapatid sa militar. Kung ang kanilang allowance ay maliit, kailangan magpanukala ng batas para dagdagan ang kanilang allowance. Kausap ko lang kanina ang PIO ng ating Armed Forces, sa Army at yung sinasabi natin na ang subsistence allowance pala ay 90 pesos lang. Paano ba yan, trenta pesos kada meal e halos isang bote lang yan ng mineral water at sky flakes. Buti kung maka-abot pa yung skyflakes no. O isang pan de coco lang yan o dalawang pan de coco. Hindi naman makatarungan yan. Kaya sa aking kahuli-huling termino, we will review not only subsistence allowance pero lahat ng mga benepisyo ng mga lumalaban at nagdedepensa sa ating estado, na sila ay matulungan. Kung mayroong holistic na peace process na magbibigay ng katarungan, pagkain, eskwelahan at trabaho sa mga sektor na ibabalik sa mainstream gaya ng ating mga kapatid na Muslim. Lahat naman ng mga nagtanggol sa estado, ay kailangan bigyan din ng benepisyo.

A: Senator, kanina sinabi nyo na kapag tayo may pinirmahang kasunduan lalo na sa bahagi ng pamahalaan sa anumang grupo, rebelde man yan o hindi, lalong lalo na sa Bangsamoro, dapat itong tupadin. Si Professor Nur Misuari ay nag-iingay at sinasabing nakaligtaan ang 1996 peace agreement na unang kasunduang pangkapayapaan na talagang nalagdaan na at talagang kasunduan at hindi interim na kasunduan na hindi raw natupad sa kanyang kabuuan. Yan po ang ating babalikan, your thoughts on the 1996 peace agreement and Nur Misuari. Ito po ang iBalita online with Senator Legarda, kami po ay magbabalik sa ilang sandali lamang.

A: Nagbabalik ang iBalita online. Kanina yung iniwan nating tanong kay Sen. Loren Legarda ay yung kasunduang pangkapayapaan noong 1996 with the government and the Moro National Liberation Front, not the MILF, ay isang kasunduang nabuo na. For a while, dito nakasandig ang ating pag-asa pagdating sa Bangsamoro pero si Professor Nur Misuari, nung ilang taon lang makalipas ang kasunduang 'yon at more recently ay nagsasabing kinalimutan sila, lalong lalo na sa pakikipaglagda ng pamahalaan dito sa MILF, di daw sila nakonsulta at ngayon nag-iingay si Professor Nur Misuari. Alam ko personal mo syang kaibigan, Senator.

SLL: Kaibigan ko si Chairman Nur, at nung 1996, gaya mo, ako'y isang mamamahayag at kino-cover ko yung Jakarta peace agreements bilang isang anchor-reporter noon and nagpunta pa ako sa mga kampo nila, ng mga MNLF sa Sulu noon, kaya pamilyar ako sa Sulu, Arlyn, and you know that, at nung 1996 was also a historic peace agreement during the time of President Ramos and you could hand it to President Ramos na ginawa nya ang kanyang makakaya para magkaroon ng MNLF peace agreement . Yung pag-ukit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, sa Mindanao, at yung plebisito na naganap noon kaya pinili lang yung mga lugar ayon na rin sa gusto ng mga tao doon ay base sa 1996 peace agreement, hindi ba? Yun ang aking pagkakaintindi; at kung anuman ang kakulangan o ang hindi pagpatupad noong 1996 peace agreement ay hindi natin matutukoy sa isang gobyerno lamang. Siguro nagkulang ng pondo o pagpapatupad o hindi talaga nabigyan ng kalutasan yung magandang adhikain ng peace agreement, kaya yoon dapat ang ating bantayan, na ang peace agreement ngayon sa MILF ay di matulad sa mga nakaraang peace agreement na may magandang pakay, hindi napondohan, hindi nasuportahan, something went wrong along the way, mayroon pa ring hinaing ang mga tao. Kaya naintindihan ko si Chairman Nur at sana maging inclusive ang ating pag-uusap ngayon, sana alamin kung may basehan man o wala, I'm not certain, if his needs have been addressed but to look into it and to review the 1996 peace agreement with the MN and the present peace agreement with the MI, and see how we could have an all-inclusive peace process where all sectors, including our lumads, kailangan isama ang ating mga lumad, katutubo, sa mga pag-uusap na ito, sa konsultasyon man lamang.

A: In other words, if I may interpret what you just told me Senator, tama si Nur Misuari, tama si Professor Nur Misuari na di sila dapat i-etsapwera, kaligtaan o kalimutan sa prosesong ito.

SLL: Hindi naman siguro sila ini-itsepwera, in fact sila nga ang inuna ng Pangulong Ramos noong 1996 no, hindi lamang siguro napatupad lahat ng aspeto ng 1996 peace agreement dahil siguro yung mga sumunod na administrasyon, or mga sumunod na gobyerno ay hindi talaga napondohan or napatupad yung mg proyektong yan. Kaya para maging matagumpay itong peace agreement ngayon sa MILF ay let's take into consideration what was discussed in '96; let's take into consideration the needs of our lumad communities or the indigenous peoples or yung tinatawag nating mga katutubo para maging matagumpay hindi lamang inclusive growth but also inclusive peace.

A: Si Professor Nur Misuari, malaking sangkap sya, bahagi, sa ikatatagumpay nung 1996 peace agreement. May mga nagsasabi naman na sya raw ay may kasalanan or may ambag kung bakit ito gumuho o bumagsak ang mga pangarap o pag-asa na kakabit ang 1996 peace agreement. Sa tingin nyo ba mam...

SLL: This is a very uncomfortable question for us kasi friend natin si Nur Misuari.

A: Pero tama ba na harapin na rin nya yung puntong sya rin naman may pananagutan sa kanyang kapwa Bangsamoro, kung bakit nabigo, kung nabigo man

SLL: Unang-una, Lene, ayokong manisi ng tao dahil di magiging kasalanan ng isang tao lamang ang di pagtagumpay ng kapayapaan. Pangalawa, tama naman sya ay may pananagutan gaya ng ikaw, ako at lahat ng nakikinig ay may pananagutan because we all have a stake in peace, in short what I'm saying is lahat tayo ay may pananagutan, lahat tayo ay may responsibilidad bilang media, bilang senador, bilang chairman ng MNLF sya o kung sino man. Lahat tayo ay mayroong parte dyan. Kung ito man ay nagtagumpay, lahat tayo ay magkakasamang nagtagumpay. Kung may pagkukulang at nakita natin may malaking pagkukulang, lahat tayo ay may kasalanan dyan. Hindi lamang isang tao. Hindi panahon para manisi kung bakit hindi nagtagumpay, kung bakit hanggang dito na lamang ang pagtupad ng peace agreement. Importante ang kalutasan. Bakit hindi nagtagumpay, kung hindi man, ano ang pagkukulang? -- pondo, mayroon bang anomaly, mali ba ang mapping ng proyekto, ano ba ang kailangan gawin -- yung mga solusyon na yan, ang dapat i-input sa bagong peace agreement sa MILF at tignan pa rin natin kung papano mabibigyan ng katahimikan yung lugar naman ng MILF. Ganun yun e. If you keep on blaming each other, no peace agreement will ever be successful.

A: Yung agam-agam ng ibang sektor dito sa MILF peace agreement with the government ay hindi lamang nakabatay doon sa sinasabi ngang kahinaan o yung di pagiging matagumpay ng 1996 agreement kundi doon sa katotohanan na ngayon sa Mindanao o sa ARMM mayroong ibang mga armadong grupo na siyang sakit ng ulo ng pamahalaan na dati ay kabahagi ng MNLF na dating kabahagi ng MILF.

SLL: Breakaway groups

A: Yeah, breakaway groups. How should the government dwell on this?

SLL: Well, first of all, kailangan talaga lahat ng mga armas ng mga criminal elements, ng mga breakaway groups, ay ikumpiska, ipahanap at talagang tanggalin, to disarm. Hindi maaaring you make peace with the MNLF, you make peace with the MILF and there will be new groups with new names with arms. Magiging never-ending 'tong peace agreement. So as I said and I repeat, it shall be an all-inclusive peace and along with the engagement process, along with all-inclusive peace, would be disarming the breakaway criminal elements or factions that refuse to bring down their arms for peace in our country.

A: Gusto ko yung sinabi nyo kanina na kung hindi tatatag o papayapa ang Mindanao, maaapektuhan ang Luzon at ang Kabisayaan. Kayo sa Senado, ano ang pwede n'yong gawin para makatulong na ito'y mapatatag? Andyan na, naipakita na yung sinseridad ng magkabilang panig.

SLL: Suportahan ang mga inisyatibo, kung meron nang mga batas ay i-fasttrack based on consultation of course, at pangatlo ay sa GAA, General Appropriations Act sa 2013 ay tignan natin, dapat magkaroon ng bias, support, increase sa budget ng areas ng Mindanao or in the sectors that can provide jobs and livelihood.

A: Panghuli Ma'am, the search for peace is also the search for truth. As a journalist, as a Senator, as a Legislator, ito'y buhay nyo na, ang kapayapaan ay inaasam ng lahat. Ano nga ba, what does it take to achieve peace? Panghuli na po.

SLL: Ang kapayapaan ay makakuha lang natin, Arlyn, pag tayo ay nagbigay ng katarungan, pag tayo ay nagbigay ng pagkain sa bawat mesa; ng pencil o computer sa mga bata imbes na armalite sa kanilang mga ama; pag nagbigay tayo ng araro or makinarya sa mga amang tahanan imbis na baril; pag nagbigay tayo ng kapital sa mga nanay ng tahanan na imbis na sila ay bigyan ng problema dahil na-recruit ang kanilang mga batang anak na lalaki o ang kanilang ama ng tahanan. We can only achieve peace if there is a doable, implementable economic package that will address the basic need of our people.

A: Senator, marami pong salamat.

SLL: Maraming salamat sa iyo, Arlyn.

News Latest News Feed