Press Release
April 21, 2013

KOKO PIMENTEL, NUMBER 2 SA MOCK POLLS

Nakuha ni reelectionist senator Aquilino "Koko" Pimentel III ang number 2 sa Mock Polls para sa mga senador na isinagawa ng Movement for Good Governance (MGG) na ginanap sa Ateneo Professional Schools sa Rockwell Makati, kamakailan.

Nanguna sa mock polls si dating senador Ramon Magsaysay, Jr., pumangalawa si Pimentel at pangatlo si Riza Hontiveros. Silang tatlo ay pawang kasapi sa team P-Noy.

Ang mga katangian at kapintasan ng mga kandidatong senador ay binusising mabuti ng panel of experts batay sa scoreboard na inihanda ng MGG.

Ang mga kandidato ay binigyan ng grado kung sila ay pumasa o bumagsak batay sa sumusunod na criteria - competence, track record effectiveness, integrity, stewardship at reform.

"Ang scoreboard ay makatutulong sa mga Filipino anuman ang antas ng kanilang buhay para pag-aralan ang katangian ng mga kandidato kung sila ay karapat-dapat manungkulan sa public office," ani Winnie Monsod, chair ng MGG.

Sa ibang de kalidad na pag susuri sa katangian ng mga kandidatong senador, isa sa mga nangunguna si Pimentel.

News Latest News Feed