Press Release
July 17, 2013

Sen. Sonny Angara's statement on the upcoming State of the Nation Address of Pres. Benigno Aquino III

Palagay ko makakaasa ang mamamayang Pilipino sa pangako ni PNoy na the best is yet to come sapagkat hindi naman basta-basta nasusugpo ang matitinding suliranin ng lipunan tulad ng kahirapan at kawalan ng trabaho. Ang mahalaga, ginagawa ng pamahalaan ang kaniyang makakaya para hindi maiwanan ang mga nasa laylayan ng ating lipunan o iyong poorest of the poor ika nga.

Dapat bigyan sila ng oportunidad na umangat ang estado sa buhay sa pamamagitan ng magandang edukasyon at serbisyo. Sa darating na taon, mamumunga din ang mga repormang naumpisahan ng PNoy administration.

News Latest News Feed