Press Release
August 5, 2013

Transcript of Kapihan sa Diamond Hotel with Sen. Chiz Escudero

I understand you filed a resolution regarding the investigation of the pork barrel scam.

Chiz: Tama ka. Nakakalungkot, limang araw ko binasa ang issue sa isang pahayagan ang issue na iyan. Ni ha ni ho na nagsasalita sa Senado ay wala kaya naghain ako ng resolution. Hindi naman pwede na pag iba ang inaakusahan na nagnanakaw ay aktibo at ganado ang Senado na mag-imbestiga. Kapagka kami na ay ayaw at parang nagtatago kami. Nais kong ipakita at patunayan na hindi old-boys club ang Senado. Pagkakataon sana ito sa mga kasamahan namin na naakusahan na harapin ang mga nag-aakusa sa kanila, ibigay ang panig nila, at bigyang linaw ang issue na ito.

Itong pag-aaral ninyo dito sa allegedly P10 billion pork barrel scam...lumalabas naman ang alleged mastermind, si Mrs. Janet Lim-Napoles. Sa tingin ko siya ay naninindigan na walang katotohanan ang scam na ito.

Chiz: Well, ongoing ang investigation. Magandang pagkakataon na mabigyang linaw iyan sa ginagawa ng NBI. Sa akin lang ay kaya ko binubuksan ang pagkakataon sa imbestigasyon sa Senado ay ang kasalukuyang sagutan sa pahayagan ay hindi naman under oath iyon. Kinukuha ng reporter ang isang panig, ang kabilang panig. Ang kaibahan ng isang Senate inquiry ay: una, kailangan nilang panumpaan ang lahat ng sasabihin nila under oath; pangalawa, may pagkakataon silang magkaharap-harap; at pangatlo, makikita mismo ng publiko at napapanood at napapakinggan kung sino ba ang nagsasabi ng totoo.

Pag natuloy ang investigation, obviously those subpoena have to come. Sinasabi ng abugado ni Napoles na si Atty. Kapunan na let's all face the same court. Kung sakaling pilitin nyo na magbigay linaw at sila ay hindi willing to cooperate because they want to protect whatever they have, anong gagawin ng Senado?

Chiz: Ayon sa proseso ng Senado ay iimbitahan muna sila. Pagka hindi nila binigyang galang ang imbitasyon o kapagka wala silang binigay na katanggap-tanggap na dahilan ay pwede silang isyuhan ng subpoena. Kaugnay ng karapatan ng mga kliyente ni Atty. Kapunan, pwede nya naman pangalagaan iyon dahil karapatan ng isang kliyente na huwag sumagot sa katanungan pagka ma-i-incriminate siya. Karapatan nila iyon pagka tinanong na sila at hindi bago, pagkatapos nilang umattend at hindi bago.

Pero they can always take the Fifth Amendment.

Chiz: They can always plea the Fifth, ika nga sa America, right to remain silent or right against self incrimination na pareha naman na nasa Saligang Batas natin.

What are the other committees you are handling in the Senate?

Chiz: Isa lang po, Committee on Finance, magtataguyod at magdedepensa ng budget o panukalang budget para sa lahat ng ahensya ng pamahalaan sa mga darating na taon.

Sa tingin nyo ba ang submitted na budget ay makukuha ang income for this?

Chiz: P2.268 trillion budget to be exact. Well, ang projected deficit ng pamaahalaan ay humigit kumulang P200 billion lamang ang uutangin nila o mag-i-issue ng bonds para mapunuan pero buo ang tiwala syempre ng kada gobyerno na mami-meet nila palagi ang target nila. Pero may pangako na pinaghahawakan sila na napakaganda ng performance ng BIR ngayon at kung may makikita tayong mga resulta sa darating na araw at lingo, huwag naman umabot ng buwan, sa Bureau of Customs, ay baka lalong ma-meet natin ang target na inaasahan natin.

Sa tingin nyo ba ang ongoing reshuffles sa Customs ay mapipigilan ng ibang padrino?

Chiz: May ongoing reshuffle ba? Wala pa akong narinig na natanggal. Magdadalawang linggo na mula nang binulyawan sila ni Pangulong Aquino at nagreklamo si Pangulong Aquino sa kakapalan ng mga mukha nila, wala pa akong narinig na natanggal.

Nagkaroon sila ng meeting ng mga collectors. Those who attended.. In fairness to Commisioner Biazon, sabi niya it could be known in two weeks time. So baka itong mga panahon na ito binibigay lang sa mga padrino para harangin.

Chiz: Magdadalawang taon na si Com. Biazon diyan. Actually, malapit na akong ma-dissapoint. Magdadalawang taon na siya diyan, kailangan niya pa ba ng dagdag pa na dalawang linggo? Binigyan na siya ng lisensya ni Pangulong Aquino na gumalaw, kumilos, at may gawin, bakit kailangan ng ganoon katagal pang panahon eh dadalawang taon na tayo naghihintay ng pagbabago na mangyari sa Bureau of Customs. Una, sabi niya ay I am requiring everyone to submit their courtesy resignation. Noong hindi lahat nagbigay, sasabihin niya hindi ko naman talaga kailangan iyan dahil pwede kong gawin. Pwede palang gawin bakit hindi na lang gawin? Bakit kailangan pang maghintay na magsumite ng courtesy resignation? Hanggang ngayon nananatiling courtesy po iyong mga iyon. Wala pa akong narinig na binalasa o tinanggal o kinasuhan.

Yung ibang functions daw ng Customs baka hawakan pa ng BIR, pabor ba kayo dito?

Chiz: Alam nyo magaling si Commissioner Henares pero hindi siya si Wonder Woman. Napakaganda ng trabahong ginagawa niya sa BIR. Kung dagdagan natin baka iyong BIR maapektuhan naman. May ilang mga simpleng panukala naman na pwedeng gawin sa Bureau of Customs ngayon pa lamang. Pinanukala ko na iyon noong nagdaang linggo. Halimbawa, mula sa simple sa komplikado. Una, i-privatize natin ang operation ng x-ray. Nakadepende sa income ng private company na magpapatakbo ng x-ray, iyong palaging umaandar, iyon na hindi kagaya ngayon na palaging sira. Pangalawa, adopt natin ang first in-first out rule o unang dumating na barko iyan na unang ipoproseso. Hindi pwedeng may discretion ang mga opisyal kung ano ang uunahin. Ika nga sa simpleng libro ng anti-corruption, discretion always equal corruption. Minimize discretion, you minimize corruption. Eliminate discretion, you eliminate corruption. Ngayon ang mga mas simpleng panukala, ang iba ay natatawa pero seryoso ako. Palitan natin ang uniporme ng mga taga-Bureau of Customs. Maski anong kulay pa iyan basta walang bulsa. Palitan natin ang office furniture ng mga taga- Customs. Dapat walang drawer. Parang ganito lang ang mesa, salamin. At least mababago ang imahe. At least mahihirapan maglagay ang mga gustong maglagay. At least mapapahirapan sila kung talagang may gusto silang kunin na lagay o patong sa kanilang trabahong ginagawa.

Gawing transparent sa Customs.

Chiz: Well, dagdag pa, lahat ng revenue-generating agencies sa atin ay naghain ako ng panukalang batas na magkaroon ng CCTV na nakaupload sa website, parang yung ga CCTV ngayon sa mga negosyo at sa bahay. Pwedeng panoorin ni Juan dela Cruz kung anong ginagawa ng mga empleyado ng ahensya yan; para kung makita na kung yung binabayad nilang buwis ay napupunta talaga sa tama. At ituturing nating krimen dun sa panukalang batas kapag hindi minaintain in good working order 24/7 yang camerang yan at kapag hindi nila tinago at finile for at least three years ang record ng CCTV sa mga ahensyang yan. Hindi katulad nung nangyari sa Kongreso kung naaalala nyo noong 2004, pinasa ng Kongreso, kinuha yung mga balota tapos yung hiningi namin yung CCTV pinatungan na raw dahil walang budget raw sa tape. Kaya yung CCTV nung panahong iyon pinapatungan ng ni-record nila this week, hindi na po maaari yun.

Hindi makita yung footage na pumasok. Yun bang panukala nyo, naihain na po ba yung bill?

Chiz: Naihain na po. Pero yung mga nabanggit ko na uniporme at lamesa desisyon na ho ni Commissioner Biazon yun, automatic yun pwedeng magawa yun. First come first out sa rule, by mere policy rin po, issuance and memorandum ni Commissioner Biazon pwede rin po yun. Tanungin nyo kahit sinong broker or importer, paano daw kumikita yung mga taga Customs? Uupuan lang yung papel mo, wala kang kasalanan, wala kang mali, wala kang pagkukulang, uupuan lang. Sa laki ng demoraheng (demurrage) binayaran mo, makikipag-usap at makikipag-areglo ka talaga eh. Kaya dapat first in first out. Aksyunan nila, tatanggapin ba nila o hindi, papatawan ba nila ng duty at magkano, hindi yung uupuan lang nila at hihintayin nila na may lumapit at makipag-areglo sa kanila.

Itong nababalitaan ko ho sa Customs ay palaging sira yung computer nila. Lalo na sa mga formal entry, tuwing Biyernes, sira yung computer. Parang meron nangyayarin dun.

Chiz: Gaya nga ng sabi ko, first in first out. Sira yung computer dun sa mga hindi naglalagay pero umaandar yung computer dun sa mga naglalagay. Sira yung computer dun sa walang pampadulas, gawa yung computer dun sa naglagay ng pampadulas. First in first out mareresolbahan agad natin ang issue at problemang yan. Hayaan mong itaya nya yung pwesto nya dun sa assessment nya o dun sa ginawa nyang legitimate shipment. Hindi naman siguro. Pag-aralan din nating ibalik na ang SGS dahil ang pangunahing pinagmumulan ng corruption sa Customs ay discretion pa rin, yung pag-assess nila. Alam nyo ang nangyayari ngayon sa Customs, magpasok ako ng isang baso, kahit gusto kong magbayad ng tamang buwis ayaw nilang payagan sa loob. Kasi yung unang basong pinapasok nila ang baba ng bayad, pag nakita na nagbayad ka talaga ng tama, makikita na mali pala yung binayad ng una. So kahit matino ka at gusto mong sundin yung tamang pagbayad ng duties, sila mismo ang hindi papayag na gawin mo yan dahil iyan ang unang pinakamaliwanag na ebidensya na yung mga naunang pinayagan nilang pumasok eh dispalinghado.

Ako po ay pabor dyan. Talaga hong maraming kokontra dyan dahil dun lang po sa pork, alam naman natin kung magkano ang halaga pagka nagbabayad ng buwis kaya pagdating dito hindi na nagbabayad ng buwis kaya nga ho tama po yun. I think we should really ask for the return of the SGS maliban po dun sa ibang tatawagan.

Chiz: Ang reklamo kasi dun mahal daw. Pero kung tama ang mga sinabi ni Pangulong Aquino at nakabase yun sa world bank report yung mga nagdaan taon 200 billion ang nawawala sa atin. Hindi naman siguro aabot na kahit na 10% ng 200 billion yung bayad sa SGS. Malaki pa rin ang pakinabang at mas malaki ang papasok sa atin kesa gastos kung papabalikin natin sila.

Tungkol nga po dito sa Senado, marami nga raw pong imbestigasyon yan. Kayo po ba'y sasali dun sa sex for flight investigation?

Chiz: Miyembro po ako ng blue ribbon committee, at bilang miyembro obligado naman po akong umattend nun tuwing hearing kung hindi lamang makakasagabal yan sa budget hearings at budget deliberations parati ho kaming makikilahok para nga ibigay yung ika nga two cents worth sa mga imbestigasyon at pagdinig na yan.

Itong raalignment sa Senado po, you are in the majority as an independent. Sa tingin nyo ba ho itong division of the majority and minority eh this is what you call, stable pa rin po ba o marami nang mga underground things po dun?

Chiz: Sa ngayon wala, bago pa lang naman kasi pero asahan natin papalapit ang 2016, magkakaroon palagi ng realignment at readjustment sa mayoriya at minoriya ng Senado, ganun din sa Kongreso. Nakita naman ho natin na nangyayari sa mga nakaraang panahon papalapit or approaching presidential elections.

Si new Senate president Drilon did he promise that he will be fair and just with all the PDAF of the senators?

Chiz: Bagong dati naman po siya, dati na ring siyang nanilbihan bilang senate president, hindi pa ho namin pinag-uusapan ang PDAF sa mga majority caucus namin pero para sa akin ipapanukala ko palagi, hindi lamang sa majority caucus, sa bawat senator, hindi pupwedeng dating gawi sa PDAF sa laki ng sakop na nangyayari sa PDAF. Kung hindi man yan tanggalin hindi pwedeng business as usual ikanga, at isa yan sa mga pagbabagong nais naming ipanukala, maliban sa dapat na nakalagay na sa budget, yung menu na ng PDAF na ginawa na ng DBM ngayon. Kung ang mga line agencies nga natin na daang bilyon ang budget, ni-line-item nila yung mga specific na project, siguro naman yung P70 million ng congressman, na P200 million ng senator eh kaya rin nilang i-line-item para malagay na rin yan sa budget para what you see is what you get at hindi na pupwedeng yung mga patagong pinaglalagyan ng PDAF, para masingil kami ikanga at maging transparent at accountable yung paggamit ng PDAF.

Yung mga insertion sa PDAF ng mga congressman at some congressmen...

Chiz: Pero line-item na po ngayon kung makikita nyo yung budget doble ang kinapal ng budget ngayon dahil nilista yung paglalagyan ng pondo para saan at saang lugar at magkano iyung amount. May kakaunting lump sum na lamang ang naiiwan doon pero yon ay para magkaroon ng flexibility ang pamahalaan at may guidelines yung pag-realign non, pero ito na siguro yung pinaka-transparent, pinakadetalyado sa line-item budget na matagal ko nang pinapangarap para sa pamahalaan.

Ngayon line-item na yung budget wala ba kayong nakikitang problema sa budget deliberation tungkol sa PDAF?

Chiz: Wala kasi usually nagkakagulo sa hearing dahil may malaking lump sum na gustong paghati-hatian ng mga congressman at mga senador eh. Ngayon pag line-item na yan, bago ka makakuha para sa sarili mong gawin na wala sa budget, may kailangan ka munang bawasan, eh di siyempre yung babawasan mo makikita mo nakita nya na may alokasyon sya, so mas mahirap gumalaw at maggalaw ng pondo sa budget ngayon na line-item na halos 80% to 90% na line-item na yung budget natin.

Maganda po yon kasi dyan ho nagkakaroon ng horse-trading sa budget hearing

Chiz: Ang naiiwan na lamang po siguro na lump sum maliban sa iilan ay yung calamity fund, quick respond fund, na dapat naman talaga na lump sum dahil hindi pa ho natin alam kung ano yung masisira sa 2014 base sa mga pagdadaanan nating mga bagyo at kalamidad.

Anong department yung may malaking budget?

Chiz: Well definitely education pa rin ang pangunahin na may pinakamaliking share pero big leap sa budget ay ang DPWH, ang pondo ina-allocate ng pamahalaan sa DPWH ay P200 billion. All in all ang total infrastructure budget ng pamahalaan, lahat ng ahensiya kabilang na, ay P399 billion. Ito na ang pinakamalaking alokasyon kulang-kulang 2% ng GDP natin para sa infrastructure ng ating bansa para makatulong sa pagsustain ng paglago ng ating ekonomiya.

Sa tingin nyo ba sapat na rin yung budget natin para sa Defense amidst all our problem with our equipment?

Chiz: Palagi ho kulang yan pero kung papapiliin nyo ako social services o defense, sa social services ho palagi ako, kaya kahit ubusin mo pa yung P2.268 trillion na budget defense kulang pa ron yon kung ang hinahabol natin ay China, makakakuha pa lang po tayo ng dalawang eroplano ang sa China dating 2,000 na, kahit na gaano kagaling ang mga piloto natin walang laban rin sa 2,000 eroplano. Ang ating mga barko dalawa lamang, ang sa China kulang-kulang 3,000 yata ang pangdigmaan nilang barko. Sabi ko nga sa ilang kaibigan kong Navy sana huwag tayong asintado, patamaan lang natin sa tubig at kung tamaan sila at umaray baka bumalik yan sanlibong barko ang pumasok dito.

Mas prefer nyo yung social services, ano yung opinyon nyo at tuloy-tuloy pa rin ang CCT, have you noticed any positive effect?

Chiz: Malaking component ng CCT ay utang, yan po ang purpose kung bakit inutang yan babayaran na rin lang naman natin eh di patakbuhin natin nang maayos yung programa ng CCT. Sinimulan ay may pinangako kang gagawin, mai-extend pa nga siguro yung CCT ng dalawang taon dahil sa K+12 hanggang sa matapos ng high school. Pero tinitiyak namin na kada taon bumubuti ang programa ng CCT, isa ako sa mga hindi sang-ayon dyan noon pero sinisikap namin na habang nandyan ay maging maayos at maramdamang talaga ng tao ang epekto nyan. Doon sa mga nagsasabi, tulad ko noon, na walang magandang naidudulot, hanggang ngayon at tulad noon naghahanap ako ng pormal na study na nagsasabi na wala pong epekto yan or it's not even make a dent in poverty reduction ng ating bansa. Pero may isang bagay na magandang naidulot ng CCT ito ay sa naipormal natin yung NHTS natin, yung National Household Targeting System, kung saan kung hindi ako nagkakamali 60% ng budget nakabase na sa NHTS para ikanga those who have less in life would have more sa budget na ito.

Maraming critics yung CCT, puro barangay lamang daw ang namimili ng mga beneficiary despite the arguments ng DSWD na they're the ones going around hindi pa rin yata perpekto sa ibang lugar, may oversight committee ba para dito?

Chiz: Meron pong oversight committee para dyan, pangalawa to be fair to the DSWD mahigit 200,000 family beneficiaries na ang tinanggal sa listahan ang nami-maintain pa rin nila yung 3.9 million family beneficiaries, and hopefully by 2014 matatarget na talaga nila yung tinatawag nilang poorest of the poor na 4.4 million families tulad nang inanusiyo ni Pangulong Aquino sa kanya SONA.

Itong clearing ng mga waterways ay marami ang naaapektuhan, sinusuporthan nyo ba ito?

Chiz: Two birds with one stone po yan, una tinitiyak nating ligtas yung mga kababayan natin na naninirahan sa mga estero na unang-unang tatamaan o mamamatay kapagka may baha o kalamidad na tumama sa atin. Pangalawa, pinapaluwang din natin ang daluyan ng tubig para mabawasan ang baha kapag ka may bagyo o pagka umuulan. Iisa lang po ang posisyon ko, dapat sana yung pagpapaalis dapat maging humane, dapat yung pagpapaalis dapat hindi sila tratuhinh na parang mga hayop, dapat tratuhin sila bilang mga Filipino at bilang mga tao, at bigyang ng karampatan at tamang pagtrato habang sila ay pinapalikas at hindi yung parang palaboy na asong pinagtatabuyan lamang.

Malapit na yung 2016 elections at ang mga voters ng presidential elections inuusisa nila yung marital background, si Presidents Marcos at Ramos isa lang po ang asawa, kay President Erap public knowledge na po yan.

Chiz: I am not up for reelections sa 2016, kakapanalo ko lang po, matatapos ang term ko ng 2019. Kaugnay ng 2016 sa totoo lang ho hindi ko iniisip yon, malayo sa isip ko yon at mas maganda yung malayo sa isip dahil sila yung pinagpapala ng Diyos kaysa don sa mga nag-iisip nang ganito kaaga pa lang.

Pero ano po yung ipipresenta nyo sa 2019?

Chiz: Graduate na ho ako, hindi na ho ako pwedeng tumakbo. Para sa akin, natanong ako nyan nong kampanya, mas malala pa nga yung pagkakatanong. Ang tanong sa akin nong kampanya: Senator Escudero hiwalay ka sa asawa mo, hindi mo nga naayos ang pamilya mo paano mo aayusin ang bansa. Tama nga naman. Ang sagot ko po ay simple. Sino ang iboboto nyo, yung sitwasyon ng katulad o yung buo nga ang pamilya at may asawa pero may kabit naman? O yung buo yung pamilya pero magnanakaw naman. Mas pipiliin ko ho siguro yung hindi magnanakaw at isinasaayos yung buhay ngayon bagaman may pagkakamaling nagawa noon.

Is the presidency close to your heart?

Chiz: No yung heart is close to my heart....

How about the mother?

Chiz: Naniniwala ako na lahat ng bagay palaging mahihilom at magagamot ng panahon, hindi yan isang bagay na minamadali, pinangungunahan, baka maunsiyami pa.

On FOI

Chiz: Pabor ako sa FOI, minus the right of reply na pinapanukala ng ilang kasamahan ko kabilang ang FOI bill at napatunayan na po namin yan sa senado. Last year pinasa ng senado unanimously ang FOI bill, hindi po yan nakapasa sa Kamara kaya hindi naging batas. Mas maganda ho sigurong matanong yung aming mga counterpart sa House of Representatives ng stand nila dito pero sa senado kumpiyansa ako na muling mapapasa yan sa senado, sa kongresong ito.

Pangalawa na binabanggit nyo na nasa sistema natin yung corruption hindi po ako naniniwala doon, gaya nga nang nasabi ko kanina discretion always equals corruption, if you minimize discretion you minimize corruption, you will eliminate corruption. Wala naman sigurong ipinanganak na magnanakaw, wala naman sigurong ginawang tao ang Diyos na magnanakaw sa simula pa lang.

Why some legislators are pushing for the right of reply, what's wrong with it?

Chiz: Aminin sa panig din naman ng ilang media, huwag nating lahatin, ang ilan eh minsan naman talaga kung magbugbog sobra na hindi binibigyan ng pagkakataong sumagot ang kabilang panig, naging biktima na rin ako ng makailang ulit nyan. Pero bilang abogado mas malaki po ang posibleng mawala sa atin kapagka ginawa natin yan dahil maapektuhan na ang kalayaan sa pamamahayag. Mas mabigat po ang kapalit non kaysa na kami na lamang ang magbayad at maapi, tutal naman ginusto namin ito eh, pumasok kami sa politika, kung ayaw mong mabugbog eh di manatili ka na lang sa private sector at huwag kang pumasok sa pulitika. Part of the hazard of the trade ikanga yon.

Pwede bang maipasama ang RH sa CCT program?

Chiz: Wala pong relasyon akong alam sa CCT sa RH law, wala pong kaugnayan yon. Ang closest na kaugnayan ay kapagka nagdadalang-tao ka kailangang mong magpa-check-up. At kapagka nagpa-check-up ka beneficiary ka ng CCT, pero by the time nagpa-check-up ka at nagdadalang-tao, eh buntis na ho yon. Wala pa pong panukala na gamitin ang CCT para sa RH law, siguro mas mahabang debate na naman yan kung gagawin po yan.

Well we cannot do anything (on RH law implementation), the Supreme issued a TRO. But on the part of Congress we passed it and hopefully the Supreme Court will affirm and not declare it, in part or in whole, unconstitutional, nasa kamay na ho ng korte yan.

On the dumping of Turkish flour in the Philippine

Chiz: Dagdagan ko lang ho siguro, maliban sa dapat nating gawin kung ano ang tama at nararapat, alalahanin natin kaya may anti-dumping duty na pinapataw sa mga produktong tulad nyan para mapangalagaan natin yung lokal na mga industriya natin. Ang maaapektuhan po dito ay ang mga kababayan nating nakasalalay ang hanapbuhay dyan sa industriyang yan, na baka mawala at masira kapagka magpatuloy ito. At kapagka wala na yung mga lokal nating industriya at umaasa na lamang tayo sa mga imported na harina mula sa ibang bansa baka gumising na lamang tayo bigla nilang taasan yan ni wala tayong kinalaman at pakialam, tayo rin ang magdurusa sa dulo.

Di ba ang gobyerno ay nagsa-subsidize na rin Vietnam rice, bumibili ng marami para ibenta ng mura, bakit dito sa harina pagsinasabsidize mali?

Chiz: Sagutin ko yon, NFA yan, iba yon. Ayon sa WTO hindi mo pwedeng isubsidize yung domestically produced na produkto mo para mas murang maibenta sa ibang bansa dahil unfair competition yon. Pero kung bilhin mo ng mahal at ibenta mo ng mura dito hindi unfair trade practice yon. May ibang tawag don, pero hindi unfair trade practice. Nagpapalamang ka, maling patakarang pagtulong sa tao pero hindi considered unfair trade practice yon.

Kayo ang chair ng committee on finance, anong magagawa nyo para masolve ang problema sa Customs?

Chiz: Ang may hawak po ng Bureau of Customs ay hindi po finance, bagaman finance ang tawag sa committee sa senado, committee on ways and means po ng senado ang may hawak ng Bureau of Customs at BIR na pinamumunuan ngayon ni Senator Angara. Pangalawa ang pagkakaalam ko po nasa General Appropriations Act yan na maximum ceiling reward na pwedeng ibigay ay isang milyon sa sinumang nagti-tip, titingnan po namin kung yan ay nakabase nga sa batas o kung yan ay policy decision lamang ng DBM o ng budget, pero pinasa po yan ng bahagi ng budget, eh batas na rin po yon para sa taong yon.

News Latest News Feed