Press Release
August 8, 2013

Transcript of Sen. Cynthia Villar line of questioning
during the senate inquiry on sex-for-flight

CAV--is that a practice in the labor dept that you let those under you settle case--- money for a settlement? Kung ako ang nagmamanage ng isang office, pag may complaint, i will not encourage them to make settle with the complainant. I will get to the bottom of it kasi hindi magandang tingnan that u just close your eyes and let those under you settle the case so that they will not be removed from office or it (the case) will not come out of you office. Parang nagkakaroon ng impression na you're whitewashing everything. Is that a practice in the labor department?

Baldoz--depende po sa kaso mam kasi ang normal na mga kasong dumarating sa amin is related to employer-employee relationship or employment related issues, di nababayaran ng sueldo ng kanilang private employer. Sa kanila, internal po sa POLO yong pagha-hire sa kanya. D naman po policy un sa Dept of Labor na hina hire ung mga wards at pinagtratrabaho ron sa POLO. Yon hong sa una, nagkakaroon po talaga ng opportunity. Binibigyan po talaga ng opportunity iyong mga employers, saka po yong mga complainant through the facility of our POLO to exhaust all possible means po na magkaroon ng settlement in terms kung ano dapat bayaran. Bale po ang pagkakaintindi ko, undocumented work so wala po talagang kontrata. So depende po mam sa kaso na inilalapit sa amin.

Cav--ang kaso ni josie is she's complaining about attempted rape. So hindi naman ito settlement- cash settlement... about settlement. This is attempted rape, tapos pababayaan nyo ang office niyo na i-settle siya ng pera. E ina-attempt siyang -rape ng isa niyo ring empleyado, is that a good policy?

BaldoZ- wala pong ganon policy sa dept. of labor. Kapag po ganyan na mga kaso, whether administrative o kaya may aspeto ng criminal, kaagad po nagkakaroon na po ng investigation.

Cav--ang ginawa ni labor attach-- musa, pinabayaan niya ung mga nasa baba niya na i-settle ito ng pera when the accusations is attempted rape.

Baldoz--don po sa report na binabanggit niyo, wala po akong nare-remember na ...

Cav- nag-affidavit siya, dumating na rito sa Pilipinas. Ok lang kung ang complain ay di binayaran ng sueldo, babayaran ninyo ng suweldo pero kung ang complaint is attempted rape at ito ay ginawa sa inyong opisina at ang involved mga empleyado nyo, talagang masa-shock ang mga tao kung ganyan ang gagawin niyo na babayaran nyo iyong tao para huwag na lang siyang magcomplain. Iba naman yong attempted rape sa non-settlement of salaries. Kaya, dapat siguro, noong makita nyo na ito, immediate ang inyong ----- sa labor attach-- na hindi niya dapat ginawa ito, natatakot lang siya. Sabi niya natatakot siya na makialam siya. bakit siya matatakot na makialam e attempted rape ito. I mean, you cannot wash your hands on this kind of accusation. ...

Baldoz- mam, ito pong kaso ni josie at young pangyayari po between doon sa driver ni Musa at kung anumang participation ni musa, kasama po doon sa ongoing investigation ngayon.

Cav- ako lang po sec. Baldoz, kasi babae rin kayo, babae kayo, nasa-shock lang ako na pababayaan natin iyong mga kapwa kababaihan natin na may complaint na mga ganito. Nangyayari sa office natin e sino pa ba magproprotekta sa mga kababaihan kundi tayo ring mga kababaihan. Siguro naman, sana you will act swiftly on these things and it should never be a policy of the govt agency na iyong mga ganitong accusation, dahan-dahan nating sino-solve. Ang ini-expect po ng mga tao na kapag may ganitong grabeng accusation, magpapakita tayo na we condemn and then we act immediately. Ang feeling po nila, pinatatagal ninyo yong kaso para malimutan na ng mga tao at ng media upang maayos ninyo na. after a while, I don't know if it's true or not, but that's the feeling of maraming tao na katulad namin. dinadahan-dahan ninyo yong investigation para in the process , the media will forget so that aayusin niyo na lang afterwards. Just like when she complained, pinaayos na lang na bigyan siya ng pera para huwag na siyang magcomplain, which is not really a very good practice considering that the complaint is attempted rape.

Cav- umaasa po kami na may mangyayari sa kaso, in fairness to Josie. siya ay lumabas dito at nagpakahirap para mag complain. Ipakita natin sa ating mga kababayan talagang inaaalagaan natin ang OFWs especially iyon ating mga kababaihan.

News Latest News Feed