Press Release
August 24, 2013

Patuloy na babala sa Text Scam

MULING nagbabala ang Villar Foundation sa publiko na huwag basta maniwala sa text messages na nagsasabing nanalo sila ng partikular na halaga na pera o anumang importanteng gamit o bagay mula sa raffle draw, promo or pa contest na itinataguyod ng foundation.

Ayon kay Senator Cynthia Villar na ang mga ito ay 'text scam' o lantarang panloloko sa publiko sa pamamagitan ng text na naglalayong din sirain ang reputasyon at pangalan ng Villar Foundation.

Bagamat ang Villar Foundation ay patuloy na tumutulong sa mga kapuspalad nating kababayan, nilinaw ni "Misis Hanep Buhay" na ang mga ito ay sa pamamagitan ng training programs o mga machines at equipment para sa itinatayo nilang livelihood projects na magkakaloob ng hanapbuhay.

Sinabi ni Senator Cynthia Villar na meron din silang medical assistance at tulong para sa ating OFWs pero wala pong perang sangkot dito.

Kung sakaling makatatanggap kayo ng mga ganitong text messages, nanawagan si Senator Cynthia Villar na ipagbigay alam ito sa mga awtoridad o kanilang opisina na ang contact details ay makikita sa website http://www.villarfoundation.org/.

News Latest News Feed