Press Release
August 28, 2013

Transcript of interview in the Senate

Yung ilang mga senators na involved sa pork barrel scam mag-iinhibit daw

Desisyon nila yon, gagalangin ko kung anuman ang kanilang desisyon kaugnay sa bagay na yan, it's their call, really.

Mas maganda bang mag-inhibit o humarap sila sa blue ribbon committee?

Ayaw kong sabayan sa pagbitiw nang paghamon, para sa akin ang tingin ko nyan, desisyon yan ng kada indibidwal na senador, pananagutan nila yan din, hindi para sa amin na pilitin o sabihan ang sinumang miyembro ng senado na gawin o huwag gawin ang particular na bagay.

Ano ang kahihitnan ng hearing kung hindi haharap yung mga sinasabing involved?

Ang pakay at layunin naman ng pagdinig base sa inihain kong resolusyon, alamin ang katotohanan at bigyan ng pagkakataon ang publiko na malaman ang katotohanan, hindi yung nakatago sa likod ng nakasiradong pintuan ng NBI at mabigyan din ng pagkakaton sana ang mga miyembro ng senado na napangalanan na komprontahin yung mga testigong nagbibigay ng mga pahayag laban sa kanila.

So yung mga whistleblower ipapatawag din?

Hihilingin ko na ipatawag sa tamang panahon, pagkatapos siguro ng isa o dalawang pagdinig.

Kung hindi aatend yung mga senador na implicated, it's their loss..

Desisyon nila yon gaya nga nang nasabi ko, pero para sa akin pagkakataon ang dapat na ibigay sa kanila din, sa pamamagitan din ng hearing na ito desisyon po nila kung nais nilang gamitin yon o hindi.

When is the right time para ipatawag yung mga whistleblower?

After the first or second hearing, in fact hiniling mga namin kay Senator Guingona na ipagbigay-alam sa amin yung mga testigo na ipapatawag dahil resolusyon naman namin yan so sana makapagbigay kami ng listahan ngmga ipapatawag kung hindi man, sa first hearing doon namin hihilingin na ipatawag ang partikular na mga tao, kabilang na yung mga head ng mga implementing agencies tulad ng NABCOR, ng TRC na ginamit at PhilForest na ginamit ng ilang mambabatas sa pagrelease ng kanilang PDAF.

So bukas si CoA chairman lamang ang haharap?

Yon lang daw, sabi ni Senator Guingona, ang pagkakataon ko lamang na makahiling ng dagdag na bisita ay sa hearing dahil hindi pinagbigay-alam sa amin yon.

So sa tingin nyo may kahihitnan itong investigation?

Definitely kasi ang pagkakaiba nga ng NBI investigation, ng Obudsman investigation sarado ang pinto, walang nakakapakinig o nakakapanood, ito at least pwedeng makapaghusga ang publiko base sa sasabihin at hindi sasabihin, gagawin o hindi gagawin, kung sino ang kapani-paniwala at sino ang hindi. May P10 million reward na for Janet Napoles galing kay Presidente

Sana harapin at sana mapakita ng pamahalaan na kaya nilang ipatupad ang mga batas na umiiral sa bansa sa pamamagitan ng paghuli kay Napoles at sa iba pang mga wanted siguro na hanggang ngayon hindi pa nahuhuli.

Ano yung tingin nyo na gawing state witness si Napoles?

DOJ lamang kung saka-sakali, korte ang makakapagpasiya nyan, hindi po kami.

But is she qualified dahil least guilty dapat ang isang state witness?

May mga desisyon ang Korte Suprema na hindi naman absolute rule yon. Pangalawa malay ba natin kung sino yung least guilty, hindi pa natin alam kung siya nga yung most guilty o may iba pa.

Sa budget hearing ng DepEd, hindi pa nila naa-itemize yung 48,000 classrooms pero naipasa yung budget, may commitment bang naibigay?

Nasabi ko naman, subject yon sa submission nila, yung itemized na classroom na iko-construct nila, ng teacher na iha-hire nila, yung classrooms na iri-repair nila, yung computers na bibilhin nila at yung mga science at mathematics labs na kanilang iko-construct subject lahat yon sa submission na yon.

By October 15?

Yes.

Pag naging state witness si Napoles maraming manginginig ang tuhod?

Hindi ko alam. Wala akong personal knowledge.

So conditional yung approval ng budget ng DepEd?

Yes.

On tomorrow's hearing on pork barrel scam, are we expecting your colleagues na involved na pumunta?

Desisyon nila yan, gagalangin ko kung ano ang desisyon nila pero kada indibidwal na senador dapat magpasya kaugnay sa bagay na yan, nabanggit man ang pangalan o hindi.

Anong masasabi nyo na may ibang senador na gustong mag-grill daw ng mga kapwa senador?

Gaya nga nang nasabi ko, anumang desisyon ng kada senador, gagalangin ko kaugnay sa pagdalo sa hearing dahil hindi para sa akin na pagsabihan sila kung ano ang dapat at hindi nila dapat gawin, pare-pareho lamang kaming hinalal ng bayan, may kanya-kanya kaming obligasyon at responsibilidad sa bayan.

Pero okay lang ba sir na kapwa nyo senador igi-grill nyo?

Again desisyon nila kung bubuksan nila ang sarili nila doon, hindi naman namin pwedeng tanggihan yon o iwasan yon pero kung ayaw nila hindi rin naming mamaliitin o pipintasan ang pasya at desisyong yon.

Di ba ang rules ng senate kung ayaw nilang dumating pwede silang ma-compel

No, hindi maaari kung ayaw nilang mag-attend o sumagot hindi naman pwedeng naming pilitin, ipatawag sa sergeant-at-arms, hindi pwu-pwedeng gawin yon. Again gaya nga nang nasabi ko, personal na desisyon nila yan, call nila yan kung anuman ang desisyon nila, gagalangin ko yon.

Yung pag-inhibit voluntary din naman yon eh, pwede kang voluntarily mag-inhibit, pwede ka rin naman mag-uninhibit at any point in time.

Sabi magiging moro-moro lang daw ang hearing

Panoorin na muna natin ang magiging pagdinig, pakinggan na muna natin bago tayo magbitiw ng akusasyon. Sa panig namin makikilahok lang din kami sa hearing na pinatawag ni Senator Guingona, nalaman lamang namin yon kahapon din na yung resolusyon pala namin ang naging basehan nya ng pagdinig kaya bukas pa lang din kami magsasalita kaugnay ng mga testigo na nais naming ipatawag dahil hindi ito nilinaw sa amin.

Sir mangyayari yung ayaw nyong mangyari before na kayo-kayo iimbestigahan ang isa't-isa, once they face the hearing kung sino man sa kanilang anim

Pagsinabi mong iimbestigahan mo ang isa't-isa ibig sabihin non iniimbestigahan mo para sabihing may kasalanan ka at wala kang kasalanan, walang jurisdiction ang blue ribbon committee para husgahan ang kawalan o pagkakaroon ng kasalanan ng isang miymebro ng senado. Hindi niya trabaho yon, kung may komite man na trabaho yon, ethics ang may trabaho non. So paano magiging moro-moro kung wala namang paghuhusga kaugnay sa kasalanan o pagiging inosente ng isang miyembro.

Would that be awkward to ask your fellow senators?

If it is clarificatory question we do that every budget season, tinatanong naman ako ah, tinatanong naman yung mga vice chairman ng kapwa naming senator ng mga bagay-bagay kaugnay sa pinagtatanggol naming posisyon, halimbawa tungkol sa budget ng ahensiya.

May ilang miyembro ng senate minority na parang nag-aalinlangan sila baka kasi magiging partial ang blue ribbon committee sa hearing bukas

Again anumang alinlangan sana ipagpaliban muna, tingan, pakinggan, panoorin muna natin ang conduct ng pagdinig, bigyan natin ng chance at pagkakataon si Senator Guingona na maging parehas at patas sa kanyang magiging pag-preside bukas sa blue ribbon committee dahil nga medyo matataas ang emosyon na involved dito.

Hindi ba magiging redundant ang pagdinig kasi may investigating panel na yung DOJ

Uulitin ko ang pagkakaiba ng DOJ/Ombudsman investigation, ng NBI/DOJ investigation labas ito sa mata ng publiko, pagkakataon ito para ipakita at pakinggan ng publiko mismo at magsalita sa pamamagitan ng sinumpaang salaysay ang mga testigo na nagsasalita at lumalabas lamang sapahayagan ngayon. Di ba mababasa na lang natin sa diyaryo inakusahan ang isang mambabatas ng ganito, ganiyan base sa kuwento sa diyaryo ni hindi pa namin nakikita, ni hindi naming alam kung may affidavit nga ba o wala. So dalawa ang pagkakaiba, pinanumpaan at isinasapubliko at may pagkakatao ang publiko na mapakinggan at makita at mapanood yung mga sasabihin o mga ipapaliwanag ng magkabilang panig.

Are you satisfied na so far yung CoA lamang yung nasa guest list, dapat ba yung mga whistleblower...

No, I'm not, but then again we were not informed prior to that announcement kaya ang pagkakataon lamang namin na hilingin yung dagdag na mga witnesses ay bukas sa hearing, kahapon lamang kasi nagpalabas ng notice, hindi naman aabot para mapatawag pa sila bukas. So bukas namin hihilingin yung mga dagdag na testigo ay maimbitahan.

Sino sir yung gusto nyong idagdag na testigo?

Maliban sa whistleblower yung mga implementing agencies, particular yung mga GOCC na nagpatupad ng mga proyektong ito, kabilang na ang NABCOR, kasalukyan at dating opisyal; TRC, PhilForest at may nais din kaming imbitahan na ilan sa mga suppliers na common at nag-aappear, Napoles-NGO man o hindi parang sa kanila palagi binibili yung mg pamphlet at fliers at pare-pareho din ang findings ng CoA kaugnay sa ghost delivery, short delivery o pekeng mga resibo.

Pag totally abolished na yung PDAF paano yung magiging adjustment nyo as a senator na wala ng PDAF?

Nong panahon ni GMA wala akong PDAF, walang adjustment na kailangang gawin, mas magaan pa nga ang buhay dahil palaging kulang ang P200 million sa lahat ng mga nagsosolicit at nanghihingi ng mga proyekto para sa kanila-kanilang lugar, kung wala ka eh di wala kang kailangang tanggihan.

Sa hearing lang kanina, kamusta ang budget ng Education, may mga naka-lump sum pa na items

Well pinapa-unbundle, breakup at disaggregate namin sa kanila yung lump sum allocations, halimbawa yung P37 billion para sa construction ng bagong classrooms, more or less 43,000. Saan-saan ba yon gagawin. Pangalawa saan-saan din yung 9,502 na classrooms na iri-repair nila, saan-saan ba yung mga silyang idi-distribute nila, at least down to the division level. Ilan kada division at saan-saang lugar. Saan-saan ba nila gagastusin yung mga equipment para sa computer, sa science lab, mathematics equipment, i-disaggregate din dapat yon. Yung 33,000 teachers na iha-hire nila saan-saan din ba ia-assign yan. Yung GASPE o yung assistance para sa mga high school students sa private schools, ilang mga eskuwelahan ba yan, ano-anong eskuwelahan, ilan ang allocation kada eskuwelahan at saan-saang lugar, pinapa-disaggregate at unbundle namin sa kanila lahat yan. Again yung approval ay subject doon. Tulad din naman sa DPWH kahapon. Out of the P200-billion budget ng DPWH main, halos nakaline-item na yon, ang hindi na lamang nakaline-item sa MBUC, sa road users' tax, P12 billion lamang yon, pinapasubmit na rin namin sa kanila so out of the P212 total agency budget of DPWH, P12 billion na lamang yung kailangang iline-item. Sa parte ng DepEd, it will total I think mga P55 billion, more or less, ang kailangang i-line-item pa ng DepdEd sa kabuuang budget nila na mahigit P330 billion.

Sir binigyan nyo ba sila ng deadline kung hanggang kailan nila aayusin?

Before our plenary debate come October.

Tungkol sa abolition ng PDAF, isa na lang ang may authority, executive na lang

Pagnilipat sa Executive yung PDAF, yung proposal na yon, ano ang isyu Presidente na lang ang may control? Naka-line-item naman yon, i-specify naman yon eh, at least yung pananagutan maliwanag din, pangit kasi yung nakikita nating sitwasyong nagtututuruan yung mambabatas at yung implementing agency. Kesyo yung mambabatas daw ang kailangan magbantay, implementing agency daw ang dapat magbantay, at least kung ganito maliwanag ang pananagutan nasa executive branch kung sila ang may hawak at control ng pondo.

But the authority to allocate nasa inyo?

Yes. And that's we're doing via a line-item budgeting as best as we can for the budget of 2014.

Yung resolusyon nyo ibig sabihin kayo lang ang mag-aabolish, kahit hindi na i-abolish ng House okay lang?

Sense of the Senate sya, meaning applicable lang sa amin. Dalawang bagay lamang ang puwedeng mangyari dyan, una kung pumasa yan i-abolish yan, pangalawa kung yun ang bigay na instruction sa akin sa bicameral conference kami pagnagmeeting kami ng House at ng Senate na ipaglabang i-abolish ang pork barrel sa budget, desisyon ng mayoriya ng senado yon kung hanggan doon ay ipapaabutin nila.

No need for concurrence?

On our part? (Yes). No need, kaya nga yon ang na-i-file ko, hindi concurrent resolution dahil mangangailangan pa ng approval ng House ang isang concurrent resolution, ang sense of the Senate pwedeng pagbotohan ng 24 senators tatanggalain ba natin yan sa ating mga sarili. Pangalawa ipaglalaban ba natin tanggalin yan sa budget. Kung ang desisyon ay oo sa dalawang katanungan eh di una sigurado wala na kami. Pangalawa ipaglalaban pa namin sa bicam na mawala din sa lahat o sa buong Kongreso.

Sir kung yung P4.8 B inawas ninyo maaapektuhan yung mga agencies kasi di ba nakadistribute naman yon sa mga agencies...

Hindi nakadistribute, naka-lump sum yon na hindi naka-tuck-in yon sa budget ng kada ahensiya, yon ay nasa hiwalay na lump sum fund at hindi naka-tuck-in sa budget ng mga ahensiya.

Yung resolusyon hindi na kailangang ng pirma ng President?

Hindi, sense of the senate lamang siya. Yung sense of the senate resolution is only a vehicle, receptacle lang yon para mapag-usapan at mapagbotohan ito.

If it will not be adopted individual, decision ng kada senador.

When we will expect that?

Hopefully before, definitely before we approve the 2014 budget in the plenary. Bago magbotohan kailangan ma-settle yan, one way or the other, hindi pwedeng lumampas yan don.

News Latest News Feed