Press Release
August 29, 2013

OPENING STATEMENT OF SEN TG GUINGONA III
ON PDAF SCAM HEARING

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Today, we set out once again to perform a difficult task.

These past few weeks, we heard the worried and angry voices of many of our countrymen. It is clear they want several important questions answered. The questions were triggered by controversies hounding several personalities - both from the private and government sectors. The issues involved one of the most sacred concepts in public governance - taxpayers' money, disbursed under the label "Priority Development Assistance Fund" or PDAF.

Kaugnay ng mga pangyayari, nadinig natin ang maraming tanong ng mga kababayan natin.

Una, ano ba talaga ang nangyari? What really happened here?

Pangalawa, bakit nangyari at sino ang dapat managot? Why did it happen and who should be held accountable?

Pangatlo, ano ang dapat gawin para hindi na ulit mangyari? What must be done so that what happened will not happen again in the future?

Mahalaga ang punto ng taumbayan. The questions raise valid and important concerns. At the core of the issues are the taxes they have paid government with the understanding that the money shall be used to advance the Nation's welfare and development.

Tanong nila kung ang pera bang ito ay nagamit nang ayon sa takda ng batas. Ito raw ba ay nasa pangangalaga ng tamang kamay. Ito raw ba ay ginagamit para sa kanilang kapakanan.

Tanong nila kung totoo raw bang may mga taong nakinabang dito sa maling paraan? Totoo raw bang naligaw ang bahagi ng pera nila sa maling mga kamay? At totoo raw ba na sa halip na gamitin ang perang ito para lutasin ang problema sa baha, sa pagkain o edukasyon ay nagamit daw ito para sa maluhong lifestyle ng ilang pribadong indibiduwal?

Our people now turn to the Senate for some answers.

This is the difficult task now facing us today: to help find the answers - Para tulungan ang Pamahalaan at ang ating mga kababayan na masagot ang kanilang mga katanungan. Tatlo ang layunin ng ating Blue Ribbon Committee. Una, para hanapin ang Katotohanan. Pangalawa, para humanap ng mga dagdag pang paraan para ingatan ang pera ng bayan. Pangatlo, managot ang dapat managot.

We are aware that the Nation will be watching the work of the Committee. This is important and we welcome our people's vigilance.

Sa aking pananaw, dalawang paraan ang maaring gawin ng mga kababayan natin sa panonood ng mga magaganap dito sa pagsisiyasat ng Blue Ribbon Committee.

Una, maaari nating panoorin ang mga kaganapan dito bilang isa na namang teledrama - ang mga mambabatas at mga testigo ang artista; at ang taumbayan, bilang mga spectators lamang. Naiinis, nagagalit, naaaliw. Perong hanggan dun lang. Nanonood lang.

Pangalawa, maaari nating panoorin ang mga kaganapan bilang bahagi ng paghahanap ng solusyon. After all, the center of all of these efforts are the money of the people.

Ang uumpisahan nating gawain ngayon ay isa na namang pagsubok ng katatagan ng prinsipyong pinaninindigan natin. This is the principle which says � a public office is a public trust.

Ang katungkulan natin sa serbisyo publiko ay ipinagkatiwala lamang sa atin ng taumbayan.

This Blue Ribbon Committee will now proceed determine whether or not that time-honored principle has been upheld at all times by all parties concerned.

Umpisahan po natin.

News Latest News Feed