Press Release
August 29, 2013

TRANSCRIPT, BLUE RIBBON HEARING

Sen. Grace Poe's questions to COA chair Grace Pulido-Tan

Sen. Grace Poe (SGP): Isa pong bagay na administratibo lang Mr. Chair dahil po nagdagdag si Sen. Chiz ng mga iba pang nais natin sanang kausapin, importante po ang audit ng COA dahil lahat ng ito ay numero na maaring hindi magsinungaling lalo na po at mas accurate iyan at objective. Pero sana iyong mga sinasabi natin na benepisyaryo na hindi naman talaga nakatanggap ng benepisyo dahil nga naging ghost project ang ibang PDAF, sana po kumuha tayo ng isang ehemplo man lang nito para malaman natin ang implikasyon na ito sa mga tunay na buhay. Dahil isa pa po iyan sa puwede nating idagdag sa ating batas kung papaano mababawasan ang pandaraya pagdating sa mga end-users o kung sino talaga ang mabibigyan ng benepisyo. Ang tanong ko po sa inyo mam ay ito, sabi po ninyo nakumpirma po ninyo ang mga lagda ng mga mambabatas o kanilang mga representatives, ang tanong ko po kung ito bang pagkumpirma nila ay kinumpirma nila bago pa pumutok ang isyu ng Napoles?

COA chair Grace Pulido Tan (GPT): Opo.

SGP: Kung iyon po ay kanilang kinumpirma, papaano po nila ito kinumpirma, ito po ba ay sa pamamagitan ng sulat na nagsasabing ito ay aking kinu-kumpirma o may nakausap po ba kayong personal sa mga mambabatas na ito?

GPT: Sulat po.

SGP: Doon po sa isang mambabatas na kaniyang chief of staff lamang ang lumalagda, wala po ba ni isang dokumento na mismong ang senador ang pumirma?

GPT: Iyon pong sulat niya mismo. Halimbawa sasabihin niya na oo, kino-confirm ko iyong lagda ng aking authorized representative at kino-confirm ko din na siya nga ay aking in-authorized parang ganun ho ang tenor. I'm not quoting verbatim but from my recollection of the tenor of these letters ganun po.

SGP: So nandoon po ang dokumento nag papa-beripika na ang kanyang representante na pumirma?

GPT: Opo

SGP: Maraming salamat po. Maraming salamat po Mr. Chair.

News Latest News Feed