Press Release
September 2, 2013

Interview of Senate President Franklin M. Drilon
during the 117th Anniversary of the Battle of Pinaglabanan in San Juan City

On COA's statements during Thurday's Blue Ribbon hearing at the Senate

Hinahangaan ko po yung COA. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong hindi pinigilan ng COA ang kanilang pag-iimbistiga, hindi po kagaya ng nakalipas na administrasyon na kung may katiwalian ay tinatago. Dito po sa administrasyon ng Pangulong Noynoy, yung mga ganyang pangyayari ay talagang iniimbistiga at hinaharap sa taong bayan, wala pong tinatago. Yan po ang dapat nating gawin.

Pero ano po ang masasabi ninyo na yung apat na senador pinangalanan po kahapon?

Yan naman ay matagal na bago lumabas yung COA report, at sabi nga nila, handa naman silang ipaliwanag kaya bigyan natin ng pagkakataon, hintayin natin na sila po ay makapagpaliwanag. Let us not condemn before they are given an opportunity to explain themselves.

Will you urge them to attend the next hearing?

Nasa kanila po yan. Ang sinabi nila ay nag-inhibit sila at karapatan po nilang mag-inhibit. Rerespetuhin po natin.

Ano po ang maasabi ninyo doon sa hiling daw na pwedeng maging state witness itong si Napoles?

Sa aking tingin bilang isang abogado, may mga standard ang pagka-state witness. Unang-una, sila po ay dapat least guilty. Pangalawa, kailangan po ang kanilang pahayag for the successful prosecution of the case. Yan po ay nasa kamay ng Department of Justice dahil sila ang nakaka-alam ng ebidensiyang hawak nila.

Kapag po pumasok ang gobyerno sa isang deal with Napoles, katanggap-tanggap po ba yun?

Anong deal? Yun pong state witness, uulitin ko, ay depende po yan sa pagtingin ng Department of Justice at Ombudsman sa kaso. Uulitin ko, magiging state witness ka lamang kung unang-una, ikaw ay least guilty, pangalawa, kung ang inyong pahayag o sinumpang salaysay ay kailangan para ma-prove ang kaso. If you do not qualify with those standards, hindi ka pwedeng maging state witness.

On whether Napoles is being given special treatment

Hindi naman po totoo yan. Ang seguridad ng testigo, sino mang testigo, lalo na sa malaking kaso, ay dapat pangalagaan. Bago nahuli si Napoles ay talagang lahat ay nagsasabi, bakit hindi ninyo hinuhuli? Ngayong nahuli na, marami pa ring batikos. Unang-una binabatikos ang Pangulo dahilan po sa sinasabi ay bakit siya mismo ang tumanggap? Yan naman po ay kanyang judgement call dahilan sa mayroong mga bagay na hindi alam ng buong bansa. Hindi natin alam bilang ordinaryong mamamayan, at yun naman ay ang pagkaka-alam ko, ang sabi sa pahayagan, hiniling daw ni Napoles nung siya po ay susuko, ay susuko lamang kay Pangulo. Ngayon, pag hindi tinanggap ng Pangulo, ay sasabihin, bakit hindi mo tinanggap? Kung may nangyari kay Napoles habang nasa labas, ang batikos naman ng mga kritiko ay bakit kasi hindi ninyo tinanggap ang kanyang alok na sumuko? Kaya yan po ay judgement call ng Pangulo, at yan po ay dahilan sa kanyang tingin na mas malaki ang maitulong sa ating hustisya kung susuko sa kanya si Napoles.

Masyado daw po siyang kumportable, na nasa aircon pa daw po ang kanyang kwarto sa Makati City Jail?

Hindi ko po alam kung ano ang sitwasyon sa Makati.

On alleged suspects surrendering to the president

Kung yung ibang susuko ay lalapit sa kanya at kung sa kanyang tingin yan po ay makabubuti sa ating sistema ng hustisya, bakit po hindi? Kung siya po ay may alam o may mga fact na kung saan kailangang siya mismo ang lumapit, wala pong masama diyan. Ang mas importante, ay yan po ba ay makakatulong sa ating sambayanan at makakatulong ba sa ating adhikain na magkaroon ng hustisya sa ating bansa?

News Latest News Feed