Press Release
September 4, 2013

Transcript of Senator Poe's post FOI hearing interview

How to reconcile various FOI bill versions?

Lahat ng versions nabasa ko na rin at halos lahat naman ay magkakapareho na rin yan dahil sa haba na nang deliberations nito. Nakalagay naman na timely manner by which we will provide information tapos covered lahat ng branches ng government. Sa tingin ko, sa Malacanang version, dapat lang tingnan dun yung clearly defined exemptions for classified information at dapat talaga may reasonable time na madedeclassify yung information na yun. Maganda na rin na nandyan si Usec Qeuzon at nagbuhat na rin sa kanyang bibig na ang Malacanang ay suportado rin ang pagkakaron ng FOI. Katulad rin ng kahit anong branch ng government, ayaw lang natin maabuso ito lalo na sa mga pribadong indibidwal.

Ilan pa ang target hearings?

Isa na lang po. One more hearing na lang po sa ngayon dahil sa tingin namin sa susunod na hearing ay andun na ang representatives ng media networks at yung mga iba't iba pa na nakasama natin sa meeting ngayon. Hinihingi na rin naman po natin ang kanilang mga position papers.

Committee report before the Sept. 28 recess?

'Pag nakuha natin lahat reports at position papers, pag-aaralan natin para masigurado na ma-cover lahat. Pero definitely this year.

Paano balansehin mga opinion?

OK lang naman talaga usisain ang mga opinyon, yun ang point ng FOI. Lahat ng diskusyon tungkol sa kapakanan ng ating mga kababayan, dapat naman talaga available.

Safeguards?

Katulad po nyan, pag may clear and present danger and will jeopardize operation against criminal activity, hindi naman talaga pinapayagan yan. If it will jeopardize the bargaining position of our country in foreign affairs. Nakalagay naman po dyan as safety measure na dapat may reasonable period na magiging available ang information na yan. Meron din sinasabi na when there is conflict when it comes to issues of FOI and it is brought to court, the courts will always decide in favor to providing information.

Malacanang communication?

Cooperative naman po ang kanilang mga secretary. Hiningian namin sila ng information-- ano bang version gusto nila at kung ano ba ang apprehension. Sinagot naman nila yan. Ang atin namang administrasyon ay transparent din, kaya lang ay hindi nga institutionalized ang mechanisms natin. Sabi nga ng PCIJ, minsan ang tagal para magrequest ng information. Kung wala kasing liabilities o kaya penalties, walang incentive para ibigay agad ang information na yan. Mabuti na nakasulat na black and white. Kung anong responsibility ng isang kawani ng gobyerno sa pagbigay ng information. Tama din ang KBP, sana maging proseso na ng gobyerno na pag may dokumento, naka-upload na agad sa website.

Para sakin, personally at sa tingin ko sa mga kausap natin dito, we feel it's an urgent measure. Mas mapapatunayan na sinsero ang intensyon ng ating gobyerno sa pagkakaroon ng maayos na pamamalakad. Kung mayroon FOI bill, masasabi mo na tapat sila sa kanilang hangarin doon. Maraming bansa na may FOI, 90+ countries na. Tayo nga isa sa mga nauna sa demokrasya, pero hanggang ngayon ay wala pa tayong FOI. Nakalagay sa konstitusyon na right to information by the public is recognized pero hindi pa nadefine kung ano recognize

House counterpart?

Sa tingin ko maganda rin ang representasyon sa ating Kongreso. Nais ko rin pong kunin kung ano ba ang kanilang apprehension para magkaron na tayo ng mas mabilis na pagkakasunduan na maipasa na itong FOI.

News Latest News Feed