Press Release
September 10, 2013

Interview of Sen. Chiz after the budget hearing of COA

Doon sa kakulangan ng COA, will you give them additional funding?

Chiz: It's not a question of additional funding. May funding sila para mag-hire ng mga mahigit na 6,000 empleyado kaya lang ayon sa kanila wala silang makuha na ganoon karaming accountants. Tulad na lamang ng nagdaang anim na buwan, may na-hire sila na humigit kumulang na 160 pero may nag-retire naman na mahigit 300.

Tama bang magkaroon ng private na auditor o ang mag-o-audit sa COA ay mismong sila-sila na lang?

Chiz: Well, titingnan namin ang best practices pero sa ngayon at mula nang naimbento ang COA sila naman talaga ang nag-o-audit sa sarili nila. Pero ayon sa COA, may audit observations rin naman ang COA auditor nila at sabi nga nila nag-special audit rin daw sometime in 1987 sa COA mismo para ipakita marahil na nagiging patas at parehas sila. Ganunpaman, dapat pa rin tignan siguro ng Kongreso kung paano ito mas mapapabuti pa para walang duda at alinlangan at maliwanag na may check and balance sa pag-audit ng auditor mismo.

Is there a need for another hearing?

Chiz: Because some of our colleagues manifested the intention to ask and propound questions to the budget of COA at wala sila dito. Nais naming bigyan ng wide latitude ang mga kasamahan namin kaugnay ang bagay na iyan. Pangalawa ito sa na-postpone. Nauna na ang DBCC so hindi naman ito una at unique.

Kelan ang second hearing?

Chiz: We will schedule it after the 13th, pagbalik na ni Chairperson Grace ng COA para naman makasama din naming siya.

Anong concerns ng mga nag-abiso na gusto nilang magtanong sa COA?

Chiz: Walang partikular. May mga katanungan lang sila. Normal na siguro iyon tulad ng nangyari sa House na may katanungan ang ilang mga myembro kaugnay sa ginagawang trabaho ng COA.

Ang 10 million na intelligence fund warranted ba iyon?

Chiz: Para sa akin oo. Napakaliit naman na amount niyon kung tutuusin kumpara sa trabahong ginagawa ng COA at laki ng natitipid ng pamahalaan sa mga ginagawa ng COA. Syempre subject lamang ang paggamit nito sa usual rules na nakapaloob sa budget na ipapasa naming para sa 2014.

Sabi ng COA inabot sila ng one year to verify the signatures and get comments from the legislators involved. Do you think this is enough time for them to make the report believable?

Chiz: well, due process ang tawag doon. Mahaba na nga siguro ang 1 taon para sa sinuman na sumagot at ibigay ang panig niya. Ang korte ang binibigay lamang na panahon para sumagot ang isang partido ay 15 days lang mula nang matanggap ang reklamo o complaint laban sa kanila. Ito kung inabot sila ng isang taon, supisyenteng panahon na siguro iyon para sa kahit na sinuman na ibigay ang panig nila kung gusto nila.

Baka mabasa ng COA na parang ginigipit sila dahil sila ang naglabas ng report sa pork barrel.

Chiz: Hindi naman siguro. Sa mga nagdaang panahon hindi naman siguro one hearing din ang COA pero maging ganunpaman, may mga tanong naman talaga na kailangan sagutin at para sa akin kaya naman nilang sagutin ang mga tanong na iyan mula kaninopaman, kasamahan man namin o hindi.

Kulang daw ng staff ang COA kaya ang tagal nilang gumawa ng COA audit?

Chiz: Hayaan nating panawagan ito sa mga bagong accountants, magagaling na accountants na nais tumulong sa paglilinis ng pamahalaan. Sana pumunta at mag apply kayo sa COA para mapunuan yung 6000 bakanteng posisyon na kailangan nilang punuuan sa ngayon.

Sir, do you find that alarming? Yung 40% vacancy?

Chiz: It is and even they are alarmed kaya lang wala raw silang ma-hire at wala raw ganung karaming pumapasok. Ika nga yung attrition rate nila, yung nagreretire mas marami kesa dun sa nagaapply.

Pero sir may pera sila para mag hire?

Chiz: Meron. Over 2.1 billion ang pera para sa unfilled positions na hindi nila nagagamit para punuuan yung posisyong yun dahil sa kakulangan sa nag-aapply ayon sa COA.

Sir nalinaw ba nila kanina na hindi naman na single out yung 2007-2009?

Chiz: Well, na single out in the sense na dun nagsimula. Yun kasi ang kauna unahang audit, pero yung gumawa at nag utos nyan yung dating COA at chairperson pa na si Chairperson Villar na inaappoint ni dating PGMA. Mula nung 2007-2009 audit pinaliwanag din nila na since then nagbigay na ng audit memorandum ang chairperson ng COA na tingnan ng resident auditors ng kada ahensya yung PDAF na dumadaan sa ahensya na ino-audit nila. Kaya nga may findings na sila for 2010, 2011 at patapos na yung 2012.

Sir pwedeng malaman yung senators na nagpasabing may itatanong pa pero wala naman kanina?

Chiz: Makikita nyo rin naman sila pagdating ng pangalawang hearing ng COA. Pero particularly, members from the minority nagparating sa chair na may katanungan sila which I will not give any special meaning to anymore. Karapatang nilang magtanong bilang mga miyembro sa anumang budget at anumang ahensya kaugnay nito. But again, the chair of the finance committee will always give a member enough time to ask their questions as long as practicable and within the schedule of our hearing in the budget of agencies being conducted by the committee. Hindi ko bibigyan ng anumang espesyal or mabigat na dahilan yun sa ngayon.

Including minority leader Sen. Enrile?

Chiz: Definitely, it's the right of every member to ask questions. We should not give any meaning to it at this point in time.

Q: Sir ano daw exactly ang concerns or gusto nilang itanong?

Chiz: It's not for me to ask. Parang ako kung may tanong ako sa ahensya, alangan pala i-screen ng chairman yung tanong ko bago ako makapagtanong. Hindi naman siguro dapat ganun.

Sir, napagusapan nyo kasi yung PDAF and NGOs kanina, sir hindi nyo na rin na question sa COA since nandun na rin sila kanina kung ano yung talagang, kung ilan talaga yung fake na NGOs.

Chiz: Nasa audit report nila yun nung 2007-2009. Out of 82 NGOs na nilagyan ng pondo at pera, nakalista dun kung alin yung fake na address, nakalista dun yung ilan at alin yung hindi naka register. At nakaregister man sila or tama man yung address, nakalista rin dun yung gumamit di umano ng pekeng resibo or fictitious recipient at supplier. Hindi ko lang maisa-isa nasa COA report naman na yun eh.

Pero sir dun sa investigation nyo sa Thursday may irerequest kasi kayo na parang hindi nakalimit lang dun sa details or information sa Napoles group.

Chiz: To begin with, yun naman talaga ang laman ng resolution namin at resolution ni Sen. Pimentel. Hindi naman nakalimit yun sa Napoles NGO lamang. Pangalawa, sino bang nagsasabi kung alin ang Napoles NGO? Nabasa lang namin sa dyaryo na yun yung walo. Malay ba natin kung may sosobra pa dun? Pangatlo, yung ginawa ng walo di umano na Napoles NGO, eksakto rin naman yung ginawa ng balanseng 74 na NGOs. So anong pinagkaiba nun? Bakit natin lilimitahan lang yan yung di umano ginawa nila pagdating sa pekeng listahan na beneficiary, unliquidated advances, walang address at pekeng mga resibo at pangalan ng mga supplier. Pare pareho din naman, walang pinagkaiba sa kanila.

Sir regarding the special audit report of the COA, the fact that the release was gradual and selected, is it that it served vested interest instead of the entire country as a whole? It divided the people, it divided the leadership even in the Senate. Instead of uniting the people, it divided the people.

Chiz: Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng gradual at selective. Ayon sa COA, tiningnan nila, apat na ahensya particular na nakatanggap sila ng reklamo. Yung gradual release, hindi ko alam. Hayaan mong COA ang sumagot at magpaliwanag nun. Hindi para sa amin ag sagutin yun.

News Latest News Feed