Press Release
October 23, 2013

Transcript of interview after the MMDA and DBM budget hearing

Ambush interview after the MMDA and DBM budget hearing

... on the approval of the budget, so ang naging understanding namin noon ay kung hindi makahanap ng common schedule at matatapos na nga ang session ng senado ngayon, irerefer na lang sa plenary subject to floor's to questions still being profounded to the COA and COA chair personally via converting plenary into a committee of the whole para imbes na sponsor chairman ang sasagot, ang sasagot yung chairman mismo, parang committee hearing pa rin, so we achieve both purposes without sacrificing the schedule in so far as the approval of the budget is concerned.

(Question inaudible)

Hindi naman, may oras namang talagang ibinibigay para sa interpellation ng budget ng COA, baka mas mabilis pa nga yon dahil imbes na tatanungin yung senador, titingin sa likod yung senador, hihingi ng sagot at ibabato yung sagot nya, at least ito diretso na yung tanungan at sagot.

So kahit hindi pa approved sa committee level yung sa COA budget pwede na kayo mag-committee report?

Again we submitted the budget already, the proposed budget of COA already to plenary, para yung katanungan sa plenary na lamang itanong, pwede namang magawa pa rin yon ng diretsong itanong sa COA chair.

So parang committee of the whole na?

Yes. (First time bang gagawin to?) Hindi, ginawa din yon sa mga nagdaang panahon sa Kamara man o sa Senado kung saan kung nais magtanong ng senador diretso don sa secretary o head ng department. Nagko-convert ang senado into a committe of the whole.

Pwede daw bigyan ng immunity si Napoles para mapilit na magsalita, is that a likely scenario?

Hindi ko alam kung ano ang magiging pasya ng komite pero personally hindi ako sasang-ayon don. (Bakit?) Well una nahain na ang kaso sa Ombudsman, malabong siya ang least guilty, at baka mamaya lahat na ng involved dito ay may immunity, ang maiwan yung mga second stringers pa.

Baka daw kasi may maituro si Napoles na senator o kung sinuman na makikitan nating mas guilty? Doon daw papasok yung immunity.

Again pagpapasyahan siguro yan ng senado, as a committee, pero yung immunity na yon dahil naihain na nga ang kaso sa korte kailangan na ng basbas ng korte at hindi pwedeng senado na lamang ang magbigay ng immunity na yon. Pangalawa, personally, gaya nga nang nasabi ko, hindi ako papabor don.

What if it's the only option to make her speak before the hearing?

Naihain na ng DOJ ang kaso sa Ombudsman, palagay ko'y may sapat silang ebidensiya laban don sa mga kinasuhan nila at hindi na nila kinailangan pa ang testimonya ni Ginang Napoles. Para sa akin bagaman option yon sa ngayon, hindi ako pumapabor don.

Kung sakaling gawin yon ng Senate pwedeng pigilan yon ng Ombudsman? Korte ang pwedeng pumigil non kung saka-sakali dahil halimbawa, pagkinasuhan siya ng Office of the Ombudsman paano naman yon iko-compel ng senado na huwag gawin yung trabaho nya o nagawa na nya o ginagawa nya.

Pero wala pa naman sir yung kaso, nasa Ombudsman pa rin?

Yon nga ang nasabi ko, nasa Ombudsman yon, so paano kung nagrekomenda ang senado tapos hindi sinunod ng Ombudsman, nasa kamay na nila dahil nandoon na yung reklamo.

Sir ano yung partikular na gusto nyong impormasyon na marinig kay Napoles?

Siyempre, lahat naman tayo nais nating malaman ang katotohanan kung kanyang ilalahad yon o hindi, kung ako hanggang saan lamang siya papayagan ng kanyang abogado, pero ang importante para sa akin, magkaharap-harap sila, yung inaakusahan at yung nag-aakusa.

May nakahandang partikular question sir?

Meron pero hayaan na lang natin sa hearing yon, kaysa ngayon at paghandaan pa ng kanyang abogado ni Napoles ang aming katanungan.

Yung survey ng SWS, 67% daw ng mga Pinoy hindi sila nakinabang sa PDAF?

Dalawang bagay naman yon, ginamit nang tama at alam ng taong ginamit nang tama, ika nga nga ilang lider sa ibang parte ng mundo, "do the right job and make sure that the people know that you're doing your job right." Marahil may pagkukulang lang don ang ilan sa mga mambabatas at hindi naman nangangahulugan na porke't hindi nila naramdaman ay lahat yon ay ginamit sa tiwaling paraan.

Yung caucus later kasama yung aboliton?

Hindi ko alam, mamaya pa lamang pagpapasyahan, ayaw kong pangunahan ang caucus. Maliwanag ang personal kong desisyon at pasya tungkol dyan, naghain nga ko ng resolusyon para i-abolish completely at absolutely ang PDAF, ibig sabihin, imenos sa budget na na-proposed ng Palasyo, so ibig sabihin kung ang PDAF ng mga senador ay P4.8 billion total, that's P2.268 trillion minus P4.8 billion, yon ang depinisyon ko ng abolisyon.

Mapupunta sa unprogrammed yung aalisin nyo na pork barrel fund...

Hindi nilagay sa unprogrammed fund yon, yung ginawa ng House, at wala sa options namin na ilagay din yon sa unprogrammed funds, ang choice non ay dalawa lang siguro, i-line item, istriktuhan ang paggastos, ayusin ang monitoring at reporting non, o pangalawa ibawas sa budget, wala sa options sa pagkakaintindi ko ang paglagay ng PDAF sa unprogrammed fund.

Yung resolusyon nyo sa 2014 lang, paano yung sa mga susunod na taon?

Kada taon dapat gawin ng Kongreso yon dahil kahit magpasa naman kami ng batas na ipinagbabawal yon, next year pwede namang i-repeal o amyendahan ng Kongreso yon, ganundin naman ang sumatotal non.

Mabilis bang amyendahan yon, pagganoong batas?

Well the budget bill for 2015 can very well partially repeal any law that we passed by providing for it all over again.

Sa caucus daw may isang senador na nagpahiwatig ng change of leadership?

Hindi. Wala akong narinig na ganoon.

Kahit na nag-approved kayo ng resolusyon na gawing calamity fund yung natitira nyong pork barrel for this year, pero sabi ng Malacanang hintayin pa rin nila yung Supreme Court ruling

Well yung resolution lang naman eh urging lang naman eh, urging the President lang naman eh, we did not authorize or direct the President, the President is already authorized to do it and we cannot direct the President to do certain things unless we pass a law, that's only a resolution. So sense of the Senate resolution lamang yon.

So parang wala ring...

Hindi naman sa parang wala, at least nandoon yung indikasyon at inisyatibo ng senado kaugnay sa paggamit ng pondong yon sa mas makabuluhang bagay.

Paano kung ayaw ni President ilagay sa calamity fund, saan mapupunta?

Yung na-proposed namin, hindi ko pa kasi nakikita yung final version ng inaprubahan, yung na-proposed namin urging the President to use available savings, either from PDAF, MPBF or any other savings to augment this calamity fund.

Pero wala namang dahilan para umayaw siya?

To augment his calamity fund? I think he has to amend his calamity fund dahil kulang na talaga yon.

So nag-iingat lang yung Malacanang kaya gusto muna nilang mahintay yung SC ruling?

Una nag-iingat marahil sila, pangalawa may iba pa naman sigurong savings na pagkukunan maliban don sa savings mula sa PDAF kaya yon ang balak nilang gawin.

News Latest News Feed