Press Release
November 7, 2013

Sen. Francis Guevara Escudero (FGE) at the Senate blue ribbon
committee hearing the pork barrel scam

FGE: ...Lahat ng tanong kanina pa, I invoke my right o hindi ko po alam. Babaliktarin ko naman po. Nabasa at napanood ko lahat ng interview ninyo nitong nagdaang Hulyo at Agosto, sa ABS-CBN, kay Ms. Korina Sanchez, sa DZMM, kay Tunying Taberna, yung Inquirer, pati po kay Malou Mangahas sa GMA News. May mga sinabi po kayo dun na nais ko pong mapakinggan bilang pagbigay-daan sa inyong panig naman. Sabi po ninyo halimbawa, nung ni-raid kayo ng NBI, hinarass kayo at nauwi pa sa sakitan at nasaktan daw yung isang anak ninyo. Paki-kwento nga po yun.

NAPOLES: Opo.

FGE: Ano po ang nangyari? Paano po nasaktan ang anak ninyo nung nag-raid ang NBI?

NAPOLES: Hindi ko na matandaan, Sir.

FGE: Nung nag-raid po ang NBI, sa interview n'yo kay Korina Sanchez, may pinakita pong video po dun yung CCTV camera at nagsisisigaw po kayo doon sa NBI. Sabi, "Anong ginagawa n'yo dito? Sige kunin n'yo. Tawagan n'yo ang boss n'yo." Sino po ang tinutukoy n'yong boss n'yo sa mga NBI agents nan nandun? Ma'am? Binabase ko lang po yun sa interview n'yo.

NAPOLES: Kasi humingi kami ng warrant, wala po silang maipakita. Kaya ang sabi ko kung pwede pakitawagan po yung boss n'yo at tatanungin ko bakit po may raid sa amin at wala pong warrant.

FGE: Sa video din na yun may pinakitang papel sa inyo at pumayag na rin po kayo. Sabi n'yo, "O sige. O sige." May naipakita po ba?

NAPOLES: Opo. Yung letter po nila kay Sec. De Lima po.

FGE: Pinayagan n'yo na rin po silang magpunta at pumasok sa inyong condominium?

NAPOLES: Actually po nasa loob na sila nun.

FGE: Paano po nasaktan yung anak ninyo? Sabi n'yo po nasaktan e.

NAPOLES: Nagkatulakan po noon sa loob ng condo.

FGE: Kasi pinipigilan pong pumasok yung mga ahente?

NAPOLES: Hindi po. Nung hinahanap po yung brother ko.

FGE: Sabi n'yo ri po sa interviewng yun ang may pakana ng lahat ng ito ay si Benhur Luy at nagulat na lang kayo na nagamit yung opisina ninyo. Tama po ba yun? Ma'am? Pwede ko pong basahin yung transcript sa inyo.

NAPOLES: Kaninong interview po?

FGE: Kay Ms. Korina Sanchez. Sabi n'yo po, ang may kagagawan ng lahat ng ito ay si Benhur Luy at ginamit n'ya yung opisina ninyo nang hindi n'yo nalalaman dahil kasalamuha n'ya at kilala n'ya lahat ng kausap n'yo bilang personal assistant ninyo. Tama po ba yun?

NAPOLES: Opo.

FGE: At nalaman n'yo na lamang matapos lumabas yung isyu at pinaimbestigahan ninyo. Tama po ba yun? Nalaman n'yo lamang na ginagamit pala yung opisina n'yo nila Benhur Luy base po sa sinabi n'yo sa interview na yun. Ma'am?

NAPOLES: I invoke my right po kasi...

FGE: Paano po yun? Baka nga ho maging inosente pa kayo dun e. Nalaman n'yo lamang na may PDAF scam pala na involved yung kompanya ninyo't opisina ninyo nung lumabas na sa TV. Bago po nun, hindi n'yo po alam. Yun po ang sinasabi ninyo. Ma'am?

NAPOLES: Opo.

FGE: Sinabi n'yo din po sa inquirer interview na may boss si Benhur Luy. Pilit kayong tinatanong sino, ang sabi n'yo po, lalabas din po, lalabas din po. Pinilit pa din kayo. Nagtanong pa sa inyo si former Secretary Solita Monsod at napasagot kayo nang, "Basta babae po." Sino po yung babaeng boss ni Benhur Luy?

NAPOLES: Hindi ko maalala, Sir.

FGE: Hindi n'yo maalala yung tanong o hindi n'yo maalala yung babaeng boss ni Benhur Luy na tinuturo n'yo nalalabas din sabi n'yo?

NAPOLES: Hindi ko po maalala yung sinabi.

FGE: Hindi n'yo po maalalang sinabi n'yo yun? Matanong ko po si Ginoong Luy. Gaano na po kayo katagal nagtatrabaho kay Napoles? Kay Ginang Napoles?

LUY: A, 2002 po hanggang dinetain ako nung December 19, 2012.

FGE: Kung ganun po katagal nagtatrabaho sa inyo si Ginoong Luy, Mrs. Napoles, and then si Ms. Sula. And then, kung hindi po PDAF ang trabaho nila, pakipaliwanag po sa amin, ano bang ginagawa nila sa opisina ninyo? Dahil ayon sa salaysay nila, puro PDAF yung ginagawa nila. Tseke, pirma ng beneficiary, sulat sa senador, sulat sa congressman, follow-up sa agency. Kung hindi po yun ang ginagawa nilang trabaho, ano po ang trabahong ginagawa nila sa opisina ninyo? Partikular si Benhur at si Maria Sula.

NAPOLES: Part na po ng depensa namin yun, na I invoke my right against self-incrimination.

FGE: Alam nyo po, pag sinabi nyo pong I invoke my right against self-incrimination, may krimen kayong ginawa. So, ilegal po yun ginagawa nila sa opisina ninyo maliban pa sa inamin nila na ginagawa na nila? Yun po ba sinasabi ninyo Ma'am?

NAPOLES: Para hindi po ma-preempt ang depensa namin your honor.

FGE: Linawin ko po, sabi nyo po sa mga interview sa inyo ni Atty. Baligod sa EDSA-Shangrila at hiningan kayo ng pera, iba-iba po yung lumalabas. May 38 million, may 39 million, may 300 million, may investor's visa, may 1.5 million. Pakisalaysay naman po sa amin yung paghingi sa inyo ng pera ni Atty. Baligod.

NAPOLES: I invoke my right, depensa po namin yun, sorry po.

FGE: Depensa po ninyo yun. Attorney Baligod? Pakisagot na po. Yun po ang alegasyon sa inyo na hiningan nyo raw ng pera. Sabi niya, hawak nyo daw ang gobyerno. Ipinagmalaki nyo raw sa kanya at tinakot siyang sisirain nyo ang pangalan niya kapag hindi sia makapagbigay. Attorney Baligod, please, sir.

BALIGOD: Thank you sir. Nung after ng rescue ni Benhur nung March 22, nearly about six hours I got a persistent call from an unknown caller. Kaya nung sinagot ko, mga 6:30 ng umaga yun, nagpakilala siya sa akin. And in Ilocano, sinabi niya na Ading si Freddie Villamor ito. Pwede ba tayo magkita at mag-usap. Urgent lang ang sabi po niya. E tinanong ko po kung tungkol saan? Ayaw niyang sabihin sa akin. As a courtesy in a colleague in the profession, pinagbigyan ko po yung request niya na magkita kami. So, we met at about 8:00 a.m. along Katipunan. At nung kaharap ko na po siya at tinanong kung ano yung pag-uusapan namin, ay sinabi niya na abogado ako ni Napoles, sabi niya. Kaya sabi ko, o ano ho ang pag-uusapan? Pwede bang ayusin natin ito dahil magkakamag-anak naman sila? So sabi ko, sige po kung yun ang gusto niya sasabihin ko sa mga clients ko. Sabi niya huwag na, bibigyan kita ng five million para maayos ito.

FGE: Sabi po ni Villamor?

BALIGOD: Opo. E sabi ko sa kanya, hindi ho pwedeng ayusin ito. Dahil kung mabasa niyo yung report ko kay Secretary De Lima at saka yung sulat, meron na hong naisali dun na mga legislators na involved dito sa anomaly. So kahit ho makipag-ayos sila, hindi na ho mababago yung mga affidavit na nakasaad na dun. So sinabi ko kay Atty. Villamor, imposible hong maayos yan. Then March 23, March 25, nakipag-arrange po ulit si Atty. Villamor ng meeting through a ... through sa isang kaibigan niya, si Retired General Diaz. Nakipagkita po si Gen. Diaz sa akin dahil sabi niya meron lang akong ididiscuss sa iyo. At alam ko po si Gen. Diaz dahil na-meet ko na siya once nung nagkita kami ng pinsan ko na si Jonathan Baligod. So, nag-meet po kami ni Gen. Diaz, at sinabi niya, pwede mo bang pagbigyan si Atty. Villamor ng isa pang meeting? E tungkol saan general? Sabi ko. Hindi ko alam, basta pagbigyan mo. Isa pa. Sige po. Sabihin mo kay Atty. Villamor na tawagan ako o magtext to confirm. And immediately tumawag si Atty. Villamor sa akin. As a courtesy, pumayag po ako na magkita kami and inulit lang po niya yung offer po niya na five million. Opo. So, sabi ko -- hindi ako pwede. then on March 27 , I got a call sa isang fraternity brother po na mataas ang katungkulan, nagulat nga po ako kung bakit alam niya yung number ko pero hindi ko naman ...

FGE: Mataas ang katungkulan sa fraternity niyo o mataas ang katungkulan sa gobyerno?

BALIGOD: Dati po kasi, retired na siya from the Government

FGE: Sino po?

BALIGOD: A, hindi ko na po ... kung ipagpapaumanhin niyo po kasi siya lang ang nag-arrange ng meeting namin with Mrs. Napoles.

FGE: So, nag-arrange lang po pala siya. Edi, wala po siyang ilegal na ginawa

BALIGOD: Opo, pero baka kasi yung position niya when he was in government is very sensitive that other minds might think na nagkaron sila sabwatan.

FGE: So, totoong nag-meeting kayo ni Ginang Napoles?

BALIGOD: Opo

GUINGONA: Sandali, excuse me. Excuse me. Sorry, but just for administrative matter, naka-oath ka na ba? Wala pa?

FGE: I think so naman..

BALIGOD: Hindi po.

GUINGONA: As a witness, a sorry sorry, wala pa?

BALIGOD: Not as a witness, Oo, but as a lawyer, Oo.

GUINGONA: O sige ... please administer the oath.

Unknown: Do you swear or affirm to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth in this proceeding?

BALIGOD: (Inaudible)

FGE: Thank you Mr. Chairman for that point. Atty. Baligod, so totoong nag-meeting kayo ni Ginang Napoles sa EDSA?

BALIGOD: Opo, ang ni-request po na meeting, hindi ko po alam na siya ang kakausapin ko po e. Basta ang sabi sa akin nung nag-arrange ng meeting, meron daw siyang very close friend na gusto akong kausapin. Tinatanong ko kung sino, ayaw sabihin.

FGE: Dederetsahin ko na po para maikli lang po at mapakinabangan natin ang presensiya ni Ginang Napoles. Hiningan niyo po ba ng tatlong daang milyon?

BALIGOD: Hindi po

FGE: Thirty eight million?

BALIGOD: Hindi po

FGE: Thirty nine million?

BALIGOD: Hindi po, kasi sila po ang nag-offer and I declined

FGE: Magkano po ang alok? Tumaas naman siguro nung siya na kausap mo

BALIGOD: Yun nga po ang ino-offer nila 250 to 300,000 depende sa computation daw nila kasi gusto nilang paalisin yung mga witnesses dito sa Pilipinas. Kaya nagbiro pa nga po ako sa kanila na nung sinasabi nila na 250 to 300,000, nagbiro pa nga ako na baka umabot pa kayo ng 400,000 dyan. Just to drive to the point na hindi pwedeng ayusin 'no? To discourage them. At ang sinasabi nga po ng mga lawyers ni Mrs. Napoles at saka siya mismo na meron daw silang recording of that incident na nag-extort ako kaya noon ko pa ho china-challenge sila na kung mayroon silang recording

FGE: Ilabas?

BALIGOD: Ilabas, i-play para pati rin po ako ay marinig ko

FGE: Thank you. Atty. Baligod. Ginang Napoles, lipat na po ako ng panibagong punto. Nasabi po niyo sa lahat ng interview ninyo - Ang pera niyo ay galing sa coal at real estate business ninyo sa Indonesia. Kinukumpirma niyo pa ba iyon? Sinagot niyo rin yun kanina kay Sen. Santiago.

NAPOLES: Opo, your honor.

FGE: At abogado niyo po si Atty. Villamor don? Sa coal business na yon? Ganon po ba yon o hindi?

NAPOLES: Ay, hindi po. Yung dun sa ibang business lang po namin.

FGE: Sabi niyo rin po sa amin na yung coal business na yan since 1990 - 1990's pa. Tama po?

NAPOLES: Yung sa asawa ko tsaka yung sa kanegosyo niya po sa Indonesia, pero yung tinatag po namin Sir bago lang

FGE: Ang kanegosyo po ninyo sa Indonesia ay si Engr. Syafrulla Ismael, siya po ba yon?

NAPOLES: Opo

FGE: Ang spelling po ay S - Y - A - F - R - U - L - L - A , Syafrulla?

NAPOLES: Opo

FGE: Ismael , I - S - M - A - E - L ? Tama po?

NAPOLES: Opo

FGE: At nung ininterview po kayo at buong pamilya ninyo ni Ms. Korina Sanchez. Nandun po siya, hindi po ba? At pinatotohanan niyang

NAPOLES: Opo. (inaudible)

FGE: At pinatotohanan niyang may negosyo po kayo dong matagal na.

NAPOLES: Opo.

FGE: Sabi niyo po ten million kada shipment ang pinapadala niyo sa China galing Indonesia, kada buwan?

NAPOLES: Sila ng asawa ko, sa kumpanya po sa Indonesia

FGE: Ten million dollars po ang nasabi ninyo. 60-40 po kayo. 40 percent kayo 60 percent kay Engr. Syafrulla?

NAPOLES: Opo.

FGE: Dun po galing ang kayamanan ninyo dahil matagal na po yan. Di po ba?

NAPOLES: Opo.

FGE: Yan po ba ang sinasabi ninyo? Sabi niyo rin po kanina may carbon credits pa kayo sa Amerika.

NAPOLES: Opo.

FGE: Galing po yan don sa coal mining niyo sa Indonesia?

NAPOLES: Hindi po

FGE: Saan po? Galing po yan dun sa coal mining niyo sa Indonesia?

NAPOLES: Hindi po.

GUINGONA: Saan po?

NAPOLES: Sa States, yung mga foreigner tsaka yung mga lawyer nakakaalam ho.

FGE: Kasi po ma'am, sa pagkakaalam ko, hindi po signatory ang Amerika sa Kyoto Protocol na nagtalaga ng carbon credits. Sa katunayan, wala pong carbon credits na ibinebenta sa Amerika.

NAPOLES: Opo. Dun lang po ginawa yung korporasyon. Siya po yung may idea tapos dinala po namin sa Asia. Kaya nga ho ini-introduce namin dito sa Philippines po.

FGE: Ang sabi po niyo kanina, binebenta niyo sa Amerika.

NAPOLES: Hindi po. dun po yung company. Sorry po.

FGE: Ang ibig sabihin po niyan,dun lamang tinayo yung kumpanya?

NAPOLES: Opo.

FGE: Binebenta dito sa...

NAPOLES: Dito. Si...

FGE: Binebenta po sa Asya? Maliban sa coal business niyo, ang pangunahing pinagkakakitaan ninyo ay ang JLN corporation. Tama po ma'am?

NAPOLES:Opo.

FGE: At dahil may negosyo kayo particular sa JLN, nakabili po kayo ng Ritz-Carlton apartment? Ma'am nakabili po kayo ng Ritz-Carlton apartment among others? Sinabi niyo rin po yun sa interview niyo sa Inquirer na inyo po yun.

NAPOLES: Opo.

FGE: Ayon sa records po ng SEC, nung 2012 nalugi po kayo ng P343,000 partikular yung JLN ang kinita po lamang nung 2004 hanggang 2011 ay ang total net income na idineclare po ninyo, nagrarange po lamang sa P21,000 hanggang P100,000 kada taon. Maliwanag po na hindi galing sa JLN Corporation yung ipinambibili po ninyo. Saan po manggagaling?

NAPOLES:Sa Indonesia po.

FGE: Dun sa asawa po ninyo?

NAPOLES: Opo.

FGE: Magkano po ba kinikita ninyo roon kung alam po ninyo?

NAPOLES: Siya po may hawak dun.

FGE: Yung asawa po ninyo?

NAPOLES: Opo.

FGE: Mr. Chairman at the proper time may I ask that the committee to invite Mr. Jimmy Napoles to shed light on their businesses if indeed there is such a business in existence in Indonesia or somewhere else.

GUINGONA: So ordered.

FGE: Thank you Mr. Chairman. Ilang tanong na lang po Ginang Napoles. Kilala niyo po ba si Ginoong Javellana ng NABCOR?

NAPOLES: One time pinakilala yata sa akin ng may mass sa office.

FGE: May negosyo po ba kayo sa NABCOR?

NAPOLES: Wala po.

FGE: Ba't niyo po siya kinausap?

NAPOLES: A, tungkol yata dun sa mag-aano yung foreign. Itinanong lang po kami sa kanya. Hindi ko na po matandaan. Matagal na po.

FGE: Pero nagkausap po kayo?

NAPOLES:One time. Pinakilala lang po saglit.

FGE: Pinakilala po nino?

NAPOLES: Hindi ko na matandaan Sir. Matagal na po e.

FGE: Ilang tanong na lang po Ginang Napoles. Sabi niyo po kanina gusto niyong mag-executive session tayo. Hindi po ba? Nung simula po ng hearing.

NAPOLES: Yes, your honor.

FGE: Bakit po? Kung puro hindi ko alam, I invoke my right ang sasabihin ninyo, ba't pa tayo mag-e-executive session? Sino po ang nagpayo sa inyo na humiling executive session?

NAPOLES: Abogado...

FGE: Yung dalawang katabi niyo ho? (Laughs) Po? Pakisagot po sa mikropono ma'am.

NAPOLES: Opo. My lawyer.

FGE: Sino pong lawyer? Yung katabi po ninyo?

NAPOLES:Opo.

FGE: Bakit daw po?

NAPOLES: Attorney-client privilege daw po.

FGE: At least bago po yang sagot na yan. Tatanggapin ko yan. Isa na lamang po Ginang Napoles para makapagtanong din po ang ilan sa aming mga kasamahan. At least napatunayan po nila na ginagawa nila ang trabaho nila. Ginang Napoles, ma'am, matatapos na po tayo. May sinasabi pa ho ba? Isa na lamang po. So ang sinasabi ninyo sa amin, hindi totoo ang sinasabi ng mga testigo dito at puro mga kasinungalingan at pawang kasinungalingan at mga sinungaling sila, yun po ang sinasabi ninyo?

NAPOLES: Opo.

FGE: Kanina niyo pa sinasabing siya ang sinungaling. Makabawi man lang siya sa inyo. (Laughs) At wala kayong kinalaman under oath sa anumang transaksyon kaugnay ng PDAF na may kinalaman ang mga kongresista at mga senador?

NAPOLES: Opo, your honor.

FGE: Na 'ni piso ng pera ninyo hindi nanggaling sa scam na may kinalaman sa NGO o PDAF?

NAPOLES: Opo, your honor.

FGE: Na yung mga NGO na pinorma, na nanggaling sa PDAF, hindi sa inyo yun?

NAPOLES: Opo.

FGE: Na sina Benhur Luy lang ang may kinalaman diyan at hindi kayo kasabwat sa anumang paraan?

NAPOLES: Hindi ko alam po.

FGE: Ano po?

NAPOLES: Hindi ko alam.

FGE: Na wala kayong ibinigay na pera sa maski na sinong senador, chief-of-staff ng senador, congressman o sino mang chief-of-staff ng congressman?

NAPOLES: Opo.

FGE: Na lahat po ng pera ninyo ay galing sa coal mining ng asawa niyo?

NAPOLES: Opo.

FGE: Maraming salamat po Ginang Napoles. Thank you Mr. Chairman.

News Latest News Feed