Press Release
November 7, 2013

Transcript of Interview with Senator Grace Poe on the
sidelines of the PDAF Probe November 7, 2013

Malalaman naman siguro nang kahit sinong nanonood kung nagsasabi sya (Janet Napoles) ng totoo. Hindi pa naman tapos ang hearing. Minsan sa interrogation dinadaan sa tagal nang pagtatanong kaya pagdating sa dulo andami nang inconsistent na sagot. Kaya nga hindi dapat nagpapalit-palit yan.

Ang isang inosenteng tao 'pag merong pagkakataon, gagamitin nya ang pagkakaton na yan para ipawalang sala ang kanyang sarili. Kabaligtaran yan ng isang taong may sala. Mas lalong ayaw mong magsalita. Hindi man nagsasabi ng diretso pero hindi rin naman ginagamit ang pagkakataon para idepense ang kanilang sarili. Marami nang nagdaan sa Senado na hindi sumasagot ng diresto pero alam natin na may pagkakasala sila.

Ineexpect pa bang magbago ang pagsagot ni Napoles?

Marami pang nakalinyang magtanong. Andyan si Senator Chiz (Escudero), si Senator Cayetano at ibapa. Ako rin ay may mga tanong. Bagaman di nya ito sasagutin ng diretso, ang hindi nya pagsagot ay meron ding kahulugan.

News Latest News Feed