Press Release
November 11, 2013

Interview of Senator Nancy Binay
Coconut Palace November 11, 2013

Reporter: More or less yung mga nangyari sa Visayas area, how do you feel about it?

Senator Nancy Binay (SNB): Siyempre po nakakalungkot kasi sunod-sunod po yung mga kalamidad na naeexperience natin. Katulad nga ng sinabi ng ating Vice President Binay na yung Yolanda is a national tragedy. I think it is high time that we review the policy natin when it comes to disaster response kasi parang medyo may pagkukulang yung kahandaan eh, whether from the national government and up to the LGU...

Reporter: Napansin po, Senadora, yung kakulangan sa mga medical supplies and all that...

SNB: Totoo po yan. Ang nakakalungkot pa po kasi yung mga resources ng government, hanggang ngayon, nandiyan pa rin. Yung sa Zamboanga, nandiyan pa rin. Yung sa Bohol, nandiyan pa rin. Tapos ito na naman yung sa Yolanda. Kaya it's a huge task and siguro yung buong pwersa ng gobyerno eh kailangan talagang kumilos para mabigyan ng solusyon itong mga sakuna na nangyari sa ating bansa.

Reporter: Sige, maiba ako ng kaunti. Yung politika naman ng kaunti. Ma'am, you gave up your PDAF already?

SNB: yes. In fact, last Thursday, sinulatan ko na si Senator Chiz (Escudero) kasi siya ang chairman of the Finance Committee. I am giving up my P200 million. Doon po sa sulat ko, gusto ko po na i-deduct siya mula sa national budget.

Reporter: If ever sana, saan mo gusto ilagak itong PDAF mo?

SNB: Kung mayroon pa... unang-una sana, doon sa fellowship ko. And then yung pangalawa, balak ko talagang maglaan ng pondo sa mga hospital.

Reporter: Thank you very much, Ma'am.

News Latest News Feed