Press Release
November 21, 2013

Transcript of interview in the Senate session hall

Tungkol sa natanggal na budget ng NHA to help calamity victims

Ire-restore namin yung item, narealized at maliwanag naman sa mga nangyaring kalamidad na kailangan may ganoong pondo ang NHA. Sa katunayan maski na sa proposed rehabilitation and reconstruction fund namin, may nilagay na rin kaming alokasyon para sa NHA pagdating sa housing, particular sa pag-procure ng mga lupang pagtatayuan para sigurado tayong wala sa geohazard map.

Magkano yung idadagdag nyo?

Hindi pa namin matiyak dahil hanggang ngayon inaantay namin yung realignments ng budget ng kada ahensiya dahil sa mga nangyaring mga kalamidad na tumama sa ating bansa. We expect them to come in by early next week para sa gayon in line yung damage report sa ipapasa namin budget para sa 2014 para immediately matugunan yung pangangailangan.

Politika nga ba kung bakit tinanggal ng DBM yung budget sa NHA?

Ayokong pasukan yung motibo kung bakit ginawa o hindi ginawa ng DBM ang particular na bagay pero para sa amin, maski naman pagdating sa proposed reconstruction fund, iaayos naman namin palagi base sa pangangailangan, anuman ang kulay ng politika na maaaring bigay ng kung sinuman.

Yung ethics complaint against the three senators mayrron bang kahihinatnan yan?

Palagi naman sigurong meron, hindi pwedeng hindi pansinin ng senado yon at nagsabi na rin si Senate President Drilon as soon as ma-file yung complaint ay ioorganisa na agad dahil sa ngayon hindi pa organisado yung committee on ethics, ioorganisa agad ang committee on ethics. Naniniwala ako na gagalaw yun at palaging dapat pagalawin yon at hindi patulugin dahil importanteng component ito sa hinihiling ng marami sa ating mga kababayan kaugnay sa pork barrel scam na tinatawag.

Sa tingin nyo bakit walang gustong kumuha ng ethics committee?

Hindi ko alam, hindi naman inaalok sa akin, pero hindi ko alam, siguro siyempre mahirap na trabaho yon, maski na nong nasa House of Representatives ako, ang committee on ethics ang isa sa pinakanilalayuang komite dahil siyempre ikaw ay uupo at huhusga sa kapwa mo at kasamahan mo sa senado man o sa Kongreso. Yon siguro human nature na siguro yon.

Even membership sir dalawa pa lang din yata ang members...

Hindi pwedeng magkamembership kung wala pang chairman, so siguro sabay-sabay yon na maoorganize, chairman, chairperson at yung members nya.

Willing kayo sir na mag-chair?

Hindi ako nagbo-volunteer.

Yung budget ng NHA may chance ba na sumampa sa P20 plus billion?

Hindi ko masagot pa yung mga amounts dahil yung mga realignment ng iba't-ibang budget ng lahat ng ahensiya ay magbabago pa sa mga darating na araw. Siguro after that malalaman naman at ilalahad naman namin lahat yan sa publiko kung magkano yung magiging indicative amounts. Isa lang ang kaya kong ipangakao, irerestore namin yung item, hindi siya walang item na kung anuman ang amount na iilagay don ay pwedeng i-augment base sa pangangailangan.

Bakit yung DILG mayroong housing budget?

Yan ay patungkol sa informal settlers dito sa NCR, nakita natin kasi yung nilalagay natin yung pondo sa ibang agencies ay hindi umuubra dahil ang naging problema yung mga local government units mismo, sila ang pumapayag, tino-tolerate na manatili don yung mga naninirahan sa mga dangerous zones dahil marahil supporter o botante nila. So minabuti bilang panibagong estratehiya na ilagay yon don para merong supervisory control at disciplinary power ang DILG sa LGUs pagdating sa pagpapatupad ng paglilikas sa ating mga kababayan sa mga delikadong lugar para maiwas na sila sa sakuna.

Wala ba kayong balak tapyasan ang budget ng DILG at ilipat sa NHA?

Kinokonsidera namin ang paglagay at pagrestore ng item sa NHA, at hindi pagtapyas non dahil existing at on-going program na yan ngayon ng pamahalaan.

So you wil find other sources, yung ilalagay sa NHA?

Yes. We will find other sources given the realignments that will be made anyway in almost all of the departments.

Sa House pumasa na yung anti-dynasty bill sa committee level do you think may pag-asa din yon sa Senate?

May chance palagi, in fact may pending bill sa senado pero sinabi ko noon pa man mag-iinhibit ako sa anumang usapin, debate, paghubog at pagbalangkas ng anti-dynasty bill pero pagdating sa botohan anumang version ang maaprubahan ng komite at ng plenary, boboto ako pabor don. Ayaw ko kasing masabi na kasama at bahagi ako sa paghubog ng batas eh baka may conflict of interest ako pero boboto ako pabor doon sa dulo kung anuman ang version dahil baka mamaya kulangin pa ang senado ng boto para maaprubahan yan kung lahat ng may conflict of interest ay mag-iinhibit.

News Latest News Feed