Press Release
December 14, 2013

Sen. Poe's statement during FPJ's death anniversary
December 14, Manila North Cemetery

Nung umpisa pa lang ng kampanya, walang kasiguruhan lahat. Kaya nga nung dumalaw ako dito (sa libingan ni FPJ) noong isang taon, napaiyak talaga ako. Nararamdaman kong napasabak ako sa mahirap na hamon noong tumakbo ako. Ngayon iba naman ang hamon na mapatunayan ang sarili ko. Gusto ng tatay kong makatulong kaya pinagsisikapan kong talagang magawa iyon.

Marami sa mga supporter ni FPJ na dumalaw ditto ay matanda na talaga. Iyong iba nahihirapan ng maglakad. Kasama na nila mga anak nila. Maraming salamat po sa patuloy na pagmamahal kay FPJ at sa pagtitiwala na anuman ang nagawa nya ay maipagpapatuloy ko.

News Latest News Feed