Press Release
December 18, 2013

Excerpts of Senator Grace Poe's interpellation during the Senate Committee on Energy hearing on the impending electricity rate hike

Sen. Poe: Ang isyu dito ng EPIRA (Electric Power Industry Reform Act) ay tatlo: Magkaroon ng sapat na kuryente, matanggal ang monopoliya, at magkaroon ng mas maayos na competition. Ngayon, hindi dapat iyan choice na may kuryente nga kayo pero mahal naman, o kaya mura nga pero wala naman kayong kuryente. Meron ako ditong kopya ng sarili kong electric bill. Ngayon may iba pa dito na katulad ng universal charges, missionary? Meron ding environmental fund. Ano ang ibig sabihin nun?

Sen. Poe: Meron ako ditong kopya ng electric bill ng December at malaki ang itinaas. Ang problema lang hindi kasi ito nag-umpisa nang eksaktong December. Nag-umpisa ito ng November, hindi ko alam kung talagang kasama pa pero sabihin ko sayo lahat umaaray na dito, hindi lang ang mahihirap, pero pati ang mga negosyante na may mga pabrika o kaya ngayong magpapasko, pati ang mga may restaurant. Pag pumunta ka sa middleclass neighborhood diyan sa Culiat o saan man sa Quezon City, madilim na talaga ngayon eh. Kaya para sa akin maging aktibo dapat ang gobyerno palagi dito. Yun mga indigenous sources of energy natin, tinatax ba natin yan? Yun mga nandito na, ibig sabihin yun mga hindi na natin iniimport, yun nandito na, may nag-suggest sa akin na magkano ba yun binabayad ninyo sa indigenous sources of energy? Ilang porsyento?

Sen. Poe: Para sa ERC (Energy Regulatory Commission) o DOE (Department of Energy), pwedeng pag-aralan ninyo ang mga palisiyang ganyan na nandito na eh, sa atin na yun at tayo na ang may-ari nun, tapos bibigyan pa ng buwis so pagbili ng negosyante ipapatong din sa atin yan. Nagbayad na sila ng buwis, magbabayad pa tayo ng buwis ulit diyan, may VAT pa tayo. Para sa akin, makipaglaban pa tayo ng konti para naman mas maging maayos, para mas may pag-asa yung mga kumukunsumo.

Sen. Poe: Mag submit na din po kayo ng mga alternative sources of energy. Dahil nga hindi na bababa ang presyo ng kuryente sa merkado, kung may alternative sources of energy, halimbawa may nuclear pero maraming natatakot lalo na nakikita nila yung advantages nito. Meron din namang iba pang sources of energy na baka naman pinag-aaralan niyo na at kalian yan maipapatupad kung sakali, pakisumite lang po sa aming tanggapan. Salamat.

News Latest News Feed