Press Release
February 12, 2015

GRACE POE OPENING STATEMENT
Mamasapano hearing

Magandang umaga sa lahat.

The Joint Public Hearing of the Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, the Committee on Peace Unification and Reconciliation, and The Committee on Finance is resumed.

I would like to thank our resource persons who have been coming back for the past 3 hearings that we've had, for your time. We understand that Sec. Mar Roxas has a commitment today at 3 p.m., and we will respect that. This is also for the Senators to note. Maraming salamat po sa mga bumabalik-balik sa ating hearing na hindi nabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng kanilang salaysay agad-agad.

In the last two public hearings that we conducted, we witnessed the personal recollection of former SAF Director Getulio Napeñas on the Mamasapano incident, displaying the valiant heroism of our 44 SAF Personnel. The Board of Inquiry presented the facts gathered by them from the numerous testimonials and documents assessed. The Armed Forces of the Philippines narrated their accounts of the story.

The rest of the resource persons, like the DOJ -- provided the legal framework, remedies and what-could-be solutions. The DILG cited a number of possible reforms and efforts to serve justice.

The interpellations of individual senators reflected and ferret out information that will form part of what could be 'truth' and data that will eventually be detailed in the Committee Report.

In today's discussion, we may reach that point of validating the viral video that was disseminated yesterday. Nakakagalit po ngunit sobriety - o mahinahong paghimay at pagtrato dito ang kailangan. Mahinahong pagtantya ng katotohanan. At tulad ng marami, kung ang video mang iyon ay totoong kuha sa insidenteng naganap sa Mamasapano -- ikino-kondena namin ang pagkuha nito. Hindi kayang ipaliwanag ng mga salita at damdamin ang pagkuhang iyon ng video -- ito po ay barbaric at walang awa.

Kahapon din po at sa iba naming pagdinig, nabanggit ang kahalagan ng pagpakita po dito ng mga kinatawan ng MILF. Kami po ay nagpapasalamat sa pagdalo ninyo ngayong araw gaya ng pagpasalamat naming sa lahat ng mga resource persons. Kung nadinig po ninyo ang kinatawan ng MILF sa pangunguna ni Ghadzali Jaafar ay nagbanggit po na ang hinihiling lamang nila ay ang pantay-pantay na pag trato sa batas. Na sila po ay kasapi ng ating republika, na sila po ay ating mamamayan din. Kaya naman po ang inyong presensya sa pagdinig na ito ay napakahalaga kung ang hinihingi ninyo ay pantay na pagtrato. Binibigay na namin kayo ng pagkakataong magbigay ng inyong salaysay. Lahat po tayo ay napapailalim sa batas at wala pong exempted dito.

Ngayong araw na ito, marami pa pong katanungan, bibigyan natin ng daan si Sen. Miriam pag siya'y dumating dito ngayon dahil na din po sa kanyang kalagayan na magbigay ng kanyang katanungan. Hangga't maaari, lahat ng nagpalista ay bibigyan natin ng pagkakataon. Muli, papairalin natin ang 5 minutes o 5 minutong pagtatanong. Pagkatapos po magkakaroon din po tayo ng pagkakataon na matanong ang mga survivors, pero sa puntong yun po ay maaaring sa executive session. Hindi po siguro mabibigyan ng pagkakataon ang lahat na magtanong ngayong araw. Pero in order of arrival po ang ating sequence. Uunahin po natin sa maikling salaysay ni Gov. (Mujiv) Hataman, tungkol sa mga sinasapit ng ating mga kababayan sa ARMM at pagkatapos po nun ang kinatawan ng MILF ng si Ginoong Iqbal bago po tayo mag-umpisa ng ating mga katanungan.

News Latest News Feed