Press Release
March 4, 2015

GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
March 4, 2015, 3:30 p.m.

Question: Condition sa pagpasa ng BBL?

Sen. Grace Poe: Ito kasi ang nagiging problema, mayroon tayong government peace panel tapos napagkasunduan na nga nila iyon, so pumasok sila sa kasunduan na iyan na nakalagay na yung mga probisyon na iyon. Parang ang mangyayari niyan, mag-uumpisa na naman tayo sa umpisang negosasyon dahil kung may mga tatanggalin nga tayo doon na sinabi nga ni Cong. Rufus, halimbawa yung sariling CoA, sariling COMELEC, Human Rights Commission, edi mag-uumpisa na naman tayo na kausapin sila kung ano ang acceptable sa kanila diba. Hindi ko siya masisisi sapagkat yan ang pinayagan ng ating government peace panel na napagkasunduan nila pero kami naman, napagkasunduan namin dito sa Senado at sa Kongreso na masiguro na constitutional naman ang mga probisyon na iyan at ang mga probisyon na iyan ay hindi lamang makakabuti sa isang grupo kundi para sa lahat.

Q: Sa palagay ninyo ba yung mga binanggit ni Cong. Rufus ay constitutional? Yung bubuo ng sariling COA, Comelec, CHR?

Poe: Yun nga yung mga tanong, pwede ba yun? Halimbawa yung ating military, sa coordination. Kung yung AFP ay pupunta sa teritoryo na iyon kailangan ng prior coordination, parang nagkaroon ng ibang bansa na kailangan mo pang kausapin. Siyempre hindi naman tayo pwedeng padalus-dalos, natural lamang sa kanila na ma-dissapoint sila. Natural lamang na hindi nila magugustuhan na mababawasan ang mga pinagkasunduan na yun pero para sa atin kailangan natin gawin kung ano ba ang nararapat.

Q: Dapat ba nilang tanggapin yun?

Poe: Hindi ko masasabi kung ano ang dapat nilang tanggapin pero sana para sa kapayapaan ay magkasundo tayo sa mga bagay bagay na hindi naman nakakalamang ang isang grupo laban sa isa.

Q: Ma'am hindi ba to be blamed ang government peace panel na pumayag sila sa ganon?

Poe: Yun ang isang sa mga issues na ni-re-raise. Ayokong husgahan o sabihin, alam ko sapat ang kanilang pananaliksik, maganda ang kanilang resume. Mayroon silang alam, institutional knowledge tungkol diyan. Pero yun nga ang sinasabi, naging masyado tayong mapagbigay, so ako may opinion akong ganon, mayroong opinion na iba na ganun din pero yun nga. Hindi lang naman ako ang bumubuo ng Senado--lahat naman kami ay kinakailangang magbigay ng aming opinion ukol diyan.

Q: Pero ma'am, napag-aralan niyo na ba ang BBL? Marami na ba kayong nakita na mga probisyon na sa tingin ninyo dapat i-amend, i-revise?

Poe: Kailangan ko pang pag-aralan ng mas mabuti. Kasi nabasa ko lang ng mabilis noon bago pa nangyari ang isyu na ito. Babalikan natin ang isyu na ito pero gaya nga ng sinabi ni Cong. Rufus, talagang nakakabahala yung mga ibang probisyon na nabanggit ko na.

Q: Sinusuportahan mo ba si Cong. Rufus dun sa nakakabahalang probisyon?

Poe: Sinusuportahan ko siya na kailangan nating masiguro na hindi tayo dehado dito sa negosasyong ito.

Q: Ma'am, mga ilang percent na po ang tapos sa committee report?

Poe: Binabasa pa lang namin ang draft. Ngayon, magkakaroon kami ng caucus kung ano yung mga pwedeng ilabas galing sa executive session.

Q: So may draft na, ma'am?

Poe: Draft lang. Di na nga natutulog ang staff.

Q: Ma'am yung report ng MILF, hihintayin niyo pa ba iyon para sa pagkumpleto ng committee report?

Poe: Sinabi nila na i-sasangguni lang nila ito sa Malaysia. Yun siguro ang peace process mechanism na pinagkasunduan nila diba? Ngayon, hindi naman pwede na mamuti na ang mga mata natin sa kahihintay, pero mas mabuti rin na makita rin namin ang kabuuan ng BOI. Para lang masiguro na ang mga nirereport sa kanila ay consistent sa mga nakalap namin na impormasyon sa resource persons.

Q: Para po ba na ang loyalty nila ay nasa Malaysia at hindi sa Philippine Government?

Poe: Mahirap mambuyo.

Q: Would you rather Malaysia gets their hands off the problem?

Poe: Malaysia is serving as a conduit, an intermediary kumbaga. So, ang nangyayari ngayon dito...Ito kasi may criminal investigation na dito. Hindi pwedeng maialis ang Pilipinas dito sa pagklaap ng impormasyon at natural ang desisyon--kailangan ang manaig ay ang ating batas. Kaya nga, sana good will na rin sa kanila--"Ito ang aming nakuha. Kahit na may mekanismo kami na dumaan muna sa Malaysia bago ipakita iyan, eto, dahil wala naman kaming tinatago, ito yun."

Q: Date para sumagot ang Smart?

Poe: Wala, pero kumuha na kami ng contact person mula sa kanila. We don't know kung papayag sila kasi meron silang customer agreement, so baka humingi pa sila ng waiver from certain individuals. Titingnan natin. Isa pa yang tinitingnan natin sa committee report kasi kung hindi sila papayag, we have to enclose the letter from Smart, saying why they're not going to give it at a specified time, or at all.

Q: How crucial?

Poe: Meron kasing time gap ng pag-uusap. Gusto lang nating ma-verify na wala na ngang further instructions munang binigay, wala na ngang further comments. Request ni Sen. Legarda and as chair of the committee, I have to honor that request and ask for subpoena of phone records. We are accepting evidence from an individual who is also being investigated, we need verification from independent source and this is Smart.

News Latest News Feed