Press Release
May 11, 2015

Sen. Grace Poe's Ambush Interview Transcript

Sen. Grace Poe: Sa lahat ng mga nandito, mga nanay, belated Happy Mother's Day. Ako'y inimbitahan ng Pangulo at nag-usap kami nung gabi bago siya tumungo sa Chicago.

Question: Nag-invite po yung Pangulo, about politics po, 2016?

Poe: Ang naging usapan namin ay tungkol sa 2016.

Q: Particularly ma'am, ano po yun?

Poe: Ang pinag-usapan namin ng ating Pangulo ay ang kanyang layunin na makapili sila ng isang kandidato na, unang-una, pinagkakatiwalaan ng ating mga kababayan. Pangalawa, na may pagkakataon na magtagumpay at ipagpatuloy ang kanyang mga reporma laban sa korapsyon. At iyon ngang mga programa para sa mahihirap ng gobyerno. So yun yung pinag-usapan namin.

Q: So ang dating po noon, parang ino-offer po ba sa inyo yun? Ano po ang dating ng ganung statement sa inyo?

Poe: Sa tingin ko naman, may posibilidad. Wala namang partikular na posisyon na sinabi sa atin ang Pangulo pero para sa kanya, importante nga ang pagpapatuloy ng reporma kung sino man ang papalit sa kanya o ano pa man.

Q: Doon sa pag-uusap ninyo na naghahanap sila ng kandidato na magpapatuloy ng reporma at may kapasidad na manalo, may pakiramdam ba kayo na kayo yung tinutukoy?

Poe: Kasi medyo maaga pa naman ngayon. Kahit sino naman may kapasidad, depende kung ano ang magiging kahihinatnan siguro ng mga opinyon ng mga tao sa darating na panahon.

Q: Pero hindi po ba kayo tinanong kung open ka, just in case, walang ganung tanong sa inyo ang pangulo?

Poe: Hindi diretsong nagtanong ang Pangulo tungkol doon. Kasi malaking desisyon yan eh. Hindi naman pwedeng agaran na may kasagutan. Ang ginawa lamang ng Pangulo ay ipinahiwatig niya sa akin na may mga konsiderasyon talaga at siguro ay isa yun nga, na may mga potensyal na nakikita niya.

Q: Ma'am ano na ang mindset niyo ngayon, are you willing to seek a higher position?

Poe: Alam mo malaking karangalan, siyempre, magkaroon ng tiwala ang isang tao rin na ginagalang mo. Kung saka-sakali man, hindi ko naman masasabi na mas malaki ang tsansa ngayon. Ang masasabi ko lang siyempre, nakakadagdag yun sa iyong desisyon, pero ito ay isang aspeto lamang, bagama't malaki, isa pa lang aspeto yan.

Q: Hindi niyo naitanong sa Presidente na sa dinami-dami ng pwedeng pagtanungan, kayo ang inuna niya bago pa siya umalis.

Poe: Unang-una kasi hindi ko alam kung ako yung unang kinausap. Baka meron na namang iba na nakausap dati, so hindi ko na natanong sa kanya.

Q: Pero ma'am sinabi ba niya na isa kayo sa kinokonsider ng administration party?

Poe: Hindi, wala naman siyang kinakailangang sabihing ganun. Basta ang sinabi niya, naghahanda na sila, kailangan magpakita ang administration nito sa coalition man o sa administrasyon nila mismo ng isang alternatibo o mga alternatibo para sa 2016.

Q: Ma'am isa kayo sa mga alternatibo na i-aadopt?

Poe: Hindi naman niya din sinabi din yun. Hindi naman niya direktang sinabi na ikaw ang alternatibo o isa ka sa mga alternatibo.

Q: Ano po ba talaga ang malinaw na gusto niyang mensahe? Para kasing puzzle, parang reading between the lines lahat yun?

Poe: Ito yung malinaw, ang Presidente, nagtatanong tayo, iniisip na ba niya ang 2016? Malinaw na iniisip na niya ang 2016. Pangalawa, malinaw na nag-iisip ang Presidente ng isang pwede nilang suportahan na una, ay may tiwala ang taumbayan at may pagkakataon na maitulak ang kanilang mga reporma. Siyempre, praktikal lamang na bagay din....

Q: Mukhang Presidente po ang inilalapit sa inyo.

Poe: Hindi. Hindi iyan ang bagay na inilalagay sa aking bibig. Walang sinabi ang Pangulo kung presidente o vice president. Basta ang sinabi niya, sana kung saka-sakali man, makaikot at makapagbigay ng mensahe na mayroong alternatibo ang administrasyon. At alam naman natin ang posisyon na tinatakbuhan ay hindi iisa lamang, kundi dalawa. Pero hindi niya talaga sinabi, tulad ng mga ine-expect ng iba na "o, mag-vice ka" o "mag-president ka." Wala siyang sinasabi. Pero importante nga sa kaniya kung sino ang may pagkakataon na magtagumpay na maipagpatuloy ang kanyang mga programa.

Q: Mag-uusap ba daw kayo ni President Aquino?

Poe: Oo. Mag-uusap pa kami. Proseso.

Q: Magiging malinaw na po ba kung president or vice president?

Poe: Hindi ko alam dahil ang kasama sa pag-uusap, development. Unang-una, yung sarili mo, kung ikaw ba ay mas nakapag-isip na tungkol diyan. Pangalawa, siyempre, yung pagtanggap ng tao. Dahil alam mo, kahit sabihin nila na survey, ang survey nagpapalit-palit. Minsan mataas ka, minsan mababa ka. So, kasama iyan sa proseso ng pagtatanong at pag-iisip tungkol diyan.

Q: Safe to say na isa kayo sa mga kinokonsidera na alternatibo ng Presidente?

Poe: Siya na lang ang tanungin ninyo ukol diyan. Sa tingin ko, may mga nasagot na rin siya. Kasi, yun nga, di ko rin alam kung sino yung iba pang nakausap niya. Yun nga lamang ay sa Canada, nabanggit niya ako, pero dapat tanungin ninyo. Baka may iba pa siyang kinausap.

Q: Binigyan ba kayo ng time na mag-isip bago kayo mag-uusap ng Pangulo?

Poe: Sabi niya, pagbalik niya. Mag-uumpisa na kaming mag-isip tungkol diyan.

Q: Ma'am, by alternative he meant alternative to LP members?

Poe: Hindi. Not necessarily.

Poe: Ang sa atin ngayon, limitado lamang ang maaaring piliin na sigurado tayo na tatakbo at alam naman natin na ang administrasyon ay wala pa namang inaanunsyo na pambato nila sa kung anumang posisyon, so siguro yun lang ang alternative na sinasabi niya na meron na ang administrasyon na kung sakali. Pero ito ay pinag-iisipang mabuti. Karangalan ang matawag ng isang ginagalang natin at namumuno sa ating lahat pero hindi naman nangangahulugan iyon na bigla ka na lang lulukso at sasama diyan.

Q: May nilatag na proposal sa inyo?

Poe: May mga bagay-bagay kaming pinag-usapan ukol diyan. May commitments pero sa tingin ko, hindi nararapat at hindi naaayon ang panahon na ito para sabihin iyan.

Q: Just in case na kausapin kayo may ready na kayong isagot sa kanya sakaling alukin kayo?

Poe: Sa ngayon, wala pa rin. May mga bagay pa rin akong dapat pag-aralan at hindi ko pa nga natatanong ang nanay ko tungkol dito. Isang bagay iyon. Tapos importante din sa lahat yung talagang buo ang loob mo, hindi dahil lang sa tingin mo kaya mo na manalo, kundi paano ka ba talaga makakatulong at ang pinakamalaking problema natin diyan ay ang mga mahihirap. Papaano natin sila ma-iaangat. Hindi lamang reporma laban sa korapsyon, kasama iyon, pero yung pagtulong talaga. So, kaya ko ba? Sa ano mang posisyon pinag-iisipan ko pa.

Q: During your meeting, kayo lang ba one on one ni Pangulo o may iba pang present?

Poe: Mahaba yung meeting na iyon, halos kami lang. May mga dumating noong bandang huli pero kami lang talaga.

Q: Andun si Sec. Roxas, ma'am?

Poe: Dumating siya nung bandang huli.

Q: Ano po ang naging participation niya?

Poe: Wala naman, sinabi lang ng Pangulo ay pareho ng sinabi niya sa akin. Sabi niya kailangan tayong magbigay ng alternatibo para sa ating mga kababayan na itulak din itong reporma na maipagpatuloy yung nasimulan ng administrasyon niya, hindi naman perpekto pero marami pang kailangan gawin so yun ang sinasabi lang niya na kailangan maghanda kung sakali.

Q: Ano yung naging response niyo, ma'am? Pagkatapos niya sabihin ang lahat? Medyo mabigat at makahulugan din po kasi yun.

Poe: Siyempre nagulat ako na pinatawag pa ako. Hindi ko naman akalain.

Q: Kelan niyo kakausapin ang mother ninyo?

Poe: Hindi ko pa nga alam. Malaking katanungan ito...Pagdating sa karanasan, mas maraming mas matagal na sa gobyerno kaya hindi ako basta-basta nakakapagbigay ng desisyon ukol sa bagay na iyan. Naniniwala akong kahit na marami pang kailangang gawin, talagang yung reporma laban sa korapsyon ay kailangang tuloy-tuloy. Sa tingin ko naman napatunayan ng Pangulo at ako na principled allies kami, kahit na sabihin mong may pananaw siya na iba at ako rin, mayroon kaming paggalang sa aming trabaho.

Q: NPC is willing to support you?

Poe: Wala naman akong naririnig, marami sa kanila ang kaibigan ko. Ang NPC ay sumuporta kay FPJ noon, at least marami sa kanila ay sumuporta. Kaya maraming salamat kung gayon pero wala rin naman akong siguradong desisyon sa ngayon.

Q: Ma'am marami bang nanliligaw sa inyo para sa 2016?

Poe: Wala naman. May mga nagsasabi-sabi.

Q: Aside from this, may other occasion ba where you and Sec. Mar talked about the elections?

Poe: Very informally lang when I talk to him. You know, it will be pretentious to say na informally, we don't see each other. Of course we do. Hindi naman tama yung oras para mapag-usapan ng malalim kung ano ba talaga yung plano rin.

Q: Ano lang ang napapag-usapan niyo informally?

Poe: Kamusta ka na? Kasi Public Order ang committee ko, so yung mga questions ko sa kanya tungkol sa mga police cars, sa Mahindra, bakit nakuha nila iyon halimbawa. So it's more about that. Siguro nagkakahiyaan din. Respeto na lang din.

Q: Kung ikaw man, ano ang tatanguan mo kung may definite na ino-offer sa iyo?

Poe: Ganito iyon, noong MTRCB, madali lang iyon kasi in-appoint lang ako pero para tumakbo para sa Senado, ilang beses akong ipinatawag sa Malacañang, nag-usap kami ng Presidente...

Q: How can you decide kung walang categorical na offer?

Poe: Yun na nga kaya nga hindi rin ako makakasagot. Ang sabi naman niya na by June malalaman din niya kung ano ang sa tingin niya na maaaring maging desisyon kung anong posisyon.

Q: Hindi niyo talaga siya pinilit? You didn't press him for specifics nung nag-usap kayo kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin.

Poe: Ayoko kasi siyang pilitin dahil hindi rin ako handa sa sagot ko. Kahit na sa anong posisyon ay hindi rin ako handa. Pero ito ang malinaw na tinanong ko sa kanya--Mr President, kung sakali na makonsidera ako, kung anuman, hindi naman po ako Liberal, susuportahan ba ninyo ako? Ang sabi naman niya ay gusto niyang magkaroon ng konsultasyon doon sa grupo nila para kahit naman hindi eksaktong Liberal pero may prinsipyo na katulad ng isinusulong niyang reporma at may kakayanan naman ang taong gawin iyon ay gusto niyang suportahan at least on a personal level but of course, the President has to consult his party for the approval. Pero ang sabi niya, he would like to make that commitment.

Q: So in other words, ma'am, you don't have to be part of LP? They can adopt you?

Poe: I think the very fact that he called me to a meeting might indicate that. Of course, it will all depend in the end if it will actually happen. I mean, at the end, the party decision will prevail, but the President mentioned that the party is not strictly political, they have non-government organizations involved as well, private citizens who give them advice...So if they will really listen to what the President meant by a least common denominator, something that will unite the party, then you don't necessarily have to be a sworn member of the party, just like what they did in the Senatorial elections in 2013.

Q: Ma'am, is it correct to say that at the very least, he's considering you for both positions? Either president or vice president? Nilinaw na niya?

Poe: Siya na lang ang tanungin mo.

Q: Did you get that impression?

Poe: Ganito, kasi ang pinag-uusapan namin ay 2016, hindi naman Senatorial slate, dahil nandito pa ako. So, by process of elimination diba?

Q: Clarification lang ma'am. So the fact na in-endorse nila si Mar, and the fact that kausap pa kayo as an alternative, so safe to say ba na alternative kayo kay Mar? In case na hindi tumaas ang surveys?

Poe: Let me get this straight. Ang sinasabi ng Pangulong alternative is alternative to the opposition. Kasi sila, mayroon ng definite candidate. Ang administration, wala pa.

Q: So ibig sabihin, hindi sila firm kay Mar?

Poe: Hindi ko alam. Wala siyang binabanggit na ganun sa akin. Alam mo, si Sec. Mar, matagal na niya itong pinaplano, at sa tingin ko naman ay ginagawa niya rin ang lahat para naman mapatunayan na kung saka-sakali man, siya ang piliin. Para sa akin kasi, wala naman akong binalak diyan.

Q: So are you up to the challenge of running for either positions?

Poe: I cannot answer you. Still. I mean, it's a long process...

Q: Pero you're open to run with Mar?

Poe: I cannot say who I'm open to run with because at this point, I'm still considering whether I'm actually going to run.

Q: Ma'am, malapit kayo kay Sen. Chiz Escudero. Kinonsult niyo na ba, tinalakay niyo na ba ang naging pag-uusap ninyo with the President?

Poe: Oo naman. Si Sen. Chiz kasi, katulad ko, independent din. Ang malinaw dun, pareho naman kaming supportive of each other at ayaw naman naming makatunggali ang isa't isa. Si Sen. Chiz sanay na ring maging independent. Kung ano man ang plano niya, hindi naman nakatali yun sa kung anumang partido. Pwede rin siyang ikonsidera---I think kinokonsidera din siya. Hindi lang naman ako.

Q: Kinausap na rin ba siya, ma'am?

Poe: Hindi pa. Tanungin niyo [si Chiz].

Q: Crucial ang June? Hindi matatapos ang June na walang mangyayaring pagpapasya?

Poe: Sa tingin ko. Pero, siyempre, pwede ring maantala. Hindi rin natin alam. Pero yun ang target goal nila as of now.

Q: Kayo po?

Poe: Siyempre, kung mayroon silang ganoong klaseng timeframe, kailangan by that time, may decision ako para they can move on. They can move on with or without me. Diba? Dahil wala rin namang firm offer. We can't really say.

Q: Did the President say why he wanted you to, if ever run, for either position. Did he say why while he was talking to you?

Poe: No, he didn't really mention that, but the mere fact that he called me there, I think that he appreciates my work. And then he knows that I am an ally in a way, but a principled ally, where I feel that my priorities are really what's best for the country. But I also appreciate what he has done. There may be some deficiencies in any particular system but we're here to help make it better.

Q: So after ng foreign trip ni President Aquino, mag-uusap ulit kayo ma'am, yun ang usapan niyo?

Poe: Yun ang usapan namin but siyempre marami rin siyang ibang prayoridad, hindi ko alam kung kailan eksakto po yun.

Q: Ma'am meron na ba kayong personal preference kung anong posisyon ang tatakbuhin ninyo kung sakali?

Poe: Wala nga, wala pa nga ngayon.

Q: Aside sa Presidente, may kumausap pa po ba sa inyo na iba na katulad ng pagpapahiwatig ni President Aquino?

Poe: May iba't ibang mga grupo, mga NGOs, lalo na yung mga active sa ating mga komunidad, nagpapahiwatig na sana magkaroon ng continuation pero gusto rin nila yung independence.

Q: Si VP Binay?

Poe: Wala namang kumakausap sa akin.

On Mamasapano report

Q: On committee report on Mamasapano Poe: Ito ay committee report on facts and findings, kung ano nangyari doon. Ngayon, merong mga bagay doon, mga bills in proposal, PNP modernization etc. na iyon ang ita-tackle namin sa public order committee hearings namin. Yung actual na mga findings namin about Mamasapano, it will stand as that. If there are any corrections, additions from the other Senators, we will attach it. But I think that now, in light of the BBL hearings, it may be introduced there. I think that's a better forum.

News Latest News Feed