Press Release
May 18, 2015

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

Senate interview:

On Poe-Francis tandem

Nagpapasalamat ako sa tiwala nila, siyempre nakakataba ng puso yon, subalit bagaman napag-uusapan namin minsan, minsan seryoso, minsan pabiro, namin ni Senator Poe, tulad nya wala pa akong desisyon at wala pa rin kaming dalawang desisyon kaugnay sa bagay na yan.

Ano yung mga kino-consider nyo?

Yung mga pinanganak na hindi mayaman, yon naman talaga palagi ang konsiderasyon kung saan kukuha ng resources, kung yan yung mga taong tutulong sa kanila sa anumang kandidatura.

Pero open kayo sir na tumakbo sa ilalim ng LP?

Mananatili akong independent, wala akong balak sumali sa anumang partido, tumakbo man ako o hindi sa darating na halalan, mananatili at tatayo pa rin akong ...

Kailan yung serious discussion?

Siguro bago mag-SONA, habang recess, magandang panahon yan para hindi kasama at maapektuhan ang yung trabaho namin dito sa senado.

Marami na bang nagtutulak para mag-tandem kayo ni Senator Grace Poe?

Sa dulo sinumang tao o grupo na nagtutulak dapat sinuman ang tatakbo, angkinin nila yung desisyon at pasya kaugnay sa pagtakbo, hayaan natin yun ang maging unang hudyat ng kanilang pagiging lider, yung pag angkin at pag-amin kaugnay ng kanilang pagtakbo at hindi yung pagpasok, pagturo sa ibang tao o grupo

If you two will run ano yung tingin nyo na advantage nyo?

Hindi ko alam, that's premature, at kung saka-sakaling mangyari man yon, hindi rin dapat pinag-uusapan dito. Mismong (taga ibang LP) ang open sa ganong possibility

Again, sinumang nagpapahayag ng paniniwala o pagsuporta sa ganyang posibilidad, nagpapasalamat ako at nakakataba ng puso yung tiwala na binibigay nila sa amin.

Wala pa bang tawag si PNoy para kausapin din kayo...

Kaugnay nito, wala, hindi pa kami nagkakausap kaugnay sa bagay na ito.

Yung naging warning ni VP Binay na huwag ibigay sa walang experience ang pamumuno ng bansa, sa tingin nyo sino yung pinapatungkulan nya?

Sinuman ang pinatutungkulan nya, gaya nga nang nasabi ko, ang isyu sa darating na election, hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya, ang mga isyu sa darating na election ang pagiging tapat, pagiging honest, pagiging fair at gayundin kapabilidad o kakayanan na alamin kung ano talaga ang tunay na kailangan ng ating mga kababayan at ito ang dapat nilang maging pangunahing pinaglalaban at hindi interes ninuman, kaibigan man, kapamilya man o kaano-ano man nila. Naniniwala din ako na ang darating na halalan, pag-uusapan palagi kung ano ang vision at plano ng sinumang lider kaugnay sa kinabukasan ng ating bansa at mga kababayan.

May pagkukulang ba si VP Binay in terms of being honest, being fair

Hindi para sa akin na sabihin yon pero hiniling ko na rin, pinanawagan na huwag magtago sa likod ng secrecy of bank deposits, gayundin huwag magtago sa confidentiality diumano ng AMLC, marapat at dapat harapin, ipaliwanag at bigyang-linaw niya ang mga akusasyon laban sa kanya na nanggagaling hindi lamang sa kalaban niya sa politika, kundi sa ahensiya na ng pamahalaan at sa korte na mismo.

You've supported VP Binay (in 2010 elections), pero sure na sa 2016, if he runs against Senator Grace Poe, na kay Senator Poe kayo?

Marami nang nnagyari matapos ang 2010, ni hindi na nga kami nadala don sa senatorial slate ng UNA, kasama si Senator Poe at si Senator Legarda, so malaki na ang pinagkaiba mula nong 2010 kaugnay ng bagay na yon.

May pagsisisi ba na sinuportahan nyo siya nong 2010?

Wala. Ganyan naman siguro marahil, bagaman bata pa ako sa politika, maagang natututo sa mga bagay na yan, ganyan siguro talaga sa mundong ito.

Nakakalungkot ba na hindi pa man nagdedeklara si Senator Grace Poe may mga controversy na about dual citizenship...

Well, definitely nakakalungkot lalo na ito yung parehong-parehong basurang binato kay FPJ nong siya ay tumatakbo sa pagkapangulo nong taong 2004. Citizenship man, kawalan diumano ng competence, kawalan diumano ng kakayanan na pamunuan ang gobyerno, yan yung eksaktong ginamit ni GMA laban kay FPJ noon. At tingnan nyo kung saan tayo nakarating sa ilalim ng administrasyon ni GMA, na supposedly matalino at competent.

News Latest News Feed