Press Release
July 8, 2015

Bam on MERS-CoV, P-Noy's Approval Rating
(From Status Update Program)

On MERS-CoV

"Tayo pong bumibiyahe, sana cooperative tayo. Kapag dumarating tayo sa airport, sometimes hindi natin pini-fill-up ang mga forms, o tinatamad tayong mag-fill-up ng tamang nakalagay doon. O 'di kaya kapag pinigil tayo, galit na galit pa tayo.

Baka kailangan po natin ng kaunting kooperasyon sa ating DOH at sa ating airport officials, para lang masigurado na hindi kakalat ang anumang klaseng virus na mayroon sa ating bansa."

On P-Noy's Approval Rating

"Mahalaga po iyan, ito pong 55 percent. Traditionally, kapag ang isang presidente patapos na, usually ho ay talaga bumababa ang approval rating ng mga presidente. Ito pong 55 percent, mataas po talaga iyan, especially for a president na patapos na ang termino.

In fact, may mga datos po rito. Si Pangulong GMA, noong 2009, o one year before she stepped down, ang kanyang rating ay -11.

Kahit nga po si Tita Cory, noong 1991, bago po siya bumaba ay -1.

Actually, kung ako ang administrasyon, matutuwa ako sa number na ito. Sana po itong last 10 months natin, bigyang pansin ang mga repormang hindi pa tapos o mga repormang kailangan pang matapos.

In fact, ang alam ko rin, in the last six months, talagang totodo na ang government spending.

Ang isang batikos, mahina daw ang government spending for 2015. Ngayong second half, babanat iyan ng imprastruktura, mga daan, mga tulay at mga bagay-bagay na makatutulong sa ating taumbayan.

We're hoping po na with this 55 percent, wala pong mag-lelet go, dapat po todo pa rin ang trabaho."

News Latest News Feed