Press Release
July 10, 2015

INTERVIEW WITH SEN. FRANCIS G. ESCUDERO (FGE)

QUESTION: Sir 'yung meeting niyong tatlo (with PNOY and Sen. Poe) na magkakasama talagang pinlano po ito?

FGE: Actually nauna akong imbitahan. Pero alam ko naman na inimbitahan din si Sen. Poe, sumunod siya makalipas ang isa't kalahating oras matapos namin magsimulang magpulong. Talagang detalyadong break na talagang ganon...

QUESTION: Sir bakit kailangang kayong dalawa?

FGE: Hindi ko alam. Siya ang nag-imbita. Naimbitahan lamang ako, kami at binigyang-galang namin ang imbitasyon ng pangulo.

QUESTION: Pero sir dun sa loob ng meeting, ano po napag-usapan ninyo?

FGE: Maliban sa bagay-bagay na walang kinalaman sa 2016 meron din. Pero partikular tungkol sa 2016, tulad nung unang usapan nila ni Sen. Poe na sana ang papalit at hahalili sa kanya ay ipagpapatuloy yung kanyang reform agenda na sana magpatuloy ito dahil kung ito'y magpatuloy, maganda ang magiging takbo ng ating ekonomiya pasulong sa pagiging first world country natin in a matter of a few decades. At dagdag pa doon na sana'y yung koalisyong sumuporta sa kanya ay manatiling buo at intact.

QUESTION: Sir bakit kayo, bakit hindi si Sec. Mar Roxas?

FGE: Hindi ko alam tanungin mo siya. Again naimbitahan lang kami at binigyan-galang namin ang imbitasyon ng pangulo.

QUESTION: Sir ano iyung meron dun sa coalition? Kasi sir 'di ba sabi niyo magiging independent kayo kung tatakbo?

FGE: Bahagi naman kami ng koalisyong 'yun. Bilang miyembro, bilang partido man, bilang indepiendente, bahagi naman kami ng koalisyong yun kabilang na ang mga non-government groups na sumuporta sa kanya noong siya ay unang tumakbo noong 2010.

QUESTION: Sir may in-offer po ba sa inyo?

FGE: Walang inalok at wala kaming tinanggap. Walang inalok at walang kinailangang tanggapin o anuman.

QUESTION: Sir ano po nakikita niyo? Kasi parang tatlo na kayo...

FGE: Parang malabo. Ano'ng picture? Blurred e. Ano'ng picture? Hindi ko alam basta kami, ako nakikinig nakikipag-usap. Hindi naman ako aatras sa anumang pakikipag-usap o dayalogo. At wala pa namang pasya si Pangulong Aquino gayundin naman ako.

QUESTION: Sabi niyo kasi di ba gusto ninyo ng unified ticket? So parang is it a message na kapag may siang tatakbo dapat yung may ibang balak tumakbo for the same position...

FGE: Well, yun ang kanyang ninanais at naisin. Pero siya na rin mismo ang nagsabi at nagkwento nung naganap at nangyari noong 1992 kung saan yung koalisyon na sumuporta sa kanyang nanay ay nagkahati-hati din. Mabuti na nga lang daw ang nanalo ay si dating Pangulong Ramos.

QUESTION: Sir ano yung impression niyo dun? Sa sinabi niya n asana isa na lang ang kandidato...

FGE: Wala, expected ko naman yun kay Pangulong Aquino na siyempre sino ba naman ang may ayaw nun? Subalit hanggang dun lang din naman ang kanyang sinabi at pinahayag. Yung kagustuhan, mithiin at layunin niya na mangyari yun. Pero wala naman syang hiniling na pabor, wala rin siyang inimpose na anumang bagay.

QUESTION: But on your part, did you give your commitment that you will keep the coalition intact?

FGE: It's not for me to keep the coalition intact.

QUESTION: Sa side ninyo sir, commitment niyo na to still be in that coalition.

FGE: Walang hiniling din na ganon ang pangulo kaugnay sa pagsuporta sa kadidato. Ang naalala ko pinahayag ni Sen. Poe sa kanya ay - siya ay napabilang at nakasali sa koalisyon tulad ng marami dahil mismo kay Pangulong Aquino.

QUESTION: Pero sir hindi ba the fact na sinasabi niya yun, would mean he's asking for your support?

FGE: Pero wala pa naman nga siyang napapahayag na gusto at pasya kaugnay sa bagay na yan. Tinanong ko siya ng diretso kung nakapagpasya at desisyon na ba siya dahil malapit na ang katapusan ng buwan. Sabi niya wala pa.

QUESTION: Hindi, I mean yung pagiging intact ng coalition na malinaw na yun ang hiling niya.

FGE: Well ang tanong sa likod nino? Tinanong ko nga siya kung may pasya at desisyon na siya kung nakapili na ba siya kung sino. At sino ba kung saka-sakali ang mga pinagpipilian at kinakausap niya. Sabi niya wala pa raw siyang desisyon at pasya.

QUESTION: Hindi ninyo pinilit sir?

FGE: Hindi. Kasi hindi ako reporter e. Baka pag pinilit iba ang isagot.

QUESTION: So puro generalities iyung sinabi niya na ipagpatuloy yung reporma ganyan?

FGE: Ganon naman talaga si Pangulong Aquino. Mahirap humingi ng specific baka hindi mo magustuhan yung balik na sagot sa iyo. So kami ang inimbitahan. So hindi naman para sa akin na magdikta kung ano ang dapat na pag-usapan at kung gaano kalamin ang magiging pag-usap. QUESTION: Hindi kayo direktang sinabihan na: 'Wag ka na munang...

FGE: Wala.

QUESTION: Did you get the sense na kaya pinapa give way ka niya kasi may Mar and Grace Poe siyang gusto?

FGE: Hindi rin. Walang ganon. Iba rin kasi 'yung lebel kasi ng pag-uusap namin. Matagal na rin kami hindi nagkikita at 'di nakakapag-usap so magaan, walang ganung pakiramdaman, walang ganung estimahan. Gaya ng sinabi ko, mas papakinggan ko, didinggin ko ang sasabihin niya bilang kaibigan imbes na bilang pangulo.

QUESTION: Pero sir, may sense bang posibleng kayo naman ni Senator Grace ang kunin ang LP?

FGE: The mere fact na wala siyang desisyon at pasya, hindi naman miyembro ng Liberal Party si Senator Poe. So the mere fact na kinakausap niya si Senator Poe at wala pa siyang desisyon magpasa-hanggang ngayon, bagaman iisa lamang naman mula sa Liberal Party ang nagpapahayag ng intensyon na lumahok sa 2016 elections, pagpapatunay 'yon na wala pa siya talagang desisyon at pasya at nilalawakan niya 'yung kaniyang perspektiba kaugnay ng mga pagpipilian.

QUESTION: At kasama si Senator Grace Poe doon at ikaw?

FGE: I think sinabi na rin 'yan. Ako, nabanggit din niya, oo. Dahil dapat daw, sana daw, sa hindi malayong hinaharap, magkausap daw kaming apat.

QUESTION: Kasama si Secretary Mar? Ano 'yung response niya?

FGE: Oo. Sige, anong ulam? (laughs) Okay lang, walang problema. Ano mang imbitasyon ng pangulo kaugnay sa bagay na 'yan, gagalangin ko naman palagi.

QUESTION: If ever sir, what would you discuss with Secretary Mar?

FGE: Hindi ko rin alam. Kahit naman 'nung inimbitahan niya ko hindi ko rin alam e. So tinanong ko nga siya, nung simula tinanong ko nga siya tungkol dun. Ang sabi nga niya, 'yung binanggit ko, 'yung pagpapatuloy ng reporma at pagkakaroon ng intact na coalition pa rin.

QUESTION: Kapag nag usap kayong tatlo pare-pareho kayong tatakbo so inopen ba 'yung idea na 'yun?

FGE: Wala.

QUESTION: Sir in the past, Senator Grace said na, sinabi niya na you would remain independent. May ganun ba kayo na ano?

FGE: Yes, maliwanag 'yun.

QUESTION: But Sir, apat kayo? Senator Grace, Secretary Mar...ikaw at si P-Noy.

FGE: Na magpulong daw muli bago ang kanyang SONA.

QUESTION: Walang malinaw na agenda sir? FGE: Mas maganda, malinawag, mas maganda na malinaw, klarado 'yung ulam at 'yung kakainin.

QUESTION: Kahit 'yung pag-uusapan sir, walang idea?

FGE: 'Yun pa rin. Ayokong pangunahan ang pangulo, ayokong dagdagan ang sinabi niya. Hanggang dun lang 'yung sinabi niya at ano man ang intensyon niya, o nasa isip niya kaugnay sa mga rason, motibo bakit 'yun ang sinabi niya. Hindi niya sinabi, ayoko siyang pangunahan sa bagay na 'yan.

QUESTION: Sir before SONA so critical ba 'yung magiging pulong ninyong apat bago magdecide?

FGE: Malamang, malamang. Nabanggit naman niya 'yun e - na sana, magkausap-usap tayo uli, bago ko mag-announce dahil nasabi na raw niya na mag-aannounce siya bago mag-July 31. Biniro ko nga e, sabi ko pinostpone mo naman 'yan ng nakaraan, pwede mo ipostpone uli. 'Yun na nga ay napostpone na kaya hindi na pwede.

QUESTION: Inclined ba kayo sa request ni president o yun na ang ano?

FGE: Hindi siya nagrequest. Gaya ng sabi ko, hindi siya nagrequest, hindi siya nag-apela. Pinahayag niya 'yung kagustuhan niya pero hindi siya direktang nagsabi na huwag kayong aalis. Walang ganun. Sabi niya, historical lang - 1992, sa nanay niya. Nagka-apat na kandidato yata 'yung coalition nila, ayaw niya sana mangyari 'yun. Pero wala siyang rektang request o kahilingan, walang rektang tanong nakailangang sagutin.

QUESTION: Are you staying sa pagiging independent with Sen. Grace Poe?

FGE: Bahagi naman kami ng coalition bilang independent. Walang rason para baguhin namin 'yun. Magiging bahagi man kami o hindi pero gaya nga ng sabi ko, coalition ito sa likod ni Pangulong Aquino. Lahat ng miyembro ng koalisyong ito sumama dahil kay Pangulong Aquino. Mapa-LP man o non-LP, kapartido man, NGO, indibidwal man. Gusto ko sana magpahayag siya ng ganung klaseng mithiin. Normal naman 'yun at inaasahan. Asahan natin dapat 'yun.

QUESTION: Possible sir na dumating sa point na 'yung parehong kukunin ni P-Noy kunyari si Senator Poe, kayo, Si Mar. Si President ang kailangang...?

FGE: Walang ganoon. Walang ganoon. Wala namang prosesong pinapasukan ang sinuman eh para sabihing siya ang pipili. Wala namang ganoon eh.

QUESTION: Are you going to seek for his endorsement?

FGE: Kailangan muna magdesisyon tumakbo bago manghingi ng endorsement. First come, first serve muna. One thing at a time. So...

QUESTION: Pero dun sa meeting ninyo sir ano ho 'yung impression mo, susuportahan ka daw ba niya kung saka-sakaling...

FGE: Ayoko siyang pangunahan. Ang maliwanag sa akin, wala pa siyang desisyon.

QUESTION: Pero sir sabi ninyo kanina nga...

FGE: Hanggang ngayon wala pa siyang desisyon at pasya.

QUESTION: Pero sir sabi ninyo nga kanina parang 'yung idea na mas bukas, mas maliwanag 'yung perspective. Ibig sabihin, you're among the choices na nakikita. Kayong dalawa ni Grace Poe na dadalhin sa LP.

FGE: Hindi dadalhin sa LP ah. Wala ring ganoon. Koalisyon ito.

QUESTION: Dadalhin ng... koalisyon?

FGE: Koalisyon.

QUESTION: Yes. Yes.

FGE: Ang sabi ko bahagi nga kami 'nun 'eh kaugnay ng pagsuporta sa kanya.

QUESTION: Sir, but are you trying to 'yun nga...mag-stay as...

FGE: But you have to understand, this is a new coalition that he is building ah. Kaya nga mithiin lang yung koalisyon na nasa likod niya eh. Kasi siyempre itong koalisyon na binubuong bago, sa likod ng ibang tao ito kasi pa-retiro na siya eh. So dahil wala pa nga siyang desisyon, wala siyang puwedeng hingin na direktang pabor na 'Mananatili ba kayo dito?' Kasi wala pa namang desisyon kung sino at ano e dahil sa likod niya, mananatili naman kami palagi dun.

QUESTION: Kayo ba sir may pinrove kayo sa possibility kay president?

FGE: 'Pag ako na nag-imbita sa kanya. Siya kasi nag-imbita sa'kin nakakahiya magsalita 'eh. (laughs) Wala.

QUESTION: So nakikinig lang talaga kayo?

FGE: 'Di ba kung sino nag-imbita, siya 'yung host 'di ba? So...

QUESTION: Pero sir, five hours na puro ganoon...

FGE: May music din. Kasi maganda 'yung speaker niya. May music din kahalo 'yon. Alam mo bang may bagong CD si Gary V?

QUESTION: Pinarinig niya sa'yo?

FGE: At nauwi ko pa 'yon (laughs).

QUESTION: Sir totoo bang five hours?

FGE: Four? Four, four na.

QUESTION: Sir sa isang interview sabi niyo...

FGE: Matagal na kasi kaming hindi nagkausap eh.

QUESTION: Sir sa isang interview sinabi ninyo kaninang umaga, walang malinaw na batayan upang iparamdam ni president na si Mar Roxas ang kanyang sinusuportahan.

FGE: Wala naman talagang malinaw e kasi tinanong ko siya, 'yun ang tinanong ko nang diretso. Nakapagdesisyon ka na ba? May napili ka na ba? Wala pa. Kaya nga ako nakikipag-usap at nagkokonsulta.

QUESTION: Sir after ng meeting, ano pong napag-usapan niyo ni Senator Grace Poe? Ano pong idiniscuss ninyo?

FGE: Kung nasaan 'yung driver niya kasi nawawala eh.

QUESTION: (laughs)

FGE: Hindi. Hindi ako nagbibiro. Hindi nga ako nagbibiro kasi kapag labas natin wala, ang tagal tagal sumakay pa 'dun sa'kin palabas e. Hinanap namin.

QUESTION: Hindi ba ano?

FGE: Talagang sumasagot 'yung driver niya.

QUESTION: Oo nga. Oo nga eh.

FGE: Ano? Ano?

QUESTION: Na kayo 'yung kinakausap at...

FGE: Hindi para sa 'kin ang sabihin 'yun, siguro para sa kaniya na tanungin niya siguro 'yun hindi para sa'kin na isipin kung anong epekto at dating nun sa kanya.

QUESTION: Pero sir 'yung plataporma may mga idadagdag ba na plataporma sa napag-usapan po ninyo para sa koalisyon?

FGE: Wala. Wala. Pinag-usapan namin, reporma, tuwid na daan, at pagtitiyak na 'yung daang matuwid ay maipagpapatuloy.

QUESTION: So wala siyang nasabi sa inyo kung nakausap niya si Secretary Mar about dun sa...

FGE: About saan?

QUESTION: Tungkol sa tuwid na daan, repormang ipapatupad niya.

FGE: Kung nakausap niya si Secretary Mar...

QUESTION: About elections.

FGE: May nabanggit yata siya na nag-uusap din sila. Kaya nga kasama at iniimbitahan niya.. Kami kasama din si Sec. Roxas siguro.

QUESTION: Prinomote niya ba si Sec. Mar?

FGE: Hindi naman. Hindi naman, pinagtanggo lang niuya... Ay...

QUESTION: Kasi sinabihan niya si Senator Grace Poe na si Sec. Mar is a good person person. Ngayon ba may certain topic siya?

FGE: Wala.

QUESTION: Wala bang hint na he's asking Senator Grace to give way for Mar?

FGE: Wala rin. Walang ganun. None at all.

QUESTION: 'Yung possibility na puwede ninyong takbuhan ni Senator Grace Poe based sa survey?

FGE: Maliwanag din naman sa kanya 'yun. Pero ganoon naman si Pangulong Aquino e. I can understand. Bagama't siya ang pangulo, he's a humble and he's cryptic when uses words. Kasi hindi naman siya puwedeng diretsong magsalita e.

QUESTION: Pero, sir, okay na sa inyo 'yun cryptic?

FGE: Matagal na rin kaming hindi nagkausap kaya okay na rin 'yun.

QUESTION: Sir paglabas niyo ni Senator Poe sa Palasyo bakit parang lost kayo pareho?

FGE: Hindi naman. I cherished that time given to me at least by the President. Again, as I said, matagal-tagal na rin naman kaming hindi nagkakausap e. Tungkol sa ibang mga bagay din maliban sa 2016.

QUESTION: So when you came out of the meeting, ano 'yung naisip. Ano 'yung ssense mo dun sa pag-uusap?

FGE: Nagkaroon ako ng L.S.S. Kasi maraming kantang pinatugtog e.

QUESTION: Sir, yung seryoso.

FGE: Hindi ako nagbibiro. Totoo ito.

QUESTION Sir, yung totoo naman kasi.

FGE: Hindi ako nagbibiro nga.

QUESTION: Sir, iyong puwedeng i-ere?

FGE: Na L.S.S. ako ng Sana Maulit Muli.

QUESTION: Sir, pero pangalawang pag-uusap ninyo na about election 2016.

FGE: Ano yung feeling ko? Nakangiti (laughs).

QUESTION: Sir ano 'yung na-sense ninyo? Sir, luminaw ba 'yung plano ninyo sa 2016? Nakatulong ba?

FGE: Definitely nakatulong, for sure.

QUESTION: In what way sir?

FGE: Sa pagtimbang ng mga bagay bagay. Pagtingin ng diretso sa kanya kung ano ang nasa isip niya, ang opinyon niya. Definitely nakatulong yun sa pagbubuo ng desisyon at pasya ng pangulo kaugnay ng pagtakbo at hindi pagtakbo sa 2016 ng nakangiti.

QUESTION: Ano na ang desisyon? Tatakbo ba talaga kayo?

FGE: Saan nanggaling ang tanong nay an?

QUESTION: Nakatulong sa a pagbuo ng desisyon e, sir, nakangiti...

FGE: Kaugnay nga sa pagtakbo o hindi pagtakbo o kung anong papel ang gagampanan sa 2016.

QUESTION: Sir talagang part ng decision-making niyo si P-Noy?

FGE: Nasabi ko na iyon noon, hindi bilang pangulo, hindi bilang lider ng Liberal Party kundi bilang kaibigan.

QUESTION: Most probably ba sir he will make his decision after ng meeting niyong apat?

FGE: Hindi nakabase iyon doon.

QUESTION: Sa inyo po?

FGE: Hindi naman siguro din kasi mas maraming kailangang timbangin ang walang partido. 'Yung walang pera, walang makinarya kaysa doon sa meron. So, siguro naman yung may ga mganoon ang partido at makinarya may mas karapatan silang unang magdesisyon at magpasya kaysa kami. Hindi ito isang madaling desisyon na dapat minamadali din.

QUESTION: So far, si Senator Grace Poe lang ang kumakausap sa inyo? Sa possible tandem?

FGE: Tinatanong kasi ako papayag ka ba, maging bise nito, maging bise niyan? Hindi naman ako kinakausap tungkol dun, nakakahiya namang sumagot kung papayag ako o hindi. So, ang sabi ko kanina, ang kumakausap lamang sa akin kaugnay ng mga plano sa 2016 si Senator Poe lang.

QUESTION: In-ask ka ni Senator Poe maging VP niya?

FGE: No, pinag-uusapan ang 2016.

QUESTION: Pero ang posisyon, sir?

FGE: Cryptic pa din.

QUESTION: Walang malinaw na 'O sige 'pag ako tumakbong president, ikaw ang VP ko'?

FGE: Mas maganda siya ang tatanungin mo tungkol doon. Basta kaya kong sagutin pinag-uusapan namin sa 2016 at siya lang ang kumakausap sa akin kaugnay ng 2016. Unfair na sumagoit ako kung gusto ko papaya ako na makasama ito o iyan. Ni hindi man lamang kami nagkikita o nag-uusap. Baka i-deny ako.

QUESTION: Wala kayong pag-uusap sir pagkatapos ng meeting ninyo?

FGE: Wala e, kasi may sunod siyang appointment at matagal-tagal naming hinanap ang driver niya.

QUESTION: Sir, sa tagal niyong hinanap ang driver hindi kayo nag-usap?

FGE: E, paano, panay ang lingon, panay ang hanap, panay ang text. Hindi ako nagbibiro. Tanungin mo siya.

QUESTION: Hindi niyo man lang tinanong sir, ano ang tingin mo?

FGE: Ano? Wala. Kasi noong bumababa kami hinatid kami ni Marfil e so paano kami mag-uusap?

QUESTION: Sa meeting po, kumusta si Senator Grace?

FGE: As she usually is. Assertive when she needed to be assertive, very frank and candid with the president.

QUESTION: Sir, nabanggit ninyo rin dati pa na magiging independent kayo, will you be willing to support the coalition if ever?

FGE: Depende, sino?

QUESTION: Si Mar po?

FGE: Depende nga kung sino. Paano ka sasagot kung sasama ka sa koalisyon o hindi kung hindi mo alam kung sino at siya mismo umamin wala pa naman siyang pasya at desisyon at niliwanag namin sa kanya yung koalisyon na meron ka ngayon, ay koalisyon sa likod mo na sumusuporta sa iyo, naniniwala sa iyo. Ang LP ay isa lamang namang bahagi ng koalisyon na yun. Maraming ibang mga partido, grupo at tao na bahagi ng koalisyon na yun, at isa lamang naman doon ang LP...

QUESTION: Pero sir, as far as some LP members are concerned, si Senator Mar na ang presumptive candidate nila. Paano kung siya?

FGE: Siyempre, dahil siya lang naman ang miyembro ng LP na nagsabing nais niyang... nagsabing interesado siyang tumakbo. Siya lang naman eh, so that should not come as a surprise... Ah, very much like any other party na merong presidential candidate o nominee, siyempre, yun ang sasabihin ng kanyang mga kapartido. Pero gaya ng sinabi ko, ang koalisyon na nasa likod at tumatayo sa likod ni Pangulong Aquino, ay koalisyon na binubuo ng napakaraming partido, grupo at tao. Isa lamang doon ang LP.

QUESTION: Paano po kung si Senator Mar yun maging... ay Secretary Mar yung maging anon g coalition na yun?

FGE: Ah Pano kung siya ang... ano yung tanong mo? Anong paano? (laughs)

QUESTION: Would you support the coalition?

FGE: Kailangan ko munang magdesisyon ng papel na gagampanan ko sa 2016 bago ko pagdesisyunan ang ibang tao.

QUESTION: Sir, ano yung possibility na mag-give way ang isa sa inyo ni Poe, e considering na mas mataas ang number niya kaya no...

FGE: Ang assumption mo pareho na kaming tutuloy at may isang kailangan mag-give way. Wala pa namang deklarasyong tulad niyan si Senator Poe. Wala pang igi-give, wala pang igi-give way eh.

QUESTION: Pero ang taas ng numbers.

FGE: Pati naman si Secretary Roxas wala pa naman siyang igi-give way dahil hindi pa naman siya deklaradong kandidato rin. Ano pinag-uusapan namin? Tanungin niyo yung nag-iimbita, naimbitahan lang naman kami, hindi naman ako ang nagse-set... naimbitahan lang naman kami.

QUESTION: Parang kwentuhang ano lang e... pochero.

FGE: Actually ano to, ah.. palabok... kahapon palabok... pwede ba next time may kanin? (laughs)

QUESTION: Mga ilang meeting pa sir, bago yung declaration?

FGE: Hindi ko alam...

QUESTION: Pero definitely isa lang ang kandidato?

FGE: Ayon kay Pangulong Aquino pero sinabi din niya mag-uusap kame inabot ng mga isa't kalahating buwan eh, so hindi ko alam. Hindi ba ang tagal nun ha? Sinabi niyang mag-uusap kami ni Chiz. Ang tagal nun ha? Inabot ng mga isang buwan yun ha? Sabi ko alam mo nauubusan na ako ng sagot.

QUESTION: Busy ka, busy ako...

FGE: Bakit ang tagal?

QUESTION: Sir, pero si P-Noy, lost din?

FGE: Hindi naman maliwanag na nahihirapan siya sa desisyon na iniaatas sa kanya kaugnay ng pagpili. Kkasi usually babae naman ang gumagawa nun, hindi ba yung pipili kung sino ang sasagutin? Ito, siya bigla yung pipili. At sa kanya iniaatas yung pagpili.

QUESTION: Bakit kaya siya nahihirapan sir? Anong factors kaya tinitingnan, survey?

FGE: Kasama palagi yun siyempre. At hindi naman siguro yun lang, survey, kakayanang ipagpatuloy ang kanyang programa, kakayanang buuin ang kanyang koalisyon at kakayanang pangunahan ang ating bansa at ituloy ang kanyang tuwid na daan.

QUESTION: Sir yun bang desisyon ni P-Noy is a make or break for any candidate?

I cannot speak for others, I can only speak for myself. Again, the way in his comments and decision, and whatever he says will weigh on me as a friend. Dahil nga hindi naman ako miyembro ng partido niya bagaman kaalyado ko siya at tingin ko naman mas may timbang palagi ang sasabihin niya bilang kaibigan.

QUESTION: Sir dun sa unified ticket nag-warning ba siuya against any particular candidate? Or scenario na mangyayari in case magkawatak-watak yung...

FGE: Wala, opposite lang ng tuwid na daan. May ipinakita siyang chart na ito yung takbo ng ekonomiya ngayon sa tuwid na daan. Kung magpatuloy ito ng tuloy-tuloy ganitong kabilis na mararating natin ang ating pag-unlad. Ito naman yung di tuwid na daan, sinubukan ko lagyan ng pangalan tumawa lang siya eh.

QUESTION: Anong pangalan?

FGE: Pagdating ni Grace sinubukan ko lagyan ng pangalan eh. Ito ba si ano... kasi may color code eh. Tinawanan lang ako.

QUESTION: Anong kulay sir?

FGE: Hindi, sorry, puro... huwag mo ng bigyan ng kulay,

QUESTION: Orange ba?

FGE: Huwag mo ng lagyan ng kahulugan yun puro blue, shades of blue. Shades of blue, blue at shades of blue. Kaya tuloy di mo na makita yung pagkakaiba eh. Puro blue eh kaya hindi mo na makita ang pagkakaiba.

QUESTION: Pero sir sabi ninyo nakakatulong sa pagdedesisyon niyo. Mapapabilis ba iyung pagdedesisyon?

FGE: Hindi naman naming layuning pabilisin yun o madaliin yun.

QUESTION: So kahit hanggang filing of COCs po?

FGE: Yun naman talaga yung huling punto, dahil nakita mo na sa nakaraang kaganapan sa mga eleksyon, ang daming nagsasabi sa dulo, hindi naman nagpafa-file pagdating ng filling. Ang daming nagsasabi at nagdedeny pa nga pero pagdating sa dulo nag-dedeny pa nga eh pero sa dulo, nagpa-file. So yun pa rin ang point of no return.

QUESTION: Sir sabi ninyo kanina nahihirapan siya sa pagdedesisyon. Ibig sabihin hindi qualified iyung mga kaalyado niya sa LP?

FGE: Hindi naman sa hindi qualified. Pero marami siguro siyang tinitimbang, siyempre kabilang na run yung winability, pagpapatuloy ng programa at ang, kung buo ang tiwala niyang yun ang gagawin baka sinasabi lang na nagli-lip service lang. At ang mas mabigat siguro sa kanyang pinapasan ngayon, yung mga taong umaasa sa kanya, naghihintay sa sasabihin niya kung sino ang dapat bang suportahan at dapat bang pakinggan. Kasipag nagkamali siya, siya ang sisisihin sa dulo. Yun siguro yung mas mabigat na pinapasan at dinadala niya. Ayun sa kanya.

QUESTION: Sir, just to clarify...

FGE: yes ma'am.

QUESTION: Willing kayo to meet with Sec. Mar kahit nung 2010 ay hindi ninyo siya sinuportahan?

FGE: E 'di ang mas dapat tanungin mo siya hindi dapat ako hindi ako hindi ba? Kasi hindi naman ako tumakbo ng 2010 eh.

QUESTION: Pero kayo? Willing kayo?

FGE: Bakit, hindi ko maintindihan yung tanong, what do you mean by willing ako?

QUESTION: Willing kayo na kausapin siya about yung sinasabi ninyo?

FGE: Nag-uusap naman kami eh. Nag-uusap naman kami ni Sec. Mar kaugnay ng trabaho, ng budget at tuwing nagkikita kami. Hindi kaugnay ng 2016. So, on the willingness? Ni hindi applicable yung tanong e dahil nag-uusap naman talaga kame, kahit walang ganitong uri ng imbitayson. Ngayon, kahit na hindi ko siya sinuportahan nung 2010 alam niya naman yun at totoo naman yun. Alam niya naman yun na totoo yun at hindi naman issue yun. Dahil noong nakaraang election na lamang hindi na kami, nilaglag na nga kami at hindi kami dinala ni Binay, remember, ako si Grace at si Loren. So I don't think that's even an issue for him. Tsaka past is past hindi ba? Depensa agad e.

QUESTION: Yung pag-aarrange sa inyo ni president, first time sa inyo about 2016?

FGE: Nabanggit na rin ni Pang. Aquino yun dati kay Sen. Poe noong una silang nagpulong.

QUESTION: May kinalaman - walang kinalaman na nga dahil past is past na nga, so hindi na rin kayo...

FGE: Hindi. Hindi naman ako yung may - kung saka-sakali, hindi naman ako yung may issue. Wala naman kaming pinag-awayan. Hindi ko naman siya inaway. Nagkataon lang na iba ang sinuportahan ko noon. Ano?

QUESTION: Nag-comment lang... may sense ata si Maila na nagsisis kayo sa sinuportahan niyo. Nagsisisi daw ba kayo na iba ang sinuportahan ninyo?

FGE: Hindi naman. Sabay-sabay tayong - sabay-sabay naman nating nalalaman unti-unti yung mga bagay na lumalabas ngayon. So, noong panahong yun, wala namang nakakaalam at wala namang lumalabas na ganoong uri ng ebidensya laban sa kanya. Hindsight is always 20-20, but in this case, hindi hindsight e, foresight is 20-20. Yes ma'am?

QUESTION: Ano po yung pwedeng ma-accomplish sa tingin ninyo sa meeting ninyong apat?

FGE: Hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam. Ano ang pwedeng ma-accomplish? Bukas ang linya, ano man ang maging desisyon at pasya ng bawat isa, na hindi ito rason para mag-away, mag-bangayan o magpersonalan. Palagi namang merong mapupulot sa pag-uusap. Palagi namang may magandang epektong madudulot ang dayalogo at talakayan. Walang mawawala.

QUESTION: Sir, clarify lang.

FGE: Ano'ng kinasaya mo?

QUESTION: Sir did you get yung maging impression na, sir kasi iba kung one on one kayo ni Pinoy, iba rin yung tatlo kayong kasama tapos si Sen. Grace. Did you get the impression na yung tandem niyo, kung tutuloy kayo, kayo yung ike-carry ng pangulo?

FGE: Hindi ko pwedeng sabihin yun nang hindi nya sinasabi, pero, pati ako, nagulat ako kung bakit at hindi ko inasahan kung bakit magkasabay o nagkataong nagkasabay lang kami. Kasi, later pa dapat sya, baka ina-assume niya, tapos na kami siguro dapat, pero nagpaalam ako sa kanya e. Noong nalaman ko na nandoon na si Sen. Poe, nagpaalam ako sa kanya dahil yun na yung next appointment niya. Sabi nya, "Okay lang, dito ka na muna." Binigyan ko ng kortesiya kasi yung susunod niyang ka-appointment nandoon na e.

QUESTION: Pero sir kayo, akala ninyo one on one lang po kayo? Hindi mangyayaring biglang tatlo na kayo?

FGE: Yun ang pagkakaalam ko kasi nga nauna ako, parang 1:30 yata ako, alas tres si Sen. Poe, e nag-abot, nagpang-abot. Kung sinadya, nasadya man o hindi ninuman, hindi ko na kayang sabihin yun.

QUESTION: Sir yung bagong AFP chief, si Ireberri, meron po daw kasong nakabinbin sa kanya, hindi po ba makakaapekto yun sa appointment niya?

FGE: Well, magpapatuloy yung mga kasong yun, wala naman syang immunity from suit. So, patuloy yung mga kaso laban sa kanya pero maganda ring makausap at ihayag ni Gen. Ireberri ang kanyang plano bilang chief of staff. Una, patungkol sa AFP modernization. Pangalawa, tungkol sa Bangsamoro at sa BBL areas, kung saan may kaguluhan pa sa ating bansa. Pangatlo, tungkol sa problema natin sa China at kung paano ito iha-handle ng bagong chief of staff. Kung hahayaan na ba niya ang mga civilian agencies na gumalaw at magsalita dito o tulad pa rin ng dati, AFP pa rin ang mangunguna sa mga diskusyon at pananalita tungkol dito. Dagdag din, yung papel na gagampanan ng AFP sa darating na mga kalamidad, hopefully, wala, ngayong panahon ng tag-ulan dahil sila ang pangunahing nakaupo sa NDRRMC.

QUESTION: Kelan yung next meeting? Ah wala pang petsa?

FGE: Wala pang date.

QUESTION: So before SONA?

FGE: Yun ang sabi niya.

News Latest News Feed