Press Release
August 12, 2015

Bam on MRT, Substitute BBL, New Navy Chief and 2016 Budget
(From Status Update Program)

On 48 New MRT coaches

"Sinasabi po nila na ang kanilang private partner, na kapag may gustong gawing pagbabago, parang pinipigil o mayroong mga complaint. Sabi namin sa Senado, iyan ang long term, ano ang ating short term na solution.

Ito, 48 na bagong tren ay papasok sa ating bansa sa August 2015. 2 1/2 minutes na lang ang hihintayin kapag rush hour. Kaya lang, kailan mai-install ang mga bagong tren kasi August 15 iyan darating sa ating bansa.

Kung three months, saktong-sakto sa Christmas rush. Kailangan iyan kapag Christmas rush. Ngunit hindi lang daw iyan ang bibigyan ng atensiyon, pati ang mga baradong CR, escalator na hindi gumagana, elevator na walang nangyayari at mga sirang riles.

Napakalaking challenge ito sa DOTC. Nakakailangang hearing na tayo sa Senate tungkol dito. Sana huwag na nating paabutin ang 2016 bago maayos ang isyu natin sa MRT."

On Substitute BBL

"Kasama ako riyan. Seventeen kami riyan. May bago pong pangalan ang bill ni Senator Bongbong. Ang pinangalan po niya, Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region. Kasi nga daw maraming pagbabago ang ginawa sa batas.

Actually, late afternoon po iyan naibigay sa amin. Naaral po natin ang ilang probisyon. May mga pagbabago, mukhang okay naman ang mga pagbabago but definitely, pag-uusapan pa iyan sa plenaryo.

In fact, next Monday, magsisimula na ang floor debates. I expect na it will last ng isang buwan. Probably, one month po iyan dahil ganito kahalaga ang batas na ito.

Ang aming opisina, nakahanda na rin ang gusto naming mga pagbabago, and hopefully, ang mailabas naming batas, ay talagang isang magandang batas, na hindi kasing kontrobersiyal ng original BBL, and yet mare-resolve po ang pangangailangan ng mga kapatid nating Muslim."

On China and New Navy Chief Rear Admiral Caesar Taccad

"Iyong expansion ng China in the last two years ay almost 1,200 hectares ang kanilang nabuo at ginawang bagong lupa. Before that, napakakaunti lang ang kanilang na-reclaim na lupa.

Nakuha na natin ang attention pero ang support, makukuha ba natin? Super power iyan. In fact, sabi nga ng iba, sa FIBA Basketball World Cup, ang ganda ng presentation natin, pero in the end, China pa rin.

Pero naniniwala pa rin ako na may peaceful resolution diyan. Hindi aabot tayo ng armas, hindi po tayo aabot ng karahasan. Ang mahalaga diyan, nag-uusap-usap ang mga bansa.

Idagdag niyo na po riyan, kapag ang Chinese fishing boats ang makapasok sa teritoryo natin. Hindi po iyan maliliit na bangka kundi industrial fishing iyan. Ubusan po iyan ng isda.

Kaya sana po maprotektahan po natin ang ating teritoryo, kaya good luck po kay Rear Admiral Taccad."

On 2016 Budget

"Of course, ang budget po, ngayon ay nasa Kongreso and by November, nasa Senado na po iyan. Pero nagsisimula na rin, paunti-unti, ang hearing sa ating budget.

May ilang congressman po mula sa oposisyon, nagsasabi na may pork pa rin. Ito ang gusto kong linawin at klaruhin.

Iyong Pork po, pinagbawal na po ng Supreme Court. Iba pa ang lump sum, iba pa iyong DAP.

Magkakaiba lahat pero sometimes ang opposition at ang mga balita rin, parang pinagsama-sama na lahat, isa na lahat ang meaning pero magkakaiba po iyan.

Ang lump sum, hindi nakahimay-himay, hindi nakadetalye. Noon po, puro lump sum ang budget, even in previous administrations.

Sabi naman po ng DBM, mayroong mga kailangang lump sum talaga. For example, kung mayroon kang disaster fund ay wala pang disaster. Hindi mo iyan madedetalye nang buong-buo. Tinatawag po iyan na contingency fund o disaster relief fund. May iilang lump sum po diyan but as much as possible, naka-minimize po iyan.

Last year, kahit iyong budget ng DepEd ng budget para sa classroom, pinahimay-himay ng mga senador. Kailangang sabihin mo kung anong lugar at kung ilang classroom. In fairness to DepEd, na-comply naman po nila iyan. Ibig sabihin may mapupuntahan.

Kung ikaw ay isang mamamayan at ito'y public document, puwede mong i-check. Ito'y tinatawag na lump sum, na kailangang himayin. Pero mayroong lump sum na hindi mo puwedeng mahimay.

Iba pa iyong Pork at iba pa ang insertion. Ano ang pinagkaiba niyan? Iyong Pork, it is decided after the budget is already signed into law. May pondo na, magbibigay ang congressman tsaka senador kung saan ito pupunta.

Ito po ang lumang gawain. Hindi ko po ito naranasan kasi pagpasok ko wala nang Pork. Pero noon, pupunta ang mga tao, at sasabihin, "Senator wala kaming tulay sa Pangasinan, puwede mo ba kaming pondohan ng tulay?"

Sasabihin ng senador, "Mayroon akong PDAF na ganito kalaki, ang bahagi nito mapupunta sa tulay sa Pangasinan. Nangyari riyan, ito na iyong pera pero ang 10 percent, 20 percent niyan akin ha."

Iyong ilang NGO maayos naman, pero ang ibang NGOs, hindi sila NGO. Ang tawag po doon, mga sindikato. Kapag pinadaan sa sindikato, nariyan na po ang Napoles at mayroong Roque na ngayon. Sabi ng Supreme Court, masyadong magulo ang sistema na iyan, bawal na iyan.

Iba ang insertion. Ang insertion, kapag ang inyong congressman or ang isang senator, nagsasabi, priority area ito, priority project ito, ilagay ito sa budget.

Kapag binoboto mo ang congressman mo, ano ang una mong tanong? Ano ba ang nagawa ni congressman dito? Napondohan ba niya ang ospital, napondohan ba niya ang kalsada? Mayroon ba tayong tulay?

Kung noon gagawin niya iyan sa pork, ngayon kailangan niya iyang gawin through the budget. We are allowed to do that because iyan ang trabaho ang congressman at senador.

Pero pass the budget, ibig sabihin, ang tingin namin na di dapat paggastusan, tatanggalin, pero ang tingin namin na dapat gastusan, lalagyan. Kung ang pinaglalagyan mo lang ay ghost project at kung anu-ano, masama iyan.

For example, may isang congressman, sabi niya wala kaming ospital dito. DOH Secretary, puwede mo bang lagyan ng ospital ang aming distrito. Sige ho, Mr. Congressman, Mr. Senator, lagyan natin iyan ng ospital. Ito po sa budget, P100 million sa ganyang distrito.

Ito po ba ay masama? Masama iyan kung ang pera ay hindi mapupunta sa ospital. Pero kung napupunta iyan sa tamang lugar, that's actually the congressman and the senator doing their jobs.

Ang mga senador po, dahil national kami, mas pinipili ang national programs. Ang mga congressman, dahil lokal po sila, pinipili nila ang nasa kanilang distrito.

For example, may mga senador, sa edukasyon naka-focus. So sasabihin nila, kailangan na bawat SUCs, may dapat maayos na cafeteria. Pondohan natin ng P1 million bawat SUCS para may bago silang cafeteria. Hindi naman iyon masama.

Maliban sa detalyado, dapat napupunta sa tama 100 percent. Iyon siguro ang nagiging confusing. Pero asahan po ninyo, babantayan po natin ang budget na ito."

News Latest News Feed