Press Release
September 9, 2015

Bam on Metro Manila Traffic, Internet
(Status Update Radio Program)

On the Metro Manila Traffic

"Umalis ako ng Senate papuntang QC kahapon, mga past 5. Nakaabot ako ng QC in 1 hour. Ibig sabihin, iyong window na iyon, ok pa. Pero kung naghintay ako ng 30 minutes, aabot ng tatlong oras ang biyahe ko. Grabe nakapa-unpredictable.

Yesterday morning din po kasi galing akong Bulacan, ni-launch po natin ang Bulacan Negosyo Center. Traveling back from Bulacan, ito ang experience ko.

Umalis kami ng kapitolyo ng Bulacan ng 11:30 am, hinahabol namin ang session pabalik ng Pasay. Umabot kami sa SM North EDSA, 12:00 pm.

Pagdating naming ng SM North EDSA hanggang Santolan, 1 hour and 20 minutes. Hindi kami gumagalaw. Parang parking lot. Punung-puno ang kalsada. Napansin ko nga, pag-south bound ka sa area na iyon, puro bus terminal ang makikita mo. Sunud-sunod ang bus terminal. Kung hindi ako nagkakamali, may re-routing na ginagawa ang HPG.

From the gas station sa Santolan, all the way to Makati, six minutes. Walang kotse sa daan, napakabilis! Pagdating naman sa Makati, may mabilis lang akong ka-meeting doon, hanggang Pasay, 10 minutes. Pagkabilis-bilis.

Tingin ko, ang terminal ng bus, ang malaking bagay po diyan. In fact, doon sa hearing namin, may nagmungkahi na dapat lahat ng terminal ng bus, wala na sa EDSA.

Palagay ko, wala na dapat sa EDSA ang mga bus terminals. Noon kasi na walang gaanong trapik, ok lang iyan. Pero ngayon, lahat ng bawat galaw ng bus, kunwari aatras ka lang o magmamaniobra ka lang, malaking bagay na iyan. Sa likod na lang sila mag-exit at hindi paharap sa EDSA.

Isang malaking adjustment siguro sa mga commuters, iyong mga nagbababa na lang sa talagang babaan. Sa totoo lang po, iyon ang napansin ko going home from Pasay City, kahit saan puwede kang magbaba.

Pero napansin ko po since Monday, mas istrikto na talaga, may bantay. Nakatutulong din iyan para mabawasan ang traffic. Kasi every time na tumigil ka para magbaba at magsakay, tigil po lahat iyan.

In fairness to HPG, mukhang itong eksperimento nila, they're really trying. Of course, kung ano ang tamang formula, kailangan pa ng kaunting oras para ma-figure out nila.

Ang tingin ko riyan, mag-ta-try sila ng mga bagay-bagay, kung hindi pa ring gumana, may bagong patakarang ipapataw. Kung hindi pa rin, may bago na naman. Siyempre, pa-istrikto nang pa-istrikto iyan.

Mabigat na mabigat pa po ang usapin tungkol sa traffic. In fact, next Monday, mayroon po kaming pangalawang hearing. This time, nangako na po ang ibang agency heads na pupunta sila.

In fairness, sabi naman nila first day iyon, kailangan nandoon kami sa kalye. Sabi ko naman, first day iyan, diyan kayo sa kalye. Sabihin niyo sa amin kung ano ang successful at hindi successful.

Naging magandang usapin rin sa hearing namin noong last Monday iyong usapin ng long term. Kasi lahat ng pinag-uusapan natin, nasa short term iyan, iyong mga puwedeng gawin ngayon para ma-resolve ang traffic.

Iyong permanente, may ipinakitang study ang JICA, until 2030 iyong plano nila. Hundreds and hundreds of billions of pesos ang nakalagay doon na kailangang investment pagdating sa pagdagdag ng kalye, linya sa MRT at LRT, pagkakaroon ng mga major roads.

Palagay ko, nasa stage na tayo na kung maganda ang plano at may pera tayo, bakit hindi natin pondohan?"

On Internet

"Nagkaroon po ng isang magandang balita. Ang PLDT at ang DOST nagpirmahan ng MOA on IP peering of government websites. Lilinawin ko po ito. Isa sa nakakabagal sa ating Internet sa bansa ay ang kawalan ng IP peering.

Pagdating sa Internet, mayroon pa rin tayong issues diyan. Ang nangyayari, ang data na hinuhugot sa website ko, umiikot pa sa buong mundo. Ang tawag diyan, latency, kaya pag-click natin, ang bagal-bagal bago umabas. Iyan po ang tinatawag na lack of IP peering.

Kung tayo nag-uusap dito lang sa Pilipinas, mas mabilis iyan. Iyong isang minumungkahi natin sa ating hearing lagi ay magkaroon ng interconnection o IP peering iyong malalaking kompanya.

Kasi kung hindi, umiikot pa iyan sa buong mundo ang data at tumatagal.

Ngayon na ang PLDT ay nag-MOA signing sa PLDT, ang mga subscribers ng PLDT, pagdating sa government websites, mas mabilis na.

First step pa lang ito sa pagkakaroon ng totoong IP peering. Good news po ito pero binabantayan pa rin na magawa ang totoong IP peering kung saan ang private at public sectors, nag-uusap-usap ang mga website. Maganda ho diyan, nangako rin ang PLDT na within one month, iyong mga usapin nila sa ibang ISP ay matatapos na rin."

News Latest News Feed