Press Release
September 15, 2015

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW AFTER DOF BUDGET HEARING

Q: Sir, what do you think of the proposed budget of DOF?

Sen. Juan Edgardo Angara: I think it's disgraceful. You're depriving people who don't earn a lot. But yet, you want the government to have new offices, di ba? People are struggling to make ends meet tapos we are spending the government's money like it's our own personal money.

Q: Masyado bang hindi makatarungan yung hinihingi nila?

SJEA: I think - you have P30B subsidy to Land Bank and DBP - Sen. Recto made a point. It's not needed at this point. Eh, tamang-tama yun ang halaga na kailangan natin for tax reform di ba?

Q: Ano ang balak nila Sir?

Hindi talaga nila prayoridad kumbaga. Kumbaga, gusto nila gastusin yung pera, ayaw nilang ibigay sa tao. Yun na yun. Yun ang lumalabas dyan. That's the bottom line.

Q: Sir, sa committee ninyo hindi niyo ba pwedeng harangan?

SJEA: Sa Ways and Means? Hindi. Hindi namin jurisdiction. That's the Finance Committee chaired by Sen. Legarda. Siyempre mag-uusap din kami at sa akin, palagay ko yung P30B sa Land Bank at saka DBP, hindi masyadong urgent yan. Mas urgent yung umento sa sahod sa paraan ng pagbababa ng income tax. Sa palagay ko mas urgent yan dahil ang pinag-uusapan dyan 5 milyong katao, di ba?

So, anong silbi ng pagbibigay ng subsidiya sa LBP at DBP kung wala namang makaka-deposit? Walang pera ang tao.

Q: Sir, tututulan niyo ba yan? Yung pagbibigay ng subsidy sa government banks?

SJEA: Well, I'm not in favor. I maybe outvoted but I think it's not a judicious use of the people's money.

Q: Sir, may announcement ang presidente kahapon na tutol sya sa income tax reform. Ano ang masasabi nyo?

SJEA: Well, ang kinakatakutan ko talaga ay hindi siya binibigyan ng tamang impormasyon ng ating mga opisyal pagdating po sa ating ekonomiya. Dahil tinatakot siya na kapag ipinasa po natin yan eh bababa yung credit rating natin at yung deficit o yung inuutang ng gobyerno ay tataas. Pero lumabas po rito sa hearing natin ngayong umaga na ang deficit po natin nitong huling taon ay mas mababa po sa isang (1) porsyento. Sabi nga ni Sen. Recto may surplus pa. Ang ibig sabihin, mas maraming pera ang gobyerno kaysa sa inuutang niya. So sa akin talagang hindi prayoridad kumbaga.

Pero ako, may pag-asa pa rin ako sapagkat si PNoy, ang rekomendasyon nila dun sa batas natin sa bonus o pagpapataas ng exemption sa bonus eh ang recommendation nila Sec. Purisima at Commissioner Henares ay i-veto siya, pero pinirmahan ng ating pangulo.

So ang aking nakikita rito importanteng makuha niya yung tamang impormasyon. At sa palagay ko, gagawin niya yung tama.

Q: Sir, ano po ba ang status ng bill na yan dito?

SJEA: Dito sa Senate hindi kami makakilos sapagkat ayon sa saligang batas, meron tayong article na nagsasabing hindi puwedeng umusad ang ating panukalang batas - hindi natin maaaring ilabas ng komite kapag hindi pa naipapasa ng Kamara de Representantes.

Q: Sir paano po ninyo mabibigay ang correct information sa presidente?

SJEA: Well, we'll find a way. You know, it's the 21st century.

Q: Sir, send him a position paper or meet with him?

SJEA: Yeah. If he's too busy to meet us then we'll just send him some documents that hopefully he gets to look at.

News Latest News Feed