Press Release

SEN. GRACE POE SPEECH
Club Filipino
September 17, 2015

Magandang umaga sa inyong lahat

Alam niyo po 'pag titingnan ninyo po, itong kulay na ito ay light blue na pinili ng nanay ko sabi niya huwag mong kalilimutan ang Mahal na Birhen sa iyong buhay kaya piliin natin ang light blue at puti

Si Sen. Chiz ay pula, nakita natin na nabubuo na ang watawat ng Pilipinas. Sa ating mga kababayan sinabi ko po sa inyo ang ating layunin kahapon na sana itong mga pangarap natin para sa ating mga kababayan ay matupad natin nang sabay-sabay, na walang maiiwan. Isang pamahalaan na may tunay na tulong at pagmamahal, may puso isang pamahaallaan na may puso para sa kapwa.

Sa araw na ito ay ikinagagalak ko na meron na rin tayong magiging katuwang sa pangarap na ito na isusulong. Alam niyo po may mga nagsasabi na dahil kaibigan si Sen. Chiz, kaya ko kasama. Totoo kaibigan ko si Sen. Chiz, pero pagdating sa bayan, ang ating dapat gawing batayan ng mga makakasama ay isang taong mapagkakatiwalaan natin, isang taong may kakayanan at isang taong may nagawa na para sa kanyang mga kababayan.

Totoo, noong 2003 pa lang nakasama na namin si Sen. Chiz. Noong 2004 kadiliman ng demokrasya sa ating bansa, ang iba ay nagsi-alisan at hindi na nagsalita o lumaban dahil kapag sila ay nagsalita hindi na magbibigyan ng funding ang kanilang proyekto o hindi sila mabibigyan ng pabor ng administrasyon. Ngunit hindi natakot si Sen. Chiz na maglahad ng katotohan ukol sa nangyari ng 2004.

Ngayon bakit importante ito? Hindi dahil lamang sa tatay ko, dahil ang boto na nawala ay hindi lamang boto para kay FPJ kung hindi ang mga karapatan natin, na mamili kung sino ba ang dapat mamuno. Ito'y isang karapatan natin na hinding hindi isinuko ni Sen. Chiz.

Siya ang isang nagsulong ng early childhood education sa Senado. Ito ay isang panukala na para ang mga musmos nating mga anak ay mabigyan na ng magandang simulain sa kanilang buhay. Kaya nga lumago ang day care centers natin sa kanyang programa, kaya nga ngayon yung mga day care centers natin na laganap dahil na rin sa kanyang initiatibo na ito. Ngayon ang aking standard lunch program na matagal ko nang itinutulak, ang ginawa naman ni Sen. Chiz bilang isang finance committee chair, ay itulak at aprubahan ng aking mga kasamahan sa senado na lahat ng malnourished na mga bata ng 2015 ay mabigyan ng pagkain sa tanghalian. Dahil yan kay Sen. Chiz.

Yung sinusulong natin na dapat magkaroon ng makatarungang sweldo sa ating mga kababayan, yung ginawa ni Sen. Chiz na minimum wage law na dapat wala ng magbabayad ng taxes kapag ikaw ay nabibilang sa mababang kinikita sa bansa, siya po ang nagtulak at nagpasa niyan sa Senado. Sa kanyang mga kababayan sa Sorsogon, alam niyo si Sen. Chiz sa nakaraan na adminstrasyon, sapagkat ang mga proyekto na dapat para sa mga tao sa Sorsogon ay iniipit dahil siya ay nabibilang sa mga oposisyon.

Pero kahit papaano ay nakagawa ng paraan para makatulong sa mga pinakamahihirap niyang mga kababayan doon. Marami pang kailangan gawin at dito sa ating paglalakbay dapat ay sama-sama tayo at sa mga taong makakasama natin, hindi sa isang tao na kasama lamang natin dahil kaibigan natin, hindi. Kasama natin, una dahil mapagkakatiwalaan. Pangalawa, dahil gagawa ito ng tama para sa ating bayan. Lahat kayo ay inaasahan namin. Sabi ng iba bakit ka ganyan magsalita ng tagalog, tila yata masyadong makata. Parang si Sen. Chiz din ganoon, hindi dahil sa magkaibigan kami. Dahil 2003 ganoon na ako magsalita 'pag may interview ako para sa aking tatay. Pareho kami nanood ng mga pelikula ni FPJ noong bata kami. Ang tagalog na nararamdaman ng ating mga kababayan.

So ngayong araw, ikinagagalak ko na sabihin sa inyo na hinihingi ko ang inyong suporta para sa ating maasahan na manilbihan sa atin, ang ating pangalawang pangulo Sen.Chiz Escudero.

News Latest News Feed