Press Release
September 23, 2015

Bam on Samal Kidnapping, ex-LTO Chief Torres and Safety of Gadgets
Status Update Radio Program

On the Samal Kidnapping

"Napaka-bad news po ito. This is really so unfortunate kasi itong Samal island is starting to become a good tourism area. Dumarami na po ang bumibisita rito. Alam naman po natin na kapag may balitang ganito, napakasama ang tama sa ekonomiya ng lugar. Sana po itong mga nakidnap, mahanap agad.

Naalala ko noong 90s sa Dos Palmas, Palawan, I think Abu Sayyaf din iyon. But if you remember, nahirapan din ang lugar after this. We're hoping na ma-resolve ito agad-agad at sana mahanap ang tatlong foreigners na bumibisita sa Pilipinas at ang Pinay na kasama sa nakidnap."

On ex-LTO chief Virginia Torres

"Maganda ngang imbestigahan pa kasi sa totoo lang ang ganiyang balita, hindi talaga maganda. Siyempre, former government official, so hindi talaga maganda na lumalabas ang balitang iyan. Sana po, ang former at current government officials, huwag nang makialam o huwag nang manghimasok sa mga issues pagdating sa Bureau of Customs at sa smuggling."

On Safety of Gadgets and Accessories

"Sa mga vendors o negosyante natin, kailangang maging masinop tayo kung saan kumukuha ng produkto't bilihin. Sa mga namimili naman, i-check natin. Sa totoo lang, hindi namin masasabi kung mataas ang lead content ng produkto.

For example, sa crayola noong nag-store check kami, iyong ibinibentang mataas ang lead content, mukha talaga siyang colorum na colorum ang dating.

For just a few centavos or few pesos, may mga tatak na tama, may mga Bureau of Product Standards (BPS) labeling, doon na tayo sa safe.

Itong mga produktong ito, may mga cartoon character pa ang iba kaya pambata talaga. Papa-check po natin ito sa DTI."

News Latest News Feed