Press Release
October 2, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate
President Franklin M. Drilon by Jun Desca

Q: Usapan po itong mapipili ng Liberal Party na magiging katandem ni Secretary Mar Roxas, si Congresswoman Leni Robredo ay 100% sure na po ba?

SPFMD: Inalok kay Congresswoman Leni Robredo ang pagka-bise presidente at katandem ni Mar Roxas. Siya po ay humingi ng konting panahon para komunsulta at makonsulta ang kanyang mga anak at kaalyado; at siya po ang sa aming tingin ang karapat-dapat na maging bise presidente dahil ay siya po, she personifies good governance - the good governance that endeared Jesse Robredo sa kanyang mga kababayan, lalo na po sa Naga City.

Kaya sa aming tingin, ang pinakamahusay at pinakadisente at bagay na maging bise presidente ni Mar Roxas dito po sa "Tuwid na Daan" ay si Congresswoman Leni, ngunit hintayin na lang po natin, sa Lunes siguro ay magkakaroon na ng announcement.

Q: Sakali sir na umatras siya, may ibang option po ba ang Liberal Party?

SPFMD: Wala po kaming naiisip doon dahil buo ang aming pagasa na tatanggapin ni Congresswoman Leni yung ang aming alok na siya ay maging vice presidential candidate.

Q: Sa latest Pulse Asia survey, ay mataas po ang rating niyo bilang Senate President. Mataas din po ang approval rating ng Pangulong Aquino, samantalang yung kabilang kampo ay bumababa. Ano po ang masasabi niyo diyan?

SPFMD: Ito po ay nagpapakita lamang na ramdam ng taumbayan ang mga benepisyo dahilan sa "Tuwid na Daan" at maayos na pamumuno, it is bearing fruits. Alam mo, kung ikukumpara mo sa lahat ng pangulo sa nakaraang 20 taon, ito pong rating ng Pangulong Noynoy ay siyang pinakamataas.

Towards the last year of his administration ay mataas pa rin ang pagtingin ng taumbayan sa kanya, at ako po ay natutuwa rin na tayo po ay maganda ang tingin ng taumbayan. Kalahati, 54 percent po ang Pangulong Noynoy sa performance rating, tayo po ang pangalawa at 50 percent.

Yung iba pong opponents, yung si Vice President Binay ay talagang bumubulusok at bumababa at patuloy po ang pagbaba ng kanyang performance rating at trust rating. Sa akin po, palagi kong sinasabi ay ang titingnan natin ang trend ng mga surveys at dito po ay nagpapakita na properly informed ang taumbayan kung alin ang kanilang ibig ipagpatuloy - yung bulok na pamumuno ba o yung "Tuwid na Daan" - at dito nagpapakita na ramdam na ito ng taumbayan. Kaya kami po sa Partido Liberal ay natutuwa sa ganitong pangyayari.

Q: May isang huling sesyon po sa Senado bago magbreak. Ano pa po ba ang mga panukalang batas ang tinututukan ngayon ng Senado?

SPFMD: Patuloy po ang pagtutok namin sa Bangsamoro Basic Law, sana po matapos ang mga debate by October 7, ngunit kung hindi man ay ito po ay ipagpapatuloy namin pagbalik namin sa Nobyembre. Ako po ay nakakasigurado na bago matapos ang taon ay magiging batas na ito.

Kahapon ay naipasa namin yung panukalang batas tungkol sa pagdagdag ng educational and other benefits sa mga anak ng mga yumaong sundalo, pulis, miyembro ng Bureau of Fire Protection, NBI, at iba pa. Ganoon din ang pagpapataas ng parusa sa smuggling ng agricultural products, habang buhay pong pagkakulong ang aming batas na aming ginagawa.

So marami pa po kaming pinaguusapan at tatapusin bago po kami magtapos sa October 7.

News Latest News Feed