Press Release
October 8, 2015

Bam on Candidates, 2-Decker buses, Dengue and Teaching of History
(Status Update Radio Program)

On Candidates

"Maganda na marami tayong pinagpipilian kaysa naman sa isa o dalawa lang. At least ito, mas marami. Napansin ko, parang lahat ng mga kasama ko sa Senado tatakbo yata.

Sabi nga nila, ngayong end of the year na lang ang legislative calendar kasi pagkatapos ng taon, election time na iyan.

Marami pa kaming kailangang talakayin. Actually mayroon pa tayong mga batas na hindi pa tapos. May dalawang buwan pa tayo, hahabulin natin ang mga importanteng batas."

On 2-decker Buses

"Tinanong ko ito noong hearing namin. Hindi raw puwede ang double-decker kasi ang overpass natin mababa.

Sabi nga sa hearing, itong paggawa ng double-decker, makatutulong ito dahil dumoble ang capacity mo sa parehong espasyo.

Hindi ito dagdag kundi substitution para hindi na dumami ang sasakyan kundi madagdagan ang kapasidad."

On Dengue

"Sabi nga nila, this is 23.5 percent higher than 2014 so malaki ang increase. Kailangan talaga nating mag-ingat.

Iyong mga pools of water, iyong may still water o hindi gumagalaw na tubig kailangang takpan. Maging malinis tayo at mag-ingat sa dengue."

On Teaching History to Students/ Heneral Luna

"Napanood ko ang Heneral Luna. Maganda. Unfortunately, may iilang mga bata na hindi alam, tinanong si Epy Quizon kung bakit palaging nakaupo ang kanyang karakter na si Apolinario Mabini, kumalat ang balita.

Ngayon, pati po si Pangulong Noy at si Bro. Armin Luistro, nabanggit na rin at tinatanong kung bakit ang ating mga kabataan, hindi na kilala ng ating mga bata.

Si Jerrold Tarog po, congratulations sa pag-direct ng film na ito at sa mga lahat ng gumastos kasi alam ko, napakataas ang budget at kitang-kita naman ang quality.

More than anything, babalik rin tayo sa history, ang tanong sa mga bayani natin, iyong sa mga histories, realities, hindi pagkakaunawaan, mas magandang napag-uusapan iyan kasi the more lumalalim ang ating appreciation sa ating pinanggagalingan at kasaysayan."

News Latest News Feed