Press Release
November 23, 2015

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin M. Drilon
with former Rep. Angelo Palmones and Rey Sibayan

Q: Assesment po ninyo sa katatapos lang na APEC Leader's Summit?

SPFMD: Malaking bagay po at ating naipakita sa ating mga kababayan at mga bisita na talagang lumago na ang ating ekonomiya, at mas importante ay binigyang diin natin ang papel ng mga small, medium and micro enterprises, yung mga maliit na mangangalakal na siyang nakakapagbigay ng maraming trabaho at kabuhayan sa ating mga kababayan.

Q: In fact, under your leadership, napasa yung Go Negosyo bill diba?

SPFMD: Marami po kaming naipasa na mga panukalang batas upang mabigyan natin ng pagakakataon na lumago ang mga small and medium-scale industries dahil po 90% ng ating mga kompanya sa ating bansa, ay yang mga small and medium-scale enterprises (SMEs), at maraming trabaho naibibigay po iyan sa ating mga kababayan.

Q: How can we assure continuity ng magandang programa na iyan? Ngayon ay kaliwa't kanan ang pagtatayo ng mga Negosyo Centers, at nakita natin ang pagdami ng SMEs natin.

SPFMD: Mayroon po tayong mga Negosyo Centers kung saan po mas madali po ang pagrehistro ng mga small and medium industries, binigyan po natin sila ng recognition para sa mga loans na nakukuha sa mga bangko, yung ating mga tax treatment sa kanila, nandiyan na po sa batas na iyan, hindi na po mapapalitan.

Q: With the law, hindi po pwede na hindi to ipagpatuloy?

SPFMD: Tama po iyan, kahit na anong administrasyon ang papasok sa ating bansa, patuloy po iyan dahil iyan ay batas na.

Q: Kanina ay kausap namin si Associate Commissioner Gilbert Repizo ng Bureau of Immigration, ngayon lang po lumabas itong mga impormasyon tungkol sa mga serious threats nitong katatapos na APEC. In fact, may mga pinagdadampot pala talaga. Sabi ko nga po, yung iba ay nagrereklamo doon sa seryoso at mahigpit na seguridad pero may totoong seryosong pagbabanta mula po sa mga dayuhan na pumasok sa bansa.

SPFMD: Tama po iyan, at siguro po mapapagpasyensyahan ng ating mga kababayan yung konting higpit sa seguridad dahilan po sa mga banta sa ating seguridad at nung 20 na heads of state na nandito po sa ating bansa. Can you imagine kung may nangyari naman ay talagang nakakahiya po sa ating buong bansa. Ngayon po ay taas-noo tayong masasabi na talagang matahimik sa atin and we were able to secure all these heads of states.

Q: That was an effort na ginawa ng iba't ibang sector, kasama ang DILG, DND, BI, halos lahat ng ahensiya ay kumilos.

SPFMD: Tama po iyan. Ang hindi po nakakilos ay yung Kongreso dahil isang linggo kaming wala po sa Senado, yung aming pong pagdedebatehang national budget, ay naantala dahil sa APEC, kasama po iyan sa ating kooperasyon.

Ngayong umaga po ay aming uumpisahan ang national budget, at iyan po ay may early Christmas sa ating mga kawani sa pamahalaan, dahil kasama po dito sa ating P3 trillion budget ay mayroong P50.7 billion budget na nakalaan para sa pagtaas ng sahod ng ating mga kawani sa pamahalaan. Uulitin ko lang po, may P50.7 billion na nakalaan sa ating 2016 budget para po sa ating mga kawani sa pamahalaan, at itong budget na po na ito ay ating gagamitin pagkatapos natin maipasa bago po magpasko itong Salary Standardization Law IV.

Kaya malaking bagay po itong budget na maipasa po natin on time. Uumpisahan po namin ang mga debate ngayong umaga ng alas-9, at gagawin po namin ang lahat para po by first week of December ay ating maipapasa po ito sa Senado.

Q: So itong adjustment ay mararamdaman by January 2016?

SPFMD: Tama po iyan. By January 2016 ay mararamdaman na po ang pagtaas ng sahod ng ating mga kawani ng pamahalaan.

Q: Sa Senado po walang problema, pero baka sa Kongreso, walang quorum?

SPFMD: Hindi po, naipasa na nila. Ikaw, mga dating mo itong kasamahan sa Kongreso, nangangantiyaw ka ah (laughs). Ngunit naipasa na po nila, at naibigay na po sa amin noong nakaraang linggo, ngunit dahil sa APEC ay hindi po namin natalakay.

Alam mo dito rin sa budget na ito, isang malaking dagdag ay sa budget ng Ombudsman. Sa kasalukuyang taon, ang budget ng Ombudsman ng P1 billion. Dito sa 2016 budget, tataas sa P1.7 billion o 70% increase.

Alam mo dito sa kasaysayan ng ating mga national budget, nakikita natin na talagang nadadagdagan ang mga budget ng mga critical na ahensya ng ating pamahalaan, gaya ng Ombudsman na siyang lumalaban sa katiwalian sa ating pamahalaan, kaya 70% ang pagtaas, from P1 billion in 2015 to P1.7 billion in 2016. Malaking bagay po ito.

Q: Ano po iyan, para sila ay magha-hire ng additional na mga abogado?

SPFMD: Kasama po iyan, ang additional lawyers, dahil medyo marami rin ang mga kaso diyan sa Office of the Ombudsman na medyo nabibinbin, kung minsan tumatagal. Kaya kasama diyan ang pagdagdag sa mga abogado, sa ngayon po mayroon po sa mahigit kumulang na 20,000 na reklamo sa mga kawani ng pamahalaan at ito po ay marami talagang kaso diyan kaya siguro kailangang dagdagan ang ating mga abugado.

Q: Nababanggit po ninyo itong itinaas itong budget sa 2016, saan po natin kukunin iyan?

SPFMD: May sapat po na resources ang ating pamahalaan, yung ating deficit ay naco-control natin. May deficit ngunit iyan po ay within standards. Ito po ay may sapat na pondo, at isa sa mga pinanggagalingan ng pondo ito ay yung ating 'sin taxes' na ating ipinasa noong 3 taon na ang nakakaraan. Yung sin taxes po, mahigit sa P100 billion ang nakokolektang karagdagan dahil po sa ating ginawang batas.

Q: Ang pangamba, baka taasan daw po ang buwis natin.

SPFMD: Hindi po, wala pong balak na magtaas ang buwis.

Q: Siguro po dapat din natin i-commend ang BIR, dahil ang taas ng kanilang collection.

SPFMD: Tama po iyan. Medyo marami pong umuungol, pero kailangan po natin iyang karagdagang buwis dahil medyo mababa ang ating koleksyon. Dahil kahit tumataas ang koleksyon ngunit as a percentage - ang measure diyan ay 'Gaano ba ang porsyento ng buwis na nakokolekta doon sa kabuuan ng ating ekonomiya - ay medyo mababa pa, kaya nagsusumikap ang BIR na pataasin pa natin without additional tax revenues.

Q: Hindi niyo ba kino-consider yung 'Soda Bill," yung tax sa softdrinks?

SPFMD: Wala pa sa amin. Kasi iyan ay revenue measure,at iyan ay nanggagaling at dapat tatapusin muna sa Kamara De Representante.

Q: Pano po ngayon ang Bangsamoro Basic Law?

SPFMD: Pagkatapos ng debate namin sa budget, pagkatapos ng debate tungkol sa pagtaas ng sahod o yung Salary Standardization Law, yaan po ay on top of our agenda, o yung lagi naming inuuna naming pagdedebatehan. Iisa na lang po o dadalawa na lang po sa pagka-alam ko ang mga senador na humihingi ng panahon para magtanong. Yaan po siguro ay matatapos namin bago matapos ang taon.

Q: So hindi po tayo kapos sa panahon?

SPFMD: Hindi naman siguro. We are on time, we can pass that by December.

Q: Alas - 9 pa po mamayang umaga ang inyo sesyon sa budget sa Senado diba?

SPFMD: Opo, alas-9 ngayong umaga, tuloy-tuloy po iyan mula ngayong umaga, bukas, hanggang Biyernes po, wala na kaming ibang agenda kung hindi yung budget.

News Latest News Feed