Press Release
January 14, 2016

STATEMENT OF SEN. GRACE POE ON PENSION INCREASE VETO

Nakalulungkot ang pangyayaring ito dahil alam natin na ang direktang tatamaan nito ay ang mga pensioner at manggagawa.

Walang dudang kailangang dagdagan ang benepisyo ng SSS habang pinananatiling matatag ang pondo ng ahensya.

Nais ko pong malaman kung ano ba ang katanggap-tanggap na karagdagang pensyon kung hindi naaangkop ang dagdag na P2,000 sa pensyon ng mga miyembro ng SSS.

Hamon ko sa board Ng SSS, sana magbigay sila ng konkretong alternatibo dahil sa tingin ko mayroong sapat na pondo upang magbigay ng dagdag na benepisyo.

News Latest News Feed