Press Release
January 25, 2016

SEN. ANGARA'S TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW AFTER AIRPORT TAXI HEARING

Q: Sir, paano po maiiwasan yung napakataas na charges sa airport taxis?

Sen. Juan Edgardo "Sonny" Angara: Well, ang lumalabas dito sa imbestigasyon natin, ang mga nag-o-overcharge yung mga rent-a-car at hindi raw yung mga taxi. Kasi daw yung mga taxi, either naka-metro yan or yung mga tinatawag fixed fare. Kumbaga, naka-set na yung kanyang destination. Ang gusto natin dito is palawakin talaga yung lebel ng serbisyo at yung types of transport--anong klaseng transportasyon ang puwedeng sakyan ng publiko. Dahil kung pumunta tayo ng ibang bansa, makikita natin meron silang mga tren, meron silang subway, bukod sa taxi, bukod sa bus, napakaraming puwedeng sakyan ng mga pasahero kaya madali, at kaya dinadayo sila ng mga turista. Dito sa atin, medyo limitado tayo sa options at nandyan ang mga taxi. Pero dito, lumabas talaga sa hearing natin na kulang talaga yung mga inaccredit na taxis ng ating Manila International Airport Authority dahil ang lumalabas dito, meron tayong passenger traffic araw-araw. Ibig sabihin, yung bilang ng mga dumarating sa Pilipinas at dumadaan dito sa NAIA ay 50,000 passengers. Ang sumasakay ng taxi, 10,000 passengers. Araw-araw po ito. At ilan po yung in-accredit na taxis? Kulang-kulang 1,500. So, sabi ko nga dapat, una, kelangang dagdagan po yung accreditation, pabilisin yung accreditation dahil lumalabas din po sa imbestigasyon natin na it takes at least two months to process the different applications. So, sana mapabilis yun for convenience ng ating riding public. Pangalawa, bigyan din sana ng accreditation yung tiantawag na car-sharing services, yung Uber at Grab car na nakikita nating nauuso ngayon. Siguro nga dahil hindi sapat ang serbisyo ng existing taxis natin.

Q: Sir, paano yung pag-establish ng public transportation modes nga like buses and trains? Ano po ang plano ng MIAA for that?

SJEA: Ang sabi nila, meron silang sinusubukang mga airport buses na dadaan dun sa apat na terminal ng NAIA at pagkatapos nun, may mga ruta. Sa ngayon meron daw pumupunta sa Roxas Blvd., merong pumupunta ng Makati. Sa ngayon, yun pa lang ang meron. So ang sabi natin, siguro dapat i-expand natin dahil hindi naman lahat nakatira sa Roxas Blvd. o sa Makati. Kelangan merong pupunta ng Ortigas, ng Pasay, ng Quezon City, Caloocan. At palagay ko, pag nalaman ng publiko 'to, na merong business opportunity, marami ang mag-a-apply dahil napakagandang programa nito. Merong pasahero na kailangang madala sa kanilang destinasyon- definitely, it's a business opportunity for entrepreneurs di ba?

Q: Pero sabi po, sa sobrang traffic daw, hindi na rin kaagad nakakabalik yung airport taxis?

SJEA: Yun din po ang problema. Yung traffic matindi, hindi lamang sa dami ng kotse sa kalsada, pero pati na rin dahil sa dami ng constructions works na ginagawa around the airport. So, mas kumonti raw ang trips nila. So, sa akin short-term problem yan dahil matatapos din yung problems. Pero in the long-term, we still don't have enough taxis servicing our passengers. They still must issue new accreditations.

Q: Sir, aside from Uber and Grab Car, yung ordinary taxis...

SJEA: Doon, dapat mag-accredit pa sila ng mas marami. Kasi sa ngayon, kung ia-analyze po natin yung datos, parang kulang talaga yung 1,500 dahil at the most, isang driver nakakaapat na biyahe sa loob ng isang araw. So, kulang talaga yung 1,500 kasi times 4 mo yung 1,500 that's only 6,000 taxi rides. So kulang talaga yan para sa 10,000 na sumasakay ngayon. Kitang-kita sa numero. So kelangan mag-accredit talaga sila ng mas maraming taxis. I'm sure, the taxi providers - mas masaya pa nga yan, merong oportunidad para sa kanila.

Q: Sa tingin niyo ilan ang ideal na bilang ng taxi?

SJEA: Ang sabi sa hearing sa ngayon, hindi naman 1:1. Kasi yung iba sumasabay lang ng sakay so 2:1 or 3:1, i-analyze nalang nila yung passenger traffic nila.

Q: Short-term solution, sir, 'di ba pwede i-allow nalang nila yung white taxi na walang accreditation?

SJEA: Yun ang isang pinaaral natin sa kanila, yung tinatawag na "open city" solution kung saan lahat ng taxi pwede nang tumigil doon sa airport. Pero nakikita nga natin na may dalang consequence yun. Magkaka-traffic sa airport dahil halos lahat ng taxi at titigil at magpa-park na sa airport para maghintay ng pasahero. Baka magreklamo na yung ibang pasahero dahil hindi na sila makalabas ng airport.

Q: Okay na ba na pinapayagan lang ang ordinaryong taxi pag peak hours lang?

SJEA: Parang kailangan may accreditation pa rin sa white taxis. So ang sakin, paramihin nalang yung accreditation at i-observe yung effect sa traffic. Tapos ibalanse nalang yung gusto nating mangyari na gusto nating bigyan ng sapat na transportasyon yung mga tao pero ayaw din natin magsiksikan doon sa airport.

Q: Sa penalties sa mga overcharging taxis, kailangan ba baguhin yun at mas patindihin?

SJEA: Pag-aralan natin, hindi natin masyado napagusapan. Ang pinagusapan natin ngayon ay ano yung available modes of transport para sa ating pasahero pero pwede pa natin pagusapan yun dahil sinuspend lang naman natin yung hearing dahil gusto nating i-monitor yung aksyon ng mga ahensya dito. Pero alam niyo naman patapos na yung session so siguro pagaralan nalang muna natin yun.

Q: Kamusta yung response ng airport authorities dito sa mga nais niyong mangyari?

SJEA: Okay naman, mukhang napagaralan nilang mabuti. Ang concern naman natin talaga ay ma-implement kaagad yung solusyon dahil alam natin na araw-araw may problema sa transportasyon. Masama ang epekto sa bansa kapag hindi natin naresolba ang problema. Mawawalan tayo ng turista, mawawalan ng lakas ang industriya at mawawalan ng job opportunities at trabaho.

Q: May timeframe sila to implement the solution?

SJEA: Well sabi nila two months to process the application. Eh karamihan ng applications either nasa DOT or LTFRB. At least in two weeks time or a month's time maresolba na.

Q: Kayo ang acting Majority Leader, sa rules kumbaga, dun ba sa Mamasapano hearing pwede bang tanggapin ang audio recording ni Valeroso?

SJEA: Tumalon tayo ah. Meron tayong Anti-Wiretapping Act so tingnan na lang natin dahil naalala ko nung kongresista pa ako, nagkaroon tayo ng debate dun sa "Hello Garci" investigation. Mahaba yung debate pero ultimately na-play din yung tape kasi halos lahat napakinggan din yung tape. Parang sinasabi ng publiko, "Napakinggan na namin yan eh. Bakit kayo ang haba ng debate niyo." Pero basically kung wala namang mag claim na sila yun, baka hindi rin ma-invoke yung protection nung RA 4200 sa anti-wiretapping.

Q: Sino po ba yung mga personalities dun sa audio recording, Senator?

SJEA: Hindi ko alam. Kayo nga nakakaalam nun, kayo sumusulat eh.

Q: Sir, may nagpapatanong, ano po yung pinag-usapan niyo ni Miss Pia Wurtzbach?

SJEA: Well, na-congratulate ko siya at sabi ko sa kaniya we're very proud sa achievement niya. At tinanong ko sa kaniya kung ano yung mga advocacies niya bilang Miss Universe kasi as Miss Universe tinitingalaan ka at pinapakinggan ka. May sinabi siya, tatlo yata: number 1 is HIV prevention and reduction, number 2 yung Anti-Cyber Bullying which sabi ko that's also my advocacy dahil author ako ng Anti-Bullying Law, at parang Reproductive Health ata yung pangatlo. Gender and reproductive health.

Q: Sir sabi ni SP na she's interested in getting into government. What advice do you have for her?

SJEA: Hindi ko natanong sa kanya but I think if she would get into government, she's very winnable.

News Latest News Feed