Press Release
January 25, 2016

SEN. GRACE POE AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT

Question: Ma'am ano po ba yung nakikita niyong legislation regarding wire-tapping?

Sen. Grace Poe: Importante kasi na magkaroon ng ngipin yung ating batas. Pagka may wire-tapping law tayo na pinapayagan yung pagwa-wire tap ng mga drug pushers, drug dealers, mas mabilis kasing uusad yung kaso dahil mayroon nga tayong magiging basehan. Ngayon kasi, hindi mo masasampahan ng kaso ang mga iyan pag wala silang hawak mismo na droga o nandoon sila sa vicinity ng may mga droga. Kaya importante, lalong-lalo na yung pag-uusap sa telepono kung may tama namang mga guidelines para dito ay gamitin yun dahil sa ibang bansa iyon din ang ginagamit nila para mas mapabilis ang pagtugis at pag-file ng kaso laban sa mga drug dealers.

Q: Ma'am, paano po yun sa legislation that you have in mind? Kailangan po ba may court order?

Poe: Kailangan ng court order, pero sa ngayon kasi, hindi ka makakakuha ng court order unless it's for a terrorist activity. So ito ay malaking bagay rin, at sabi nga natin kung seryoso talaga tayo na hulihin ang mga drug dealers na iyan, ito ang malakas na paraan, akalain mo, kung puwede mong i-tap ang kanilang telepono, talagang mapipilayan sila sa kanilang mga transaksyon.

Q: [On Mamasapano] Ma'am, wala bang way to be able to use the audio tape to Valeroso?

Poe: Unang una, nais kong klaruhin ano, 'yung sa kanya, siya mismo ang nagsabi na kailangan niya pang i-verify itong audio recording na ito. Pangalawa, sa ngayon hindi pa nakakatanggap ang aming tanggapan ng kopya nito. Pangatlo, importante na malaman natin ang katotohanan kung ito ba ay isang valid na recording, pwede po naman po 'yan pagdesisyunan ng mga miyembro ng komite kung mailalabas o hindi.

Q: Ma'am, mag-iinhibit po ba 'yung committee to invite him to the hearing...

Poe: Itong pagdinig na ito ay bumukas sa kahilingan ni Senator Enrile. Ipinaubaya namin sa kanya na magsumite ng mga listahan tungkol doon sa magiging resource person. Kung isasama niya ito e 'di iimbitahin, kami naman po ay bukas pero gaya nga ng sinabi ko, nag-iingat rin tayo sapagkat mismong may hawak ng ebidensiya sabi, ibe-verify ko pa. I-verify muna nila.

Q: May plano ba kayong i-invite si Duterte? Papaano ba 'yun?

Poe: Sa ngayon, wala namang... walang nagsusumite na maimbita basta ang importante matugis natin 'yung katotohanan. Isang taon na ang nakalipas. Sa mga nakakaalam ng katotohanan noon pa at sa ngayon dapat ay maresolbahan na talaga natin 'to kung mailalabas nila bakit dapat ay humarap din.

Q: Ma'am, kung may magre-request na imbitahan si Duterte... iimbitahan niyo po?

Poe: 'Yan naman po ay kung makakatulong sa paglalahad ng katotohanan kung na-prevent... 'di ba, remember 'yung punto ni Sen. Enrile ay kung naiwasan ang pagkamatay ng mga sundalo natin. So, 'yung kooperasyon, anong nangyayari bago pa namatay sila at 'yung mga naging direktiba ng mga namumuno. Yun ang ating tinututukan. Sapagkat marami na ring kaganapan pagkatapos. Pero yung ating tinututukan ay ito ba ay naiwasan kung saka-sakali.

Q: Ma'am yung kay Valeroso, kailangan i-verify muna bago siya lumapit sa tanggap niyo?

Poe: Hindi, kasi siya yung may alam kung saan nanggaling 'yun. Kailangan malinaw na galing sa kanya kung saan niya nakuha ito. Ibig sabihin yung proper due diligence ng pagberipika. Kasi baka naman kahit sino sa atin pwede namang magpadala at sabihin na ito. Pero hindi mo alam kung saan galing, kung nadoktor ba ito. But kung ibibigay yan samin, para makatulong kami magberipika bakit hindi. Pero sa ngayon, wala pa kaming natatanggap.

Q: (inaudible)

Poe: Tatanggapin namin as a submission pero with regard to the authenticity, we will not be able to validate that until we've also check the list and investigate the source of it.

Q: (inaudible)

Poe: Siyempre, this may not be valid in court ano. Di ba pag sinasabi nila ang mga recording na ganyan ay hindi valid sa korte kasi hindi naman authorize yung recording na yan. Pero, kaya nga mag-ingat kung ano yung source nito at kung ito ay makakapagturo kung ano ba talaga yung nangyari. Sa tingin ko naman, hindi naman kami ang nagpahanap nito. Titignan muna natin, mahirap magkomento sa isang bagay na hindi ko alam kung papaano nila na-obtain ito

Q: On Col. Marcelino, do you believe it is a legitimate operation of the PDEA?

Poe:Yung sinasabi ng PDEA sa atin na matagal na nilang inoobserbahan daw itong grupo na ito pero sa kauna-unahan nilang pagkakataon na nakita doon si Col. Marcelino. Sinabi ni Director General Cacdac na wala naman talaga dapat na kinalaman doon ang AFP sapagkat unang-una si Col. Marcelino ay sa Navy tapos ito naman ay operation ng ilegal na droga. Para sa kanila ikinalulungkot talaga nila ang nangyari at talagang parang walang dahilan kung bakit nandoon si Col. Marcelino. Kung mayroon man ipapakita ang military na nagsasabi na ito ay isang legitimate na operation nila ay dapat ipakita na nila at ang tanong doon ay ano ang nagbigay sa kanila ng awtoridad na gawin ito? Sapagkat alam naman natin na ito ay operasyon ng PDEA, ng PNP. Ngayon ang matagal ko nang sinasabi, kailangan gawin natin talaga yung traffic equation as a national security threat ang droga sa ating bansa nang sa gayon pati na din ang AFP ay magkaroon din ng awtoridad ukol dito at magamit natin ang mas malaking resource ng gobyerno para matugis ito at kasama na din ang pagaamyenda ng anti-wire tapping law para masama nga yung mga drug pushers pero definitely kailangan may coordination under the Office of the President para walang umabuso. Kasi kung walang central coordination, kunwari gagalaw ang isang sangay ng gobyerno na hindi alam ng isang sangay ay baka nga magkaroon ng kalituhan sa kung sino ang nag-authorize ng isang operasyon. Okay thank you.

News Latest News Feed